Chapter 17

1126 Words
SIOBEH Isang maaliwalas na umaga ang gumising sa akin ngunit paglingon ko ay wala na naman akong katabi. Palagi kasing nauunang magising sa akin si Aarav at talagang may routine siya na hindi ko alam. Nang makapagbihis ako at makalabas ng kwarto ay naabutan kong naglalaro ng videogames yung mga bodyguards niya sa may sala. Si Uriel, Daniel, Michael, Gabriel at Castiel. Anong pinag-gagagawa ng mga ‘to? Wala ba silang trabaho ngayon? “Anong ginagawa niyong lima dyan? Saan ang boss ninyong bosabos?” tanong ko sa kanila. Natawa silang lima sa tanong ko. “Ms. Siobeh, nasa shooting range po si Boss Aarav kasama si Boss Ramiro. Baka may session sila.” sagot sa akin ni Uriel ngunit natatawa pa rin. “Ahh okay.” saad ko na pina-usog sila at umupo sa sofa sa harap nila upang tignan yung nilalaro nila. “Naghihintay pa po kasi kami ng utos ni Boss Aarav kaya andito lang kami. Tambay.” paliwanag pa ni Gabriel. “Yung mga pangalan ninyo, pangalan niyo ba talaga yan? Hindi ako makapaniwala eh.” “Alyas lang, Ms. Siobeh.” saad naman ni Daniel. “Akala ko totoo eh.” “Si Don Leon ang nagbigay sa amin ng mga alyas na iyon na palantandaan na hanggat nandito kami sa poder niya ay pamilya ang turing niya sa amin dahil kinupkop niya kaming lima.” saad ni Michael. “Ah, ganon ba? Ang bait pala ni Don Leon ano? Biruin mo iyon, kahit hindi niya kayo ka-ano-ano itinuring niya kayong pamilya.” “Mabait talaga iyon kaso nga lang sayang at nawala siya kaagad. Binatilyo pa si Aarav noon nung nawala si Don Leon.” saad ni Castiel “Ibig sabihin matagal niya ng pinamamahalaan ang crime family?” “Oo. Dito na kami tumanda lahat. Sadyang magaling lang talaga si Aarav mag-manage ng mga pinamana sa kanya ni Don Leon kaya hanggang ngayon ay nakaka-survive kami dito.” dagdag pa ni Castiel. “Alam mo, minsan may mga pagkakataon na nag-iinom yan mag-isa umiiyak lalo na kapag sobrang pressure sa crime family tapos wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob kaya sana intindihin mo nalang.” saad naman ni Uriel. “Kamusta naman kayo ni Boss Aarav, Ms. Siobeh? Kwento ka naman.” wika ni Daniel. Sa tingin ko ay siya ang pinakabata sa kanilang lima. “Ayun. Hindi okay.” saad ko na bumuntong hininga sa kanila. “Bakit? May nangyari ba?” tanong pa ni Daniel na interesado talagang malaman. “Ano kasi eh… dinala niya ako sa puntod ni Don Leon kagabi sa mausoleum tapos binibiro ko lang naman siya biglang na-badtrip.” “Eh ano ho bang sinabi niyo?” tanong ni Daniel. “Ang sabi ko lang naman sa kanya hindi niya kamukha tatay niya kasi mas gwapo sa kanya si Don Leon, tapos sabi ko pa na baka napulot lang siya sa sabsaban biglang nagalit.” paliwanag ko. Natigilan naman silang lahat at nagsitinginan sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanilang lima. “Gagi. Emotional damage.” saad ni Uriel, tinapik naman siya ni Daniel sa kamay na parang sinasaway siya. “Bakit ganyan kayo maka-react?! Biro lang naman iyon eh.” “Hindi mo ba alam, Ms. Siobeh?” tanong sa akin ni Gabriel. “Ang alin?” “Ampon lang din si Boss Aarav, sanggol lang siya non nung makita siya ni Don Leon sa simbahan. Kinupkop at binihisan siya ni Don Leon at itinuring na parang sariling anak.” paliwanag naman ni Michael. “Ano?!” tanong ko sa kanila na hindi makapaniwala. “Wag mo na siyang bibiruin ng ganon kasi damdam-damin niya talaga iyon dahil totoo.” wika ni Daniel. “Kaya pala mainit ang ulo kanina, umagang-umaga. Badtrip si Boss!” sabi naman ni Uriel. “At saka bawal ang salitang “bastardo” dito at “son of a b***h” wag na wag mong sasabihin iyon sa harap niya magdidilim ang paningin non sayo!” babala pa sa akin ni Daniel. “Hala, hindi ko alam…” “Hayaan mo na, mag-sorry ka nalang mamaya.” sabi ni Gabriel. “Hindi. Ngayon na ako magso-sorry.” saad ko na tumayo at iniwan silang lima. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil napakalawak ng mansyon, parang yung shopping centre din ito sa dami ng pasikot-sikot. Pinagtanong-tanong ko si Aarav sa mga kasambahay ngunit hindi raw nila ito nakita. Naalala ko naman na sinabi ni Uriel na nasa shooting range daw ito ngunit saan ang shooting range? Sa paglalakad ko ay may nakasalubong akong isang guard. “Magandang araw ho Ms. Siobeh.” pagbati niya sa akin nang makita niya ako kaya tinanong ko na siya. “Uhm, saan yung shooting range? nandoon ba si Aarav?” “Kumanan lang ho kayo dyan Ma’am dire-diretso po.” “Pwede mo ba akong samahan?” “Halika po.” saad nung guard at iginiya ako sa shoots ng range ngunit umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung kaya't napasigaw ako at napakapit sa braso niya. “Sorry,” “Ma’am sigurado ho ba na tutuloy kayo doon? hindi pa po kasi tapos sila Sir Aarav eh mukhang natatakot ho kayo.” “Ah–eh oo, tutuloy ako. May kailangan kasi akong sabihin kay Aarav.” Hindi ko alam kung bakit takot ako sa tunog ng pagputok ng baril. Matagal ko ng phobia ito kung kaya't hindi ako sinasama ni daddy sa mga business trips niya. Nagkaroon kasi ng shoot-out dati at nakita nila kung paano ako magpanic attack. Halos mamatay daw ako sa takot pero alam kong hindi doon nagsimula ang phobia ko. Maya-maya ay natanaw na namin ang shooting range ngunit umalingawngaw na naman ang malakas at sunud-sunod na putok ng baril. Napayuko ako at naitakip ko ang mga kamay ko sa aking magkabilang tenga. Napapikit din ako ng mariin. Biglang sumagi sa isip ko ang ala-ala noong bata ako. Naglalaro kami ni Kent ng tagu-taguan ngunit bigla akong nakarinig ng putok ng baril. Iyak ako ng iyak non. “Mommy! mommy!” “Siobeh!” sigaw ni Aarav na siyang nagpagising sa akin. Nang mamulat ang aking mga mata ay nasa harap ko na siya at kaagad niya akong binuhat pa-bridal style. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. “Anong ginagawa mo dito?!” tanong ni Aarav na may pag-aalala. “Hinahanap kita eh.” “Sir, mauna na ho ako, nagpasama lang sa akin si Ms. Siobeh.” saad nung guard. “Sige, salamat Desmond.” saad ni Aarav. Desmond pala ang pangalan niya. “Psst! Hoy! itigil niyo yan! wala munang magpapaputok ng baril!” kaagad na utos ni Aarav at saka namin nilisan ang shooting range.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD