Chapter 1
SIOBEH
It will be a lifetime of longing for him… but I know, it’s worth it. Kung saan man humantong ang istoryang ito ay masasabi kong nasaktan ako, marami akong isinakripisyo ngunit ang tiyak sa mga pangyayaring iyon ay nagmahal ako. Nagmahal ako ng wagas na kahit kailanman ay hindi mapapawi ng kung sinoman.
***
“And… the winner of the first round is… Kent Saavedra! Yes! our golden boy! whoo!” saad ng announcer.
Nagsipalakpakan at hiyawan ang lahat ng mga naroroon sa auto racing at all-out ang support kasama na ako. Syempre, pambato ko ata ang kababata kong si Kent.
Tuwang-tuwa nilang binuhat si Kent papalapit sa akin at masaya ko naman silang sinalubong.
“Whoo! I told you Siobeh, I won! I won! whoohoo!” saad niya sa akin.
“Yes! Way to go! Golden boy!” saad ko naman habang pinagmamasdan kung gaano siya kasaya.
Kinuha lang kasi namin ang sportscar na dala namin kay kuya ng walang paalam at saka pumunta sa event na ito.
And just like other kids in town, me and Kent are rebels who only seek fun in our teenage days.
“Alright alright folks! Fifteen minutes break and we are going to start the second round!” paalala ng emcee kung kaya’t uminom muna ng tubig si Kent at saka nag stretching dahil sumakit ang likod at mga braso niya, pati na rin ang paa niya sa pagmamaneho.
Maya-maya ay bigla ko namang narinig na tunog na ng tunog ang cellphone ko ngunit inilapag ko lang iyon sa dala naming kulay orange na Nissan GTR.
“Ba’t hindi mo sinasagot yung tawag?” tanong sa akin ni Kent.
“It’s my brother, Kent, it’s my f*****g brother, he’s mad!” saad ko na ngumisi ng nakakaloko.
“Turn off your phone,” saad ni Kent na ngumisi din at parang may naisip na kalokohan, “Or… take a selfie with us on his car!” saad ni Kent na kinuha ang cellphone ko at nagpicture kami sa harap ng Nissan GTR at sinend iyon kay kuya.
“You’re such a bad boy, Kent!” saad ko sa kanya.
Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin sa mga kalokohan ko dahil gaya ko ay pasaway din siya.
“Kamo isang race na lang! Matatapos na! Pakakainin ko lang ng buhangin ang kalaban ko!” pagyayabang ni Kent na naghahanda na.
Kahit kailan talaga ang kababata kong ito sobrang yabang hays!
“Then race as fast as you can before daddy finds out!” saad ko na tinulak na si Kent sa kotse habang ngingisi-ngisi kaming dalawa sa kalokohan namin.
“Okay! Booze up folks! We’re going to the final round of our racing game tonight!” saad ng announcer.
Muling pumwesto ang mga kalahok sa laro pero ngayon ay iba, dahil dalawa na lamang sila sa arena na makikipagkarerahan sa isa’t isa. Ang nag champion last year na si Alejandro Clemente at ang nanalo ngayon na kababata kong si Kent Saavedra kasama kaming mga representatives, ako at walang iba kundi si Aarav Clemente.
They say that this man is a very dangerous man. Well, I doubt that dahil pakiramdam ko ay wala ng mas masahol pa sa daddy at kuya ko.
“Representatives, please!” pagtawag ng announcer kung kaya’t dali-dali akong lumapit ngunit dahan-dahan namang lumapit si Aarav. Napatingin ako sa kanya, naka-business suit siya at naka-sumbrero.
Hindi ako akalaing ang isang businessman ay papatulan ang ganitong klase ng laro dahil mukha na itong ka-edad ni kuya Antonio. Madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin at tinanggal ang sumbrero niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa unang pagkakataon ng makita ko siya ng malapitan dahil tumambad sa akin ang gwapong-gwapong anyo niya at ang hinulmang mabuti ng Diyos na bulto ng katawan niya.
He was so damn attractive and I hate myself right now.
Sandali akong natulala ngunit nang makarecover ako ay saka ako nagsalita, “It's nice to finally meet you, Mr. Aarav Clemente.”
“I didn’t expect a young woman in a place like this. Ang akala ko pa naman ay si Antonio ang makakatunggali ko, but it looks like his younger sister is too stubborn to replace him.”
“Oh yeah, it looks like you know my brother but not me… I’m the most dangerous Aldama that you’ll ever meet!” pagtatantiya ko sa kanya.
“You? Dangerous, don’t make me laugh Sweetie, how old are you huh? Eighteen?”
“Just because you have a nice car doesn’t mean that I can’t win against you,” saad ko na naningkit pa ang mga mata.
“Well, you’re right. How about a wager then.” alok niya sa akin ngunit hindi ko akalaing dito ako mahuhulog.
“A wager?” tanong ko sa kanya.
“Yes, a wager. Pag nanalo kayo, sayo na ‘tong kotse ko, para naman hindi ka na nanghihiram sa kapatid mo.” saad ni Aarav sabay himas sa red Ferrari car niya habang nakasakay na doon si Alejandro at tine-testing ang makina nito. Napangisi pa siya ng nakakaloko sa akin.
“Well, that’s a tempting bet.” saad ko naman dahil mukhang limited edition pa ata ang version ng Ferrari na iyon.
“But… if I win, you will…” saad niya na pinagmasdan ang katawan ko at animo'y gusto akong hubaran tss! manyak!
“You will what, jerk?!” inis na tanong ko dahil naka-fix ang tingin niya sa malulusog kong dibdib.
“You will marry me… and sell your body to me.” saad niya sa mala-dominanteng boses na para bang gusto niya akong kainin ng buhay.
“Boo! Ain’t gonna happen, Bro! kung ako sa inyo umuwi nalang kayo, dahil ako ang mananalo dito!” sigaw naman ni Kent na ngingisi-ngisi pa kung kaya't pinalo ko ang balikat niya.
Gagong ‘to! hindi nakakatawa ang kundisyong inilatag ni Aarav at may gana pa siyang magyabang! sira-ulo talaga ‘tong kababata ko!
“Mainit na mainit ang laban at nagka pustahan pa nga! Sino kaya ang magwawagi?! Team Aarav or Team Siobeh?! Sino bet niyo?! Mga kosa! Mag ingay!” sigaw ng announcer at nagsihiyawan at nagpalakpakan ang mga manonood.
“So.. what do you say, if you’re really the most dangerous Aldama that I will ever meet, prove it,” saad niya na ngumiti na animo'y nakahanap ng paglalaruan ngunit hindi ako papatalo. Isa akong Aldama at wala sa dugo namin ang talunan.
“Deal,” mariin kong sagot sa kanya.
Kasabay non ang lalong pagsigaw ng mga manonood.
“Alright! Alright! We have a deal now! we can start this hot racing! okay! On your mark get set… go!”
Sa hudyat ng announcer at sa pagbaba ng bandana ay sabay na umandar ang kotse ni Alejandro at ni Kent.
Mainit ang naging sagupaan ng dalawang race car na nagkakarerahan at sa tuwing nagkakagitgitan sila ay nanggigigil ang mga kamay ng mga nagmamaneho ng mga kotseng iyon.
Napakabilis na parang kidlat ang mga pagtakbo ng mga ito na para bang hinahabol sila ni kamatayan at nag uunahang makaabot sa sukdulan.
“f**k!” usal ni Kent dahil patuloy siyang ginigitgit ni Alejandro.
Napapanuod namin iyon dahil sa malaking LCD screens or video wall na nasa harap namin ni Aarav.
“Go home, Boy!” asik pa sa kanya nito.
“You go home you f*****g asshole!” singhal ni Kent at mabilis na tinakasan ang panggigigitgit nito, naunahan niya na ng kaunti ang kotse ni Alejandro na mabilis na umaandar sa tabi niya.
“Whoohoo! I’m gonna won! I’m gonna won again, come on Baby, don’t make me fail, Siobeh’s life is on the line!” saad ni Kent.
Hindi ko akalaing masasabi niya iyon. Nakakapag-alala. Napatingin ako kay Aarav at mukhang desidido nga ito sa sinasabi niyang kailangang pakasalan ko siya at may mangyari sa amin.
“Eat my dust!” asik ni Alejandro na nauna na kay Kent, mahigpit na ang hawak ni Kent sa manibela dahil talagang mabilis si Alejandro.
“f**k! s**t! Come on!” singhal ni Kent na nagmamadali at ngayon ay siya naman ang gumigitgit kay Alejandro at nanggigigil na ngunit biglang natanggal ang kamay niya sa manibela, napangisi si Alejandro at nauna na sa finish line.
Napatingin sa akin si Aarav.
“Oh, paano ba yan?” saad niya.
Halos manginig ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot. Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang lalaking nasa harapan ko ngayon ngunit napatingin si Aarav sa kanyang wristwatch.
“I guess, I’ll see you again,” saad niya at saka umalis.
But… How about the wager?
Sumunod naman sa kanya ang mga tauhan nito.