Chapter 18

1231 Words
SIOBEH “May phobia ka sa baril bakit pumunta ka pa doon?!” inis na tanong sa akin ni Aarav ngunit maingat niya naman akong ibinaba sa sofa sa may sala. “Gusto ko lang naman magsorry.” saad ko na nag-ayos ng upo habang siya ay nakatayong nakatalikod sa akin at nakapamewang pa. Badtrip ba siya dahil naistorbo ko sila? “Mag-sorry? para saan? bakit ka nagso-sorry?” tanong niya. Tumayo naman ako at niyakap siya mula sa likod. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin iyon ngunit ramdam ko na gusto niya ang pagyakap ko na iyon sa kanya. “Tungkol sa nangyari kagabi. Sorry kung napasama ko yung loob mo. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko naman alam na totoo pala na napulot ka lang sa simbahan, na hindi ka pala tunay na anak ni Don Leon.” Hindi ko inaasahang magugulat siya sa sinabi ko. Bigla niyang tinanggal ang mga braso ko mula sa pagkakayakap at humarap sa akin. “Sinong nagsabi sayo nyan?” “Huh?” “Sabi ko sinong nagsabi sayo ng bagay na yan!” galit na tanong niya sa akin. Bakit ba siya nagagalit? “Ah-ehh, ano– kasi–” “Magsalita ka nga ng diretso! sino nagsabi sayo nyan?!” asik niya. “Napa-kwento kasi ako kanina sa mga bodyguards mo, hindi ko naman sinasadya.” “Sino sa kanilang lima?!” “Lahat sila! wag ka namang magalit sa kanila please! kahit sa akin nalang, sa akin ka nalang magalit, okay lang! Aarav, sorry na!” pagmamakaawa ko sa kanya ngunit hindi iyon tumatalab. Nagagalit talaga siya. “Peste!” singhal niya sa akin at saka naglakad palayo. Wala naman akong ibang magawa kundi sundan siya dahil baka kung anong gawin niya doon sa lima. Maya-maya ay nakita niyang naglalakad sa corridor ang isa sa mga tauhan niya kung kaya't tinawag niya ito “Dominic! Dominic!” “Boss?! ano po iyon?!” kaagad na turan nito. “Patawag mo nga yung lima, sila Daniel! bilis!” utos niya na kaagad namang sinunod ng tauhan niya. “Aarav please naman! wag mo na silang pagalitan oh, ako may kasalanan dito. Ako nalang parusahan mo, please!” “Nakikialam sila at pinapangunahan ako! iyon ang kasalanan nila!” sigaw niya sa akin. Mababaw lang ang luha ko kung kaya’t naiyak ako sa pagsigaw niya. Ayokong nakikita siyang nagagalit. “Aarav please… tanggap pa rin naman kita eh, walang magbabago doon.” “Saka ko pa lang sana sasabihin sayo iyon pag kasal na tayo! pero ‘yang mga bibig ng mga pesteng yan hindi maawat!” “Magpapakasal pa rin naman ako sayo eh… promise na promise.” “Sabi mo yan ah, ayoko ng pinaglolo-loko ako Siobeh! Baka mamaya… malilintikan ka talaga sa akin!” “Oo promise basta wag ka na magalit sa kanila. Halika na, doon na tayo sa kwarto.” saad ko na pilit iginigiya siya papunta sa kwarto namin. “Teka, kumain ka na ba?” “Hindi pa.” “Halika, kain tayo.” saad niya na iginiya ako papunta sa kusina. