Ikatlo at Ikaapat na Quarter: Pagpasok ng ikatlong quarter, sinubukan ng 3rd Year Iron Wolves na bumawi. Nagpakawala sila ng sunod-sunod na tres at mas lalo pang hinigpitan ang kanilang depensa. Umabot pa sa punto na nadikit nila ang iskor sa 51-48, tatlong puntos na lang ang kalamangan ng koponan nina Lucas. Ngunit doon na ipinakita ng Senior Falcons kung bakit sila ang itinuturing na "Kuwentong Beterano" ng unibersidad. "Huwag magmadali! I-set ang play!" sigaw ni Lucas habang itinataas ang kaniyang kanang kamay, hudyat ng kanilang paboritong opensa. Kontrolado ni Lucas ang bola sa tuktok ng key. Nang subukan siyang i-double team ng Wolves, gumawa siya ng isang mabilis na fake pass na nagpatalon sa kaniyang defender, bago mabilis na pumasok sa shaded area para sa isang swabe at mataa

