Mabilis na lumipas ang oras at pagpasok ng ikatlong quarter, mas lalong uminit ang laban. Ang koponan ng 1st Year, na ayaw magpa-tambak, ay nagpalit ng taktika. Naging mas agresibo at pisikal ang kanilang depensa, at ang pangunahing target ng kanilang mga double-team ay walang iba kundi si Liam. Sa isang krusyal na play, habang mabilis na duma-drive si Liam patungo sa basket, sabay na tumalon ang dalawang defender ng Freshmen upang harangan siya. Sa ere, nagka-bulyahan. Nakawala ang siko ng isa sa mga kalaban at direktang tumama sa kaliwang kilay ni Liam bago ito bumagsak sa sahig. Prrrrrt! Blowing Foul! "Foul! Ref, siko 'yun!" sigaw ng coach ng mga Sophomores mula sa bench. Agad na napahawak si Liam sa kaniyang kilay habang nakaupo sa semento, bahagyang nakapikit dahil sa hapdi. Nan

