Chapter16

1153 Words

Pag-uwi sa bahay, agad na humiga si Thea sa kaniyang kama. Pagod ang kaniyang katawan, pero ang isip niya ay gising na gising. Kinuha niya ang kaniyang earphones at binuksan ang Messenger. Pinindot niya ang audio file na sinend ni Liam. Sa unang ilang segundo, tanging mahinang kaluskos at tunog ng pag-ayos ng upo ang narinig niya. Pagkatapos, nagsimulang tumugtog ang isang mahinang kumpas ng gitara—acoustic, malinis, at may kasamang modernong "beat" na halatang gawa sa isang synthesizer. Hindi ito katulad ng mga klasikong piyesa ni Lucas. Ang musika ni Liam ay may halong lungkot pero may kasamang pag-asa. Wala itong lyrics, pero bawat nota ay tila nagkukuwento. Sa gitna ng kanta, narinig ni Thea ang boses ni Liam, mahina at tila nahihiya: "Teach... ito 'yung sinasabi kong business

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD