Ang Bakbakan sa Hapon: Iron Wolves laban sa Senior Falcons Mabilis na lumipas ang tanghali. Pagdating ng ala-una ng hapon, muling napuno ng mas matinding hiyawan at ugong ng mga tambol ang gymnasium. Kung naging mainit ang laban ng mga mas batang batch kaninang umaga, triple ang tensyon ngayon dahil oras na para sa mga beterano ng kolehiyo: ang salpukan sa pagitan ng 3rd Year Iron Wolves at ng 4th Year Senior Falcons. Sa gilid ng court, nananatili sa kaniyang pwesto si Thea. Kahit medyo pagod na sa maghapong pag-assist, alerto pa rin siya sa pag-aayos ng mga yelo at medical kit. Sa tabi naman niya ay si Liam—na nakapagpalit na siya ng civilian na damit, nakaupo sa tabi ng kasintahan habang may nakadikit pa ring plaster bandage sa kaniyang kilay. "Ito na ang laro nina Kuya," seryosong wi

