Leftover 18

2136 Words

Kaawa-awa ang hitsura ni Ate Natascia habang patuloy ko pa rin siyang sinusulyapan saka hindi niya pa rin binibitawan ang kanyang kamay na ngayon ay nakahawak pa rin sa aking palapulsuhan. Habang patuloy na dumadampi ang kanyang kamay sa aking balat ay tila, naramdaman kong matindi ang bumabalot sa kanyang kahapisan at ang tanging alam kong dahilan ay nang dahil sa kanyang pag-iisa. "A-Ate, sino po ang tinutukoy mong anak?" Sa pagkakataong ito ay nagawa na niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit nanatili pa rin siyang umiyak. Nabigla akong niyakap niya ako nang mahigpit at wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik. Hindi ako sigurado sa aking nararamdaman dahil habang patuloy ko rin siyang niyakap ay alam kong mayroon siyang matinding pangungulila. "Huwag mo akong iwan, A-Anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD