Chapter 2

1119 Words
"Iwan na kita dito ha. Nasa kabilang kuwarto lang naman si Sir Carl, he will be with you shortly raw ." Paalam sa akin ni Desiree nang nakabalik na siya para tawagain ang magiging boss ko. "Tip lang Miss Trinidad, 'wag na 'wag mo siyang sasagutin ng pabalang o titignan ng diretso sa mata." "Bakit po?" Tanong ko. But she just smiled and excused herself, leaving me alone inside a very huge office. I looked around and studied the place. There's not much inside of it. Mga gamit lang na talagang mahahanap mo sa isang opisina, ang boring naman ng buhay ng taong ito. Napalingon ako sa pinto nang nakarinig ako ng taong sumisigaw at mabibigat na yabag ng paa. Bigla akong kinabahan, sana hindi siya ang boss ko. Kung sino man ang parang dragon na humihiyaw sa labas sana hindi siya. "No. You're fired. Call Desiree!" I heard a deep voice shouting before the door banged open. I saw a man well-dressed in a gray suit with a matching dark tie. He almost looked attractive, except for the fact that he's wearing an ugly frown. "Why are you here?!" He menacingly asked, his eyes squinting in serious terror. Wait a minute I know that look. I know that face. "Pinatawag mo ako dito." Lakas loob kong sagot. He narrowed his eyes even more, closing the door with excessive force. "Who are you again?!" He bellowed once more. My eardrums will probably hurt once I get out here. He stalked his way until he was standing in front of me. "Anong karapatan mong sumagot habang nakatapak ka sa teritoryo ko?!" He simpered his words, it was faint but very venomous. "Nagtanong ka malamang sasagot ako." Sambit ko. Liyah, iyang bibig mo please. My inner thoughts reminded me. Kasasabi lang ni Desiree huwag ko siyang sagutin at titigan sa mata. Kung ganito ba naman kasi kasama talaga ang ugali niya, aba'y hindi ko talaga maiiwasan 'yon. Then the door creaked open, the both of us looking at it. Desiree appeared from behind it, holding the resume I gave her a while ago. "Sir Carl, si Miss Trinidad nga pala, bago niyong secretary. She was recommended by your father and-" "Hindi ko siya gusto. Paalisin mo na siya dito Desiree bago ko pa siya ipakaladkad palabas." Putol niya sa sasabihin ng HR manager niya. I raiser my eyebrow at him, his face souring even more. "Hindi mo ako kailangang ipakaladkad dahil aalis na ako. Sana lamunin ka mismo ng sama ng ugali mo." I seethed before I walked out of his office. Ano sa tingin niya ikukunsinti ko ang kasamaan ng ugali niya? Daig pa niya ang may regla! Leche siya! Di bale na lang, mas matiis ko pang matengga sa carinderia kaysa naman makasama ko ang taong 'yon. "Carl mo mukha mo, ipasok kita ng buong-buo sa freezer nang lumamig ng tuluyan ang buong katawan mo. Bwisit ka!" Inis kong bulong ng nakasakay na ako ng Uber pauwi. Nakasimangot akong lumabas ng sasakyan at mabigat na humakbang papunta sa bahay. Agad naman akong sinalubong ni Mama. "Oh anak ang aga mong umuwi ha tapos na interview mo? Kailan ang simula mo sa trabaho?" Sunod-sunod niyang tanong. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa, agad naman niya akong tinabihan. "Ma! Ang sama ng ugali niya! Hindi niya deserve ang outfit ko! Nakakainis siya!" Halingling ko sabay maktol. Napakunot noo si Mama bago niya ako niyakap. "I didn't get the job. Pagkakita ko pa lang kay Mr.p Grumpy alam ko ng hindi ko makukuha ang trabaho. Ma, sobrang pangit ng ugali niya, natatabunan 'yon ng kagwapuhan niya! Sana naging mukha na lang siya, sana pipi na lang siya." Pagrereklamo ko. Napahagod si Mama sa buhok ko. "Di bale, magtingin ka na lang muna sa internet ng iba pang trabaho. Alam ko naman na may iba ka pang makukuha." Napalingon ako sa kaniya, not quite sure if I heard it right. "Pumapayag ka na na magtrabaho ako ma? Kahit hindi under kay Sir Carlos?" She nodded her head, forcing a smile with it. " Wala naman akong magagawa anak. Hindi naman kita puwedeng ikulong dito." So hindi naman pala ako totally talo sa sitwasyon na ito. I smiled at her before I hugged her tight. "Basta kasama mo si Kyle na maghanap ng trabaho, panatag ako." Tumulong na lang ako sa carinderia para maalis ko sa isip ko si Mr. Grumpy. Once again, he ruined my perfect mood. In-outfit ko pa naman din ang araw na 'yon tapos siya lang pala ang makikita ko. Asa siya kung inisip niya na matatakot ako sa kaniya. Sakit ko lang ang kinatatakutan ko, hindi mga taong tulad niya. "Hoy, anong iniisip mo at parang mababali mo na iyang lapis na hawak mo?" Sambit ni Kyle sabay pitik sa noo ko. My thoughts about Mr. Grumpy got lost. Napailing ako bago ko siya inayang tumabi sa akin ea likod ng cashier counter. "Wala... Sabi ko ang baduy ng suot mo." Patawang tugon ko. Napatingin siya sa Nick Automatic niyang t-shirt, paborito talaga niya 'yan. "Hoy, bagong bili ko ito. Makapintas ka naman diyan." Depensa niya. Napatawa ako bago ako sumandal sa balikat niya. "Thank you Kyle dahil pumayag ka na ihatid at sundo ako. Alam ko namang busy ka rin." Inakbayan niya ako sabay yugyog ng kaunti sa akin. " Drama mo Liyah, alam ko naman kung gaano mo kagustong magtrabaho. Ano lang naman ang gagawin ko para matupad natin 'yang pangarap mo." I rested my chin on his shoulder, taking a closer look of his handsome face. His facial features are very mature and manly though he's only a year older than. Siguro kong hindi ko lang siya bestfriend tinalo ko na siya. "Liyah alam mong hindi ko gustong tinititigan mo ako." Bulong niya bago niya ako itinulak ng mahina. Napatawa ako may sasabihin sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi registered number, napatingin din si Kyle doon bago niya kinuha sa akin. "Ako na muna ang sasagot." Tugon niya. Hindi naman ako tumanggi at inabot ko sa kaniya. "Hello? Yes, she's here. Puwede ko bang malaman kung sino itong tumatawag?" Saka niya ako nilingon sabay takip ng receiver ng phone. "Desiree De Guzman daw ng Laude Corporate Offices." Bulong niya. I looked at him, bewildered. Why would Desiree call me? Kinuha ko sa kaniya 'yong cellphone para makausap ko mismo ang HR manager ni Mr. Grumpy. "Miss Desiree? Jaliyah na po ito." "Ay yes. Miss Trinidad, can you report at work tomorrow at 8 AM?" "Akala ko hindi ko po nakuya iyong trabaho Ma'am?" She laughed nervously before choking her reply. "Bukas ko na lang ipapaliwanag. Basta pumasok ka ha, see you tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD