Nang matapos ang reporting, isang maikling katahimikan ang namayani bago muling umingay ang palakpakan. "Very well explained, Mr. Malvar. I'm impressed with your transition," nakangiting wika ng kanilang professor habang tinitingnan ang huling slide ni Liam. "Mukhang may magandang inspirasyon ka nitong mga nakaraang araw. Sino ba ang nag-tutor sa iyo para maging ganito kalinis ang gawa mo?" Hindi nag-atubili si Liam. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi bago lumingon sa gawi ni Thea. "Si Althea Beatrice Aquino, Prof!" malakas na wika ni Liam nang may halong pagmamalaki. Agad na umalingawngaw ang malakas na palakpakan at hiyawan ng kaniyang mga classmates. Ang iba ay nanunukso pang sumisigaw ng "Sana all!" at "Lakas ng kapit!" Habang si Thea naman ay parang gustong