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas nauto ko rin siya kundi mas lalong lagot dahil baka pagalitan niya yung lima, kawawa naman. “Yaya Minda, anong pagkain?” tanong ni Aarav kay Yaya Minda na naabutan namin sa kusina at nagluluto. “Beef steak po Sir.” “Ang bango po, nakakagutom.” saad ko na ngumiti kay Yaya Minda. Maya-maya lang ay naghanda na si Yaya Minda ng pagkain namin. “Maiwan ko na ho muna kayo, Ma’am at Sir.” pagpapaalam ni Yaya na kaagad namang umalis. Hindi ko namalayan na tanghali na pala kaya pala nagugutom na ako. “Siobeh, may itatanong ako sayo.” “Ano iyon?” “Kanina sa shooting range, nakita kita na namumutla at parang takot na takot tinatawag mo nanay mo. Is that a panic attack?” “Uhm, oo.” “Parang malala yung trauma mo sa baril ah.” “Oo pero hindi ko maalala yung eksaktong nangyari non bago ako na-trauma sa baril. Bata pa kasi ako non eh mga five years old lang ako tapos si Kent ay seven. Naalala ko, nag-lalaro kami nun ng tagu-taguan syempre bata tapos ang ginawa ko, nagtago ako doon sa study room ni daddy tapos biglang may sunud-sunod na putok ako ng baril na narinig kaya nag-iiyak ako tinatawag ko si mommy pero hindi ko maalala kung may nang-raid ba sa mansyon o ano, basta ang alam ko lang napakatahimik at aliwalas ng araw na iyon tapos biglang ganon ang nangyari, binalot ng takot yung buong mansyon. Akala ko nga namatay si Kent kasi hindi ko siya mahagilap, iyon pala doon siya nagtago sa may kusina tapos narinig niya rin daw pero hindi na namin nakita yung buong pangyayari.” “Raid?” “Iyon lang ang naaalala ko pagkatapos nun, wala na.” “Wag kang mag-alala, tahimik naman dito sa Mansyon at walang manggugulo dito as long as kasama mo ako.” “Ikaw lang naman magulo dito eh.” mahina kong saad ngunit narinig niya pa rin ata. “Anong sinabi mo?” “Ah-eh- wala… ang sabi ko, opo, mahal na hari.” “Nga pala, bukas may appointment tayo sa wedding planners.” “Agad?” “May mga trabaho kasi akong inaasikaso eh hindi ko na ‘to magagawa kapag naging busy na ako.” “Ah okay.” iyon nalang ang nasabi ko dahil kapag tumutol na naman ako ay siguradong mag-aaway na naman kami. Nang matapos kaming kumain ay nagkulong kami sa kwarto namin. Hindi ko inaasahan na makakasama ko siya buong araw ngayon dahil palagi siyang busy sa ibang bagay. Nasa kama kami ngayon at kapwa nakahiga habang pinapakita sa akin ni Aarav ang lumang photo album na kinuha niya pa sa dating kwarto ni Don Leon. “Yan ako nung bata, ito si daddy.” “Nung nagkaka-isip ka na, sinabi ba niya sayo yung totoo? Na hindi ka niya tunay na anak?” “Oo, sinabi niya, wala naman siyang mapapala kung hindi niya sasabihin sa akin eh at saka that time… sinasanay niya na ako. Sixteen ako nun noong naging underboss ako.” “Ganon ka-aga? Binata ka pa nun ah.” “Mabait si Don Leon pero strikto siya pagdating sa negosyo at isa iyon sa mga namana ko siguro sa kanya.” “If you’re the boss today then who’s your underboss?” “Si Alejandro, pinsan ko.” “Eh ang consigliere mo, nasaan siya?” “Si Edward, kuya ni Alejandro.” “Huh? Eh diba dapat kung sino yung mas matanda siya yung underboss sa kanilang dalawa?” “Ayaw ni Edward eh, okay na daw siya sa pagiging consigliere.” “Ganon.” “Kung hindi ka pala tunay na anak eh paano mo nakuha lahat ng pamana ni Don Leon ng walang kahirap-hirap? Hindi mo nakaaway ang mga kapatid niya maski ang mga pinsan mo? Wala bang tunay na anak si Don Leon?” sunud-sunod na tanong ko ngunit parang nahihirapan siyang sagutin iyon. Bigla namang may kumatok sa pinto kung kaya’t kaagad na binuksan ni Aarav iyon at tumambad sa amin yung lima niyang capo na sila Daniel. “Boss, pinapatawag mo raw kami?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD