Hindi nagtagal, isa-isa nang pumasok ang mga miyembro ng Student Council sa office para sa nakatakdang meeting. Kapansin-pansin ang panandaliang paghinto ng bawat isa sa pintuan nang makita ang isang pamilyar na mukha na hindi naman dapat nandoon. Si Liam Anthony Malvar—ang basketbolistang "wildcard" ng Engineering at kilalang pasaway—ay kaswal na nakaupo sa tabi ni Thea, tila isang bodyguard na handang magbantay. "Lalabas ba ako, Thea?" pabulong na tanong ni Liam nang mapansin ang mga nagtatakang tingin ng mga org members na papasok. Bahagyang lumapit ang kaniyang mukha sa dalaga, sapat na para maramdaman ni Thea ang kaba sa kaniyang dibdib. Umiling si Thea habang inaayos ang kaniyang mga folder. "Kahit huwag na, basta mag-behave ka lang diyan," mahinang sagot niya. Lumingon siya kay L

