Hindi ko nga nakita si Mr. Grumpy sa grocery pero kailangan talaga na siya ang huli kong makita bago ako umuwi. Nakakasira siya ng magandang mood ha! Gusto niya bang lunurin ko siya sa pool ng Ovaltine? Jusmiyo! Akala mo naman nabawasan ang kululuwa niya dahil sa pagkakabangga ko sa kanya.
Napairap na naman ako sa kawalan habang naiisip kong 'yong itsura niya kanina. Guwapo sana nagmumukha siyang pitbull dahil sa sama ng timpla ng mukha niya. I waved my hands in different directions to clear my thoughts about Mr. Grumpy. Hindi siya makakatulong sa akin, baka atakehin lang ako sa kabadtripan ko sa kanya.
Binaba ako ng tricycle driver sa harap ng carinderia namin. I huffed some air, before chanelling all goods for some courage and strength. Iniluhod ko rin to sa panalangin. I really want to work. Iyong trabahong alam kong pinaghirapan ko. Hindi naman pupuwedeng habang buhay na lang akong mga-cashier at mag-manage ng carinderia namin. Don't get me wrong, malaki ang naiambag ng business namin sa pag-aaral ko at nagpapasalamat ako doon. Pero kasi, isang taon na akong tapos sa kolehiyo pero hanggang ngayon house girl pa rin ako.
Dumiretso ako sa eskinita sa gilid ng maliit naming business para marating ko ang bahay namin. Busy na rin ang mga katulong ni mama roon dahil oras na rin ng tanghalian at dumarami na naman ang tao.
"Mano po ma." Bati ko nang nakapasok ako sa bahay at nakita ko si Mama na busy maghimay ng gulay sa kusina. "Si Papa po?"
Umirap si Mama bago ako sinagot. "Nandoon sa labas." Masungit niyang sagot. Umakap ako sa kaniya bago ko siya inasara. "Oh, matanda na kayo para mag-LQ ma."
Akala ko sasabayan niya akong tumawa katulad ng lagi pero hindi, nanatili siyang nakasimangot habang pwinepwersang alisin ang dahon ng malunggay sa tangkay nito.
Mukhang bad timing pa ako, ngayon pa talaga nagkatampuhan ang mga magulang ko. Gusto kong mag-face palm. Kasalanan lahat ito ni Mr. Grumpy! He must have rubbed some of his bad omen to me.
Hinalikan ko na lang ang aking ina sa pisngi bago ko pinuntahan ang aking ama na busy mag-siga ng apoy sa dirty kitchen namin. "Pa, mano po." Ani ko. Napatingin siya sa akin sandali bago binalik ang atensyon niya sa apoy na pasimula pa lang.
"Nakausap ka na ba ng mama mo Liyah?"
Umiling lang ako. Inabutan ko siya ng mga kahoy kasabay nang paniningkit ng mga mata ko sa usok na ginagawa ng munting apoy. "Lumayo ka muna dito anak at baka ka hikain. Susunod ako sa loob."
Agad naman akong napabitaw sa hawak ko at sinunod ang sinabi niya. Naghahati na naman si Mama ngayon ng karne pero masama pa rin ang itsura ng mukha niya. Ano ba ang pinagkainitan nilang dalawa?
"Anong sabi sa iyo ng Papa mo?" Bungad niya sa akin nang naupo ako at nagsimulang maghimay ng bulaklak ng kalabasa. Nagkibit balikat ako kahit nagtataka na ako sa mga kinikilos nila. "Wala po, pumasok na daw po ako dito dahil baka hikain ako sa usok ng sinisiga niya."
Wala naman siyang naging sagot. Tanging tunog lang ng pagtama ng kutsilyo sa chopping board ang naririnig ko. "Ma ano ba kasing pinag-awayan niyo ni Papa? Ngayon na nga lang ang day-off ni Papa sa trabaho LQ pa kayo "
Napahinto siya sa paghihiwa at napahugot ng malalim na hininga. Sakto naman ang pagpasok ng aking ama, sandali silang nagkatinginang mag-asawa. "Joseph, ikaw ang magsabi sa anak mo dahil ikaw naman ang may pakana nun." Mapait na sabi ng aking ina.
Kinabahan ako bigla at napatigil sa ginagawa ko. Pyrdyus, ukis ti saba! Mukhang purnada na naman ang mga plano ko. Gusto kong mag-face palm pero pinili kong manahimik at hindi gumalaw.
My father sighed before sitting right next to me. "Liyah, nakausap ko kasi 'yong boss ko kagabi bago ako umuwi. Naghahanap daw ng bagong sekretarya ang anak niya, saktong nabanggit kita. Di ba anak gusto mong magtrabaho?"
I stared at him in shock. Is this real life? Or is this fantasy? Napatango ako ng walang anu-ano. "Pero gugustuhin ko na dito ka na lang sa carinderia anak para mas nababantayan kita. " Bulong ng aking ina sabay punas ng kamay niya sa apron na suot nito.
I looked at her, I know she's worried about me getting sick and falling on my feet. Pero kailangan ko rin ito, hindi naman ako puwedeng nakadepende sa kanila habambuhay.
"Ma, magiging okay lang po ako. Alam kong nag-aalala ka dahil lang 'yong kaisa-isa mong anak sakitin pa. Pero, ma, hayaan ko ring akong i-explore ang dapat kong i-explore." Pakiusap ko. Nakita kong nangingilid na ang mga luha niya kaya ako napatayo at dali-dali siyang niyakap.
"Wala na akong magagawa. Gusto mo rin eh, hindi ko naman puwedeng patakbuhin ang buhay mo ayon sa gusto ko. Basta Jaliyah anak, alagaan mo ang sarili mo sa mga oras na nasa trabaho ka okay? Para hindi kami nag-aalala."
Natatawa ako sa sinabi ng aking ina akala mo kasi mag-a-abroad ako. Hindi ako nakatulog dahil sa sobrang sabik kong magpunta sa potential job ko. Sabi kasi ni Papa kailangan ko pa rin daw magdala ng resume kasi i-interview-hin pa rin daw ako ng anak ng boss niya. Matagal na kasi siyang driver ni Mr. Carlos Laude pero hindi ko alam na may anak pala siya. Sana kasing bait ng daddy niya.
My excitement level stayed consistent until I reach the Laude Airlines. So sekretarya ang aapply-an ko di ba? Kakayanin ko naman siguro ang trabaho, nasabi na ni Papa kay Sir Carlos na hindi ako pupuwede sa masyadong mabibigat na trabaho.
I was shifting on my feet until I reach the 19th floor of the building. Agad akong sinalubong ng isang babae na naka-uniporme ng itim. "Hi, you must be Miss Trinidad?" Agad na bati niya.
I noddedy head. "Opo."
"You look young. How old are you?" She said with a smile as we stride a hallway ful of cubicles.
"22 po." I shyly muttered. She laughed. "Young nga. I'm Desiree by the way, I'm the HR manager. Actually, kanina pa kita hinihintay. For now, wala pa kasing sekretarya si Sir Carl kaya ako lahat ang gumagawa ng mga paper works niya."
Sir? So lalake ang anak ni Sir Carlos? Okay no sweat pa rin Liyah, I'm sure kaya mo pa rin ito.
"Bakit po ikaw?" I curiously asked. She stopped walking, stared at me before smiling.
"Curious as a bee. Well, Sir Carl is very particular when it comes to work kaya ako muna ang gumagawa. But good thing you're here. Halika na, I'll bring you to him."
I gulped. Medyo natakot ako sa mga sinabi niya. But hey Liyah, maybe he was not named Carl after his attiude. Remember the joke you've always craked about. What do you call a guy named Carl who is stuck out in the cold? A Chili-Carl. Yes! That's it. Maybe he's easy, fun and cool to work with. I secretly croseed my fingers behind me. Sana lang. Sana lang talaga.