SIOBEH
Pumasok kami ng elevator at pababa iyon. Marahil ito na talaga ang pinaka-hide-out nila.
Hinawakan ni Aarav ang kamay ko habang nasa loob kami ng elevator. Napatingin ako sa kanya ngunit hindi siya tumitingin sa akin. Nasa pinaka hulihan kami habang ang mga bodyguards niya naman ay nasa harap. Ang dalawa ay may hawak pang baril.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na kami. Napakaganda doon. Yari sa magagandang klase ng marbles at salamin ang buong paligid ngunit madilim ang mga kulay dahil kung hindi navy blue ay shades of grey at black naman.
Kampon ata ng kadiliman ang mafia boss na ito. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya sa kamay ko. Siguro kaya niya hinawakan ang kamay ko ay ayaw niya akong matapilok dahil sa sobrang dilim dito.
Para akong pumasok ng palasyo ni Hades na naka-modern style. Akala mo underworld eh.
“Nasa underworld na po ba tayo, mahal na hari?” sarkastikong tanong ko sa kanya.
Napangisi naman siya sa sinabi ko, “Ha-ha, nakakatawa, Ms. Aldama.”
Nang makarating kami sa lobby ay may biglang lumapit kay Aarav na tauhan niya at may ibinulong. Nagulat siya at nabitawan ang kamay ko ngunit nilingon niya ako at saka iginiya sa waiting area.
“Dito ka muna ah,” saad niya sa akin na para akong batang paslit na iniwan nalang at saka umalis kasama ang mga tauhan niya.
Masamang masama ang loob ko at kanina pa ako galit na galit. Galit na tinatago ko lang dahil kapag sumabog ako ay baka hindi ko lang mapigilan. Kailangan kong makatakas dito.
Ang mga staff niya dito ay abala at nag-o-opisina at wala silang pakialam sa akin. Hindi naman pala ako bihag dito eh kaya makakatakas ako.
Binalikan ko lang yung mga dinaanan namin kanina ngunit napakalawak pala ng shopping centre at ngayon ko lang napansin iyon.
Hays! mawawala pa ata ako dito! nasaan na ba kasi yung exit?! nagpaikot-ikot ako sa paligid hanggang sa nakita ko yung exit kaya kaagad akong lumakad palapit doon ngunit nakita ako ng mga tauhan ni Aarav.
“Hoy! saan ka pupunta?!” sigaw ng isang guard.
“Over! over! si Ms. Aldama, tatakas!” sigaw naman ng isa habang may hawak na walkie talkie kung kaya't tumakbo ako palabas ngunit na-corner na ako ng mga tauhan niya at hindi ko sila kaya sa dami nila.
“Ms. Aldama, hindi mo ba alam na nasa impyerno ka?” sarkastikong saas ng isa sa mga loko-lokong guard ni Aarav.
“Alam ko kaya nga ako tatakas eh! mga halang ang kaluluwa ninyo!”
“Aba, matapang ka huh, wala namang binatbat ang crime family niyo samin!” pahayag naman ng isa kung kaya't sinampal ko siya ng malakas.
“Don't you dare insult my family like that, you imbecile!” nanggagalaiti na ako sa galit dahil mga walang modo ang mga tauhan ni Aarav.
“Alam mo dapat sayo tinuturuan ng leksyon eh, mga kasama! iharap na natin siya kay Boss Aarav!” sigaw ng isa at saka nila ako hinawakan sa magkabilang braso.
“Bitiwan niyo ako, ano ba! mga walang hiya kayo! bitiwan niyo ako!” nagsisigaw ako at pilit na nagpupumiglas.
“Nagmamatigas ka pa ah!”
“Hubaran natin, siguradong matutuwa si Boss Aarav nito!”
Sinimulan nilang hatakin ang suot kong blouse dahilan upang mapunit iyon at mahantad sa harapan nila ang aking malulusog na dibdib.
“Ano ba! bitiwan niyo ako! tulong!” panaghoy ko ngunit walang kahit sinong gustong tumulong sa akin.
Nahubad na rin nila ang suot kong boots at maging ang maong na short ko. Tanging bra at panty ko nalang ang natira sa akin.
“Ayos!” saad ng isa sa mga tauhan niya na ngumiti ng nakakaloko.
“Napakaganda at sexy mo, Ms. Aldama!”
“Mga walang hiya kayo! makakarating ito kay Aarav!”
“Akala mo ililigtas ka ni Aarav?! he’s evil, he’s ruthless. Hinding-hindi ka niya sasantuhin kahit na isa ka pang Aldama dahil anak ka ng kalaban! dalhin niyo na yan!”
Kinaladkad nila ako papasok sa isang malaki at madilim na bulwagan. Apat na lamang sila na nakabantay sa akin dahil hindi na pumasok ang iba. Ang dalawa ay hawak ako sa magkabilang braso habang ang isa naman ay may hawak na baril na nakatutok sa akin at nasa likuran namin habang ang isa naman ay nasa harap namin at sinusundan namin ito.
At doon ay nakita ko si Aarav kasama ang kanyang ibang mga tauhan.
Pilit nilang pinaluhod ang isang lalaki sa harap ni Aarav. Nagmamakaawa ito na wag siyang patayin ngunit handa na ang baril ni Aarav na nakatutok ngayon sa ulo ng lalaking nagkasala sa kanya.
“Sa lahat ng ayoko, yung sinungaling!” nanggagalaiti sa galit na saad ni Aarav.
“Maawa po kayo, Don Clemente! parang awa niyo na!” halos hindi mapakali ang lalaki na tumatangis at humihingi ng awa para mabuhay ngunit kinalabit pa rin ni Aarav ang gatilyo ng kanyang baril at bumagsak ang ka-awa-awang tao na iyon sa kanyang harapan.
“Ligpit niyo na yan! mga inutil!” sigaw pa ni Aarav na galit na galit.
Umakyat ang takot sa buo kong katawan at mas lalong nagpumiglas.
“Bitiwan niyo ako! aalis na ako sa lugar na ‘to! mga hayop! mga hayop kayo! demonyo!” pagsisigaw ko.
“Boss! Boss Aarav! heto na ang premyo mo! handang-handa na!” saad ng mga lalaking dumukot sa akin.
Inilapit nila ako kay Aarav at nagulat siya nang makita niya ang ka-awa-awang sinapit ko ngunit napalitan iyon ng galit at parang nagdidilim na naman ang paningin niya.
“Sinong may sabi sa inyong hubaran niyo?! huh?! ganyan ba tamang pagtrato sa babae?! mga putang ina!” gigil na sigaw niya na pinagbabaril ang mga lalaking umargabyado sa akin.
Naitakip ko ang magkabilang kamay ko sa mga tenga ko at napapikit ako ng mariin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ng mga oras na iyon habang si Aarav naman ay galit na galit at halos magwala sa inis.
“Mga walang hiya kayo, mga demonyo!” singhal ko habang nanginginig sa takot at nakapikit.
Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa takot.
“Nakikita niyo yan?! yan ang napapala ng mga naglalakas ng loob na kantiin ako! Anong tinitingin-tiningin ninyo?! talikod! mga bobo!”
Nagsitalikod ang mga tauhan niya upang wag makita ng mga ito ang hubad kong katawan ngunit wala akong pakialam, masyadong masakit para sa akin ang mga nangyayari.
Narinig ko pang nabagsak ni Aarav ang baril niya ngunit naramdaman ko ang pagtakip niya sa akin ng suot niyang coat kung kaya't napadilat na ako.
Tumambad sa harapan ko ang mga duguan niyang tauhan at umaagos ang mga dugo nila. Sumisigaw ng katarungan ngunit hindi iyon alintana ni Aarav at ang buong atensyon niya ay nasa akin.
Lumuhod ako sa harap ni Aarav na tila tinatanggap ang aking pagkatalo.
“Parang awa mo na, Aarav, wag mo akong sasaktan, gagawin ko lahat ng gusto mo! wag mo lang akong papatayin! maawa ka, please!”
“Sshh, shh, shh relax, Ms. Aldama, I won't hurt you. Masyado kang maganda at sexy para tapusin ko lang ang buhay mo ng ganun ganun lang.”
Tumingin siya ng malamlam sa akin at sinambit ang mga katagang, “I’m sorry.”
Punung-puno ng sakit at lungkot ang mga mata niya ng mga oras na iyon.
Bigla niya akong binuhat pa-bridal style. Nanginginig pa rin ako sa takot at umiiyak.
“Mukhang lumaki ka sa marahas na pamilya ngunit hindi ka sanay makakita ng mga katulad nito.”
Inilagay ko ang mga braso ko sa kanya at isiniksik ang ulo ko sa kanyang leeg at hinayaang umagos ang aking mga luha.
“Nasaktan ka ba? saan may masakit? anong ginawa nila sayo?” sunud-sunod na tanong niya sa akin.
“I’m fine.” saad ko habang umiiyak.