Leftover 15

1531 Words

Nagising ako galing sa mahimbing na pagkakatulog. Kaagad kong nasilayan ang ilaw na nasa kisame. Inikot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng 'di pamilyar na silid. Nahinuha kong nasa ospital ako. Pilit akong bumangon ngunit naramdaman ko ang sakit ng aking paa. Huminga ako nang malalim upang humugot ng lakas para muling makabangon ngunit hindi ko nagawa muli 'yon nang maramdaman kong may pumasok sa silid. Nang mahinuha kong ang doktor ito at ang pulis na nagdala sa 'kin ng pagkain kagabi sa aking pinagkulungan ay nagtulug-tulogan ako. Naramdaman ko ang kanilang paglapit sa 'kin. “Kumusta na ang kalagayan niya, Dok?” ang kanyang ani. “Mukhang hindi pa siya nagising mula sa kanyang walang pagkakamalay ngunit ayos na siya. Agad na naagapan ang kanyang kalagayan. Mabuti na lamang ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD