Isang seryoso ngunit may halong pagtanggap na tapik sa balikat ang iginawad ni Lucas sa kaniyang nakababatang kapatid. Sa kabila ng kanilang asaran, alam ni Lucas ang bigat ng pangalang Liam Anthony Malvar sa unibersidad. "Mabuti kung ganoon," wika ni Lucas habang nakatingin nang diretso kay Liam. "Malaking bagay na may mga nais mag-volunteer sa organisasyon. We need all the hands we can get." Hindi nagtagal, umalingawngaw ang masigabong palakpakan sa loob ng council office. Ang mga miyembro, na dati ay tila pagod sa tambak na trabaho para sa Engineering Week, ay biglang nabuhayan ng loob. Hindi lang basta volunteer ang nakuha nila; nakuha nila ang "Wildcard" ng Engineering. "Next meeting natin ay sa Friday," anunsyo ni Lucas habang nililigpit ang kaniyang mga folder. "Any questions?"

