Prologue
"Okay, kaya mo to Liyah! Kaya mong sabihin kila Mama na gusto mong magtrabaho at hindi sila pwedeng huminde."
I'm already twenty two, hindi na ako bata para madiktahan. I need growth. Hindi naman nila ako pwedeng ikulong sa bahay. Hindi lang naman doon at sa carinderia umiikot ang buhay ko. The world is a big space and I have to explore it.
I breathed in and out before I took a kilo of sugar into the cart and went. "Paano ko ba sasahihin kila mama ito? Baka magalit lang sila?" Bulong ko sarili ko.
Napapikit ako at napahalinghing bago ko itinulak ulit ang cart ko. Pero mabilis akong napahinto nang may nabangga ako. Bakit ba kasi ako nagtutulak nang cart na nakapikit?
The guy I bumped glared at me as if by instinct, it was deadly and dangerous. May isang bag ng Ovaltine na nakahandusay sa sahig. "Can't you f*****g see me standing here? Are you blind?" Galit na tugon niya.
Gusto ko siyang sigawan at pilitin mag-sorry sa sama ng tabas ng dila niya pero nilunok ko na lang dahil ako naman ang may kasalanan. "Sor-"
Hindi ko na naituloy dahil bigla na lang siyang umalis. Nilayasan ako nang pangit na 'yon! "E di wag! Arte!" Bulong ko sa sarili ko sa inis.
I closed my eyes before calming myself. Hindi mo ipapasira ang mood mo sa pangit na 'yon Liyah. Tandaan mo, kailangan mo pang magpa-good shot kila Mama para payagan kang magtrabaho. Kaya dapat galingan mo ang pag-go-grocery okay?
Ilang beses akong umikot sa pamilihan para lang masigurado na nabili ko lahat nang inutos ni Mama. Less mistakes, less chances of winning. Nagpasalamat din ako na hindi ko nakasalubong si Mr. Grumpy sa grocery, jusmiyo para lang sa Ovaltine grabeng magalit; akala mo naman ginto.
Napairap ako nang palabas na ako. Okay, inner peace Jaliyah. Kailangan mong i-practice ang sasabihin mo sa nanay at tatay mo para pagbigyan ka sa gusto mo.
"Ma, Pa, gusto ko pong magtrabaho." I shook my head. Hindi, masyadong strong ang dating.
Ano kaya kung magtanong muna ako kung may ipapagawa sila sa akin? Ligawan ko muna sila ng husto para mas abot-kamay ko ang hiling ko.
I stopped walking when the spotlight by the intersection turned red. Mabuti na lang. Kailangan ko pa kasing mag-formulate nang sasabihin. Nag-iisip pa rin ako ng malalim nang napalingon ako sa naka-park na sasakyan sa tabi ko
Bawal mag-park dito pero ang lakas ng loob ng may-ari nito. Napabuntong-hininga na lang ako, bakit ko nga ba prinoproblema 'yon?
I ended up staring at my reflection on the car's tinted window. Great! Puwede akong mag-practice dito para maobserbahan ko rin ang facial expression ko habang nagsasalita.
"Ma, Pa. I'm 22, I need to grow and learn on my own. I-." Hindi ko na naituloy ng biglang bumaba ang bintana ng sasakyan. The guy was sporting an ugly frown, his eyes piercing it's way through me. "Ikaw na naman?"