Chapter 3

1209 Words
"Good luck, Liyah! Kayang-kaya mo yan." Ani ni Kyle ng huminto na siya sa harap ng mataas na building ng Laude. Sinilip ko mula sa bintana ng sasakyan niya ang mga matayog na building bago ako napalunok. Gugustuhin ko pa bang pumasok? Baka naman pahirapan lang ako ni Mr. Grumpy dahil sa ginawa kong pagsagot sa kanya kahapon. Biglang tinapik ni Kyle ang balikat ko kaya napalingon ako sa kaniya. "Hoy, sabi ko 'wag mong kalimutan 'yong gamot mo sa tanghalian." Tango lang ang tangi kong sagot. "Halika na dito, ito na ang good luck hug mo." Nakangiting dagdag niya. Nahawa na rin ako sa ngisi na 'yon bago ako pumaloob sa yakap na aya niya. He hugged me tight before planting a soft kiss in my platinum hair. "Goor luck and God bless baby." He whispered. I nodded again before getting out of his car. I huffed some air, reciting a mantra inside my head. No, hindi ako natatakot sa iyo Mr. Grumpy. At lalong-lalong hindi ko ipapasira sa iyo ang mood ko araw-araw. Sinalubong ako muli ni Desiree nang nakarating ako sa floor ng opisina niya. "Sa HR office muna tayo Miss Trinidad. Few reminders lang bago kita ihatid sa magiging opisina mo." Nakangiting tugon niya habang sinasabayan ko ang yapak niya. She immediately sat down on her chair before bringing out a folder. "Ano ang nickname mo? Maliban sa mahaba ang pangalan mo, ang tayog din parang di ko mareach." Pabirong ani niya habang naglilipat sa folder na hawak niya. Pasimple akong sumilip. "We are not nobility or known a high status in society po. But people call me Liyah po." ?Magalang ko na sagot habang pinapanood siya. The she stopped flipping pages. "Liyah, you're 22 ano? First job mo?" I nodded my head. "Paano mo nakilala si Sir Carlos?" "Umm, private driver po niya 'yong Papa ko for 15 years." Siya naman ngayon ang napatango. "Liyah, maging makakatotohanan ako sa iyo ha. Ikaw na ang pang-labing siyam na secretary ni Sir Carl ngayong buwan lang na ito. Wala kasing nagtatagal sa kanya. I'm sure nagka-idea ka na kung anong ugali niya mula sa nangyari kahapon." Napalunok ako habang nagtititigan kaming dalawa. "Kaya ngayon pa lang gusto ko ng malaman mo lahat bago kita papirmahin ng kontrata. Pinakamatagal na secretary ni Sir Carl ay three months, lahat sila nag-AAWOL, may mga ilan na nagpapaalam naman." Napahawi ako sa buhok ko saka ko inipot iyon sa tainga ko. I wanted a job, God must have think I'm strong because He led me to work for one terrifying man. I'll just need to look at the brighter side. Atferall, everything happens for a reason and purpose. "Sumasakit na nga ang ulo ko minsan kakahanap ng secretary na nagtatagal sa kaniya. Pero san ikaw na 'yon. I hope your spirit is unbreakable just like your attitude depicts." I clutched my bag while I think deeply. Kapag pumayag na ako, walang ng bawian at urungan ito. Ayoko naman din na mag-alala sina Mama sa akin, pero ayaw ko rin namang ma-stuck forever sa carinderia. Kaya ko 'to. Kakayanin ko. "Saan po ako pipirma?" I said with enthusiasm. Desiree smiled at me before putting the contract in front of me. Sa totoo lang, iba ang kaba ko habang pumipirma. Iyong ugali lang naman ni Mr. Grumpy an problema di ba? Kung 'yong trabaho sa tingin ko naman kakayanin ko. "Here are some pointers Liyah since your Sir Carl's official secretary. He gets here at 9am sharp. " She said while I again follow her footsteps. "Kaya dapat hindi ka puwedeng malate, he hate late comers. Hindi siya nagka-kape. He only drinks Ovaltine, three spoonful of it plus hot water. He expects his cup hot chocolate placed on top of his desk every morning, then another at 2pm and 6pm. Favorite niya ang Chao Fan with steamed shomai ng Chowking, kaya kung wala siyang sinabing lunch niya 'yon ang bibilhin mo." Naalala ko naman 'yong kabastusan niya sa grocery. I almost rolled my eyes. Nanahimik na lang ako at tumatango habang pinapakinggan ang tunog na ginagawa ng pin heel ng sapatos ni Miss Desiree. "Ayaw niya ng mabagal gumalaw at ayaw niya rin ng magulong opisina. Gusto niya kapag naghanap siya hindi siya mahihirapan. Kaya dapat maayos ka rin sa mga papales niya. And he often shouts, baka magulat ka pero normal niya na iyon." We road the elevator up to his floor. Desiree kept on reminding me things while we walk towards a big door. "Ito ang opisina mo. May connecting door sa loob papunta sa opisina niya. And Liyah, please 'wag mo siyang sinasagot kapag pinagalitan ka niya kahit kasalanan niya, padaanin mo na lang sa tainga no saka mo palabasin sa kabila. Sana ikaw na ang hinahanap kong magtatagal sa amin." Binaba ko ang bag ko sa mesa ko bago niya ako tinawag sa harap nung connecting door na sinasabi niya. Gawa naman sa salamin ang dingding na naghihiwalay sa opisina naming dalawa kaya nakikita ko siya sa loob. At sa ngayon busy siyang magbasa ng kung ano sa laptop niya habang umiinom ng Ovaltine niya. Napalingon ako sa orasan, alas nuebe kinse. "Sinong nagtimpla ng Ovaltine niya?" Tanong ko bago kumatok si Miss Desiree sa pinto. She turned to me with a smile. "Ako." Mahina siyang kumatok bago binuksan ang pinto. Mr. Grumpy immediately levelled his gaze to us. "Sir Carl, nandito na si Liyah 'yong bago mong secretary." She said. He set his mug down before he looked at me. "You again. I told you I don't want her Desiree, where is in that part that you can't understand?" Tugon niya sabay taas kilay. Miss Desiree cleared her throat before stuttering a reply. "S-saby ng daddy mo-" "Blah. Blah. Blah. Sabi ni Daddy." He cut short, mocking Miss Desiree's words. I clenched my fist, kaunti na lang susungalngalin ko na itong lalaking ito. "Ayoko siya!" He shortly muttered before gazing back at me. "Now get out ot my f*****g office." "Carl makinig ka naman." Miss Desiree said in constrained exasperation. Napatingin ako sa kanya, ngayon ko lang kasi narinig na tawagin niya sa pangalan si Mr. Grumpy. "Kailangan mo ng secretary at sa ngayon si Liyah lang ang aplikante, ikaw rin itong mahihirapan dito hindi naman ako." Matagal silang nagtitigan na dalawa, bago bumawi si Mr. Grumpy. He raised his brow in irritation before leaning back on his big swivel chair. "Fine, but one wrong move and you have to get rid of her." He seethed before he turned his back on us. "Thank you Sir Carl." Miss Desiree said, smiling again before we headed out of his office. "Ayusin mo na lang ang gamit mo, wala namang problema kung gusto mong maglagay ng kung ano dito. This is your office anyway. If you have problems, huwag kang kang mag-atubiling magsabi sa akin. I'm just a few floors down you naman, but you can also call me at local number 7. I hope papasok ka pa sa mga susunod na araw. Thank you Miss Trinidad, catch you around." And with that she left. Napasilip ako ulit sa mga espasyo sa pagitan ng frosted design ng glass wall na namamagitan sa aming dalawa. Kaya ko ba siyang tagalan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD