Leftover 16

2357 Words

Lumapat sa aking noo ang kanyang kamay at ito ang aking unang namataan nang imulat ko nang biglaan ang aking kaninang nakapikit na mga mata. Mabigat man ang aking pakiramdam ay kaagad kong itinaboy siya mismo sa aking harapan. Nasulyapan ko ang natatarantang mukha ng babaeng nagligtas sa ’kin doon sa tulay ngunit hindi tumabla ang aking ginawang pagtaboy nang biglang nawaldas ang emosyong iyon sa kanyang ekspresyon at napalitan ng pagngisi. “Mabuti at nagising ka na,” ang kanyang mahinahong wika rito sa akin. Nakakitaan ko ng sinseridad ang kanyang pag-aalala ngunit hindi na ako muling maniniwala pa sa mga ipinapakita ng ibang taong aking makasasalamuha sapagkat sa muling pagkakataon ay sinira nila ang buong tiwalang ipinagkaloob ko sa kanila. “Bakit mo ako dinala rito sa pamamahay mo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD