Leftover 20

2253 Words

Puyat akong gumising kinaumagahan dulot ng aking malalim na pag-iisip kagabi. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang napakinggan kong dasal galing kay Ate Natascia. Nag-aalala talaga siya sa ’kin at tunay ang kanyang mga ipinakitang gawi. Hindi ko matanggap ang katotohanang mali ang mga inaakala ko sa kanya. Akala ko, katulad lang silang lahat ngunit may mga tao pa lang kagaya ng aking mga magulang na walang ibang hangad upang mapabuti lamang ang estado ng kanilang mga anak. Tiningnan ko nang diretso ang aking hitsura sa malaking salamin sa banyo. Ang laki ng eyebags ko dahil sa kakaiyak kagabi. Pinilit kong muling manghilamos ngunit kitang-kita pa rin ang bakas ng aking lubusang pag-iyak. Paano na lang kung makita ito ni Ate Natascia? Sigurado akong magtatanong talaga ’yon kung bakit gani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD