SIOBEH
“Siobeh, tara na!” pag-aaya ni Kent sa akin na hinigit ako sa braso.
Hindi ko alam kung bakit natahimik nalang ako. Gusto kong may sabihin kay Kent ngunit hindi ko makuha ang mga salitang nais kong sabihin. Napakaraming pumapasok sa isip ko.
Nagpatianod na lamang ako kay Kent at sumakay sa kotse. Ramdam ko ang tensyon ni Kent na para bang may tinatakasan kami sa bilis niyang magpatakbo kung kaya't hinawakan ko ang kamay niya.
“Hey, slow down.” saad ko ngunit hindi kumakalma si Kent.
“Damn it Siobeh! I can't! it’s Aarav Clemente, he will do everything to get into you! akala mo ba laro-laro lang sa kanya ang pustahan na nangyari kanina?!” bulalas ni Kent na hindi na mapakali at problemado na rin.
“I’m fine!” bulyaw ko sa kanya dahil naiinis na ako.
Wala naman kasing ginagawa pa sa akin si Aarav.
“It’s just a bet,” ani ko.
“Just a bet? you’re unbelievable right now, Siobeh!”
Balisa na ngayon si Kent at sinisisi pa nito ang sarili dahil natalo siya sa karera.
“Don’t blame yourself, I’m fine,” siniguro ko iyon sa kanya ngunit tila pinagpapawisan na siya ng malamig at ramdam ang tensyon.
Maya maya ay may naaninag akong itim na kotse na sumusunod sa amin. Sa una ay hindi ko iyon pinansin ngunit mabilis na ang pagpapatakbo nito.
“f**k! Someone's following us! damn it!” singhal naman ni Kent na binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Napansin na rin pala iyon ni Kent.
Habang binabagtas namin ang kahabaan ng highway ay nagulat kaming dalawa nang makita namin si Aarav na nakatayo sa gitna ng kalsada at prenteng-prenteng naninigarilyo. Napa-preno si Kent ng mabilis dahilan upang muntik na kaming masubsob dalawa sa kotse.
“Naloko na!” aniya na akmang bababa ng kotse ngunit hinigit ko siya sa braso.
“It’s me he wants! stay here!”
“No, Siobeh! I won't let you be alone with that scum!” matigas na saad ni Kent.
Bakit ba ang tigas ng ulo nito?!
“Pag tinanong ka ni daddy at ni kuya just tell them na hindi tayo magkasama at hindi mo alam kung saan ako pumunta.”
“Wag mong sabihing sasama ka dyan?! nababaliw ka na ba?! papatayin ako ng tatay mo!”
“It’s a bet Kent at natalo ako.”
“Siobeh please! wag mong gawin ‘to!”
“I’ll be fine, I promise.” saad ko na hinalikan siya sa pisngi at mabilis na lumabas ng kotse. Matapang kong hinarap si Aarav.
“Buti naman at marunong kang tumupad sa usapan Ms. Aldama.” saad ni Aarav at saka inilahad ang kamay sa akin.
“Sasama ako sayo, on one condition.”
“What is it?”
“Make sure that Kent will pass the borders without getting hurt.”
“Fine.”
“How can I be so sure that he will get home safely?”
“You have my word.” saad ni Aarav at saka tinapon ang sigarilyong hawak at dumiretso na sa kotseng inihanda sa kanya ng mga tauhan niya.
Hindi ko alam ngunit sapat ang narinig ko kay Aarav upang tanggapin ang kamay niya. Inalalayan niya ako papasok ng kotse niya.
“Siobeh!” galit na saad ni Kent ngunit wala siyang magawa.
Tinututukan siya ng baril ng mga tauhan ni Aarav.
“Leave, now!” mariing utos ko sa kanya.
Dismayado siyang umalis ng teritoryo ni Aarav. I’m sorry, Kent.
Nauna ng umalis ang mga tauhan ni Aarav at saka niya inistart and kotse.
Habang nasa byahe kami ay binuksan niya ang radyo at tumugtog ang Eye of the Tiger ng Survivor.
“Yown! ito ang soundtrip!” saad ni Aarav at nilakasan pa ang radyo habang ako naman ay nakakibit-balikat lang at tila nawi-wirduhan sa kanya.
Sinabayan niya ng pagkanta ang tugtog habang hine-head bang ng mahina ang ulo na para bang tumatango-tango lang.
“Risin' up, back on the street,
Did my time, took my chances.” pagkanta niya habang nagmamaneho.
Pinapanuod ko lang siya habang nakakunot ang noo ko. Mukhang malakas ang sapak ng isang ito. Kanina lang ay takot ang nararamdaman ko sa kanya ngunit ngayon ay unti-unti ng nawawala dahil sa pagkilos niya ng ganito.
“So many times, it happens too fast
You trade your passion for glory.” pagkanta niya pa, napatingin siya sa akin ngunit inirapan ko lang siya.
I can't believe how chill he was while he was kidnapping me literally!
“And the last known survivor stalks his prey in the night, And he's watching us all with the eeeeeye of the tiger! whoo!” malakas na pagkanta at hiyaw niya na enjoy na enjoy sa music at napatingin sa akin habang ako ay resting b***h face ang mukha na nakatingin sa kanya.
Malisyoso at sarkastiko siyang ngumiti sa akin. That f*****g smile says it all.
“My baby boo boo, why so serious?” tanong niya.
“f**k you, Clemente!” asik ko na nanggigigil sa galit ngunit tinawanan niya lang ako.
CLEMENTE SHOPPING CENTRE
“We’re here.” saad niya na bumaba at pinagbuksan ako ng pinto at saka nilahad ang kamay niya sa akin.
“Baka sabihin mo hindi ako gentleman eh.”
“Gentledog, pwede pa!” asik ko sa kanya na naiinis ngunit kinuha ko ang kamay niya.
“Ang sakit mo naman magsalita, mukha ba akong aso sa paningin mo, Baby boo boo?”
“Tigil-tigilan mo ‘yang kakatawag mo ng baby boo boo sa akin at kinikilabutan ako!”
“Aba, napaka-gwapo kong aso kung ganon.” saad niya na ngumisi at saka iginiya ako papasok ng shopping centre.
Napatingin ako sa buong shopping centre ordinaryong bilinan lang at shopping centre talaga. Siguro ay isa ito sa mga negosyo niya or just a facade for more illegal businesses.
“Kung may gusto kang bilhin sabihin mo lang sa akin, you're free to look around. Bawal ka nga lang tumakas syempre.” paalala niya sa akin.
Sumalubong sa amin ang mga bodyguards at mga tauhan niya at habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga nagbabantay o mga tindera ng mga shops na meron siya dito ngunit nakakapagtaka na walang nakasimangot sa kanila bagkus ay mga nakangiti pa ang mga ito. Ang iba ay bumabati kay Aarav, ang iba naman ay natutuwa sa kanyang pagdating.
Looks like he already manipulated or controlled every person in this place.