bc

Breaking The Rule

book_age16+
194
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
age gap
playboy
kickass heroine
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
punishment
seductive
like
intro-logo
Blurb

Story of Dastan and Siri from my story—The Dangerous Deal.

_____

“This is just between you and me Siri. Wala dapat makaalam na iba.”

“And what if I break the rule?”

“Paparusahan kita and believe me, Siri. Hindi mo magugustuhan ang parusa ko.”

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“HUMANDA ka sa akin, siraulo ka!” nanggagalaiti kong wika habang tinatahak ang hallway patungo sa opisina ng abnormal na lalaking iyon. Mabilis na tumayo ang mukhang Math teacher na assistant ni abnoy nang makitang dere-deretso akong naglakad patungo sa opisina ng boss niya. “Oh, Siri, teka lang, may bisita si Boss. Bawal ka riyan—” Natigil sa pagsasalita ang assistant ni abnoy nang tumigil ako’t matalim ang tinging ipinukol ko sa kaniya. Magkaganoon pa man ay mabilis pa rin niyang iniharang ang sarili sa pinto kung nasaan ang abnoy niyang boss. Siyempre, loyal ang isang ’to sa amo niyang sira ang tuktok. “Tumabi ka, Miss Minerva, kung ayaw mong tumilapon ka sa pader!” mariin kong banta sa kaniya. Inayos niya ang suot na antipara, saka parang batang lumabi at umiling. “Siri naman, mawawalan ako ng trabaho nang dahil sa ginagawa mo. Puwede bang mamaya ka na lang bumalik kapag wala na ang ka-meeting ni Boss? Sige na please. Balato mo na sa akin ang pagkakataong ’to,” pakiusap niya sa akin. Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay, saka itinapat sa harap ng mukha na parang nagdadasal. “Don’t worry, Miss Minerva, I got your back. Kapag tinanggal ka ng abnormal na ’yan, sabihin mo lang sa akin at i-re-recommend kita sa bayaw ko,” turan ko sabay tapik sa kaniyang balikat. Nginitian ko pa siya para bigyan ng assurance. Muli akong nagtangka na pumasok sa loob ng opisina ngunit mabilis na naman akong pinigilan sa kamay ni Minerva nang akma kong pipihitin ang doorknob. Pinagkrus ko ang mga kamay sa tapat ng aking dibdib, in-extend ang kaliwa kong binti, saka siya tinaasan ng kilay. “Tatabi ka ba o sisirain ko ’yang pintong ’yan?” banta ko sa kaniya ngunit umiling lang siya at saka mas iniharang pa ang kaniyang sarili sa pinto. “Siri, naman, eh! Huwag naman ngayon,” parang naiiyak niyang wika. Alam na niya kasi ang ugali ko na kapag sinabi ko ang isang bagay, hindi dapat nababali. Because believe me, hindi ako tumitigil hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko. What Siri wants, Siri gets. Hindi ko siya pinakinggan. Hinawi ko siya at agad na binuksan ang pinto. “Hoy, ikaw, abnormal at lalaking impakto. Bakit mo tinanggal ang internship ko nang walang . . . dahilan—” Natigilan ako nang makita ang makasalanang eksena sa table ni abnoy. Maging si Minerva ay tila napako rin sa kinatatayuan nang makita ang ginagawa ng dalawa sa aming harapan. Nagtakip siya ng mga mata gamit ang dalawang palad bago mabilis na tumalikod. Katirikan ng araw pero may babaeng nakayuko sa harap ng pagitan ng mga hita ni Dastan habang nagtataas-baba ang ulo niya roon, samantalang siya ay komportableng nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nakakapit ang isang kamay niya sa likuran ng swivel chair habang ang isa ay nakasabunot sa buhok ng babae. Nakapikit pa ang mga mata niya habang dinadama ang ginagawa sa kaniya ng babaeng mukhang hinila lang niya sa kung saang kalsada. “Sabi ko naman kasi sa ’yo na huwag kang papasok, eh. Kulit mo naman kasi,” pabulong na wika ni Minerva sa aking tabi habang nagkakamot ng kaniyang sentido. Hindi ko naman first time na makakita ng gano’n dahil ilang beses na akong nakapanood ng p-orn at hentai kasama sina Niña at Jaifel. Dala lang ng curiosity naming tatlo kung paano ba ang ginagawa kapag nags-s*x. Pero iba pa rin pala talaga kapag personal mong nakita ang ganitong bagay. Diyos ko, parang kailangan kong maghugas ng mga mata gamit ang holy water pagkauwi ko dahil sa kahalayan ng mga ’to! “Don’t you know how to knock before you enter?” Matalim ang tingin na ipinukol sa akin ni Dastan habang inaayos nito ang kaniyang pantalon bago umayos ng upo. Nag-de-kuwatro pa siya na para bang walang nangyari. Ang babae naman ay mabilis na inayos ang kaniyang sarili. Ibinutones niya ang kaniyang blouse na nakabukas hanggang sa ibaba ng kaniyang mala-pakwan na dibdib. Inirapan pa niya ako bago tumayo sa gilid ni Dastan at humalukipkip. Inirapan ko rin siya pabalik siyempre. Ang siste ay siya lang ba ang marunong magmaldita? Huh! Don’t me! “Eh, ikaw? Don’t you know how to lock the door?” nakataas kilay kong balik ng tanong sa kaniya. Siniko ako ni Minerva na tila pinipigilan akong sagut-sagutin ang boss niya na halatang nabitin sa romansa. Sa halip na sagutin niya ako ay itinagilid niya ang kaniyang ulo at sinilip ang assistant niyang nasa likod ko na hindi na mapakali. Panay ang ngatngat nito sa kaniyang daliri habang pasimpleng hinihila ako sa braso palabas ng opisina. Napatalon pa ang balikat niya nang marinig na magsalita ang amo niya. “Minerva, hindi ba kabilin-bilinan ko sa ’yo na huwag kang magpapapasok ng kahit na sino rito? Bakit nakapuslit siya?” “E, kasi po, Sir Dastan—” “Mag-usap tayo,” maagap kong salo sa sasabihin ni Minerva. Pero hindi ako pinansin ni Sir Dastan, bagkus ay muli niyang binalingan ang assistant niya. “Palabasin mo si Miss Santiago. Hindi na siya intern dito kaya wala nang dahilan para maglabas-masok pa siya rito,” utos niya sa kaniya. “Y-Yes, Sir. Copy po,” mabilis na tumalima sa kaniya si Minerva. Naramdaman kong humawak ito sa aking braso para i-guide ako palabas pero iwinasiwas ko ang aking kamay para maalis ang pagkakahawak niya bago mabilis na pumunta sa harap ni Sir Dastan. Padabog kong itinukod ang aking mga palad sa mesa niya, saka bahagyang yumuko at tiningnan siya ng deretso sa mga mata. “Bakit?” kuyom ang kamao kong tanong habang pinipigilan ang sarili kong bigyan siya ng mag-asawang suntok sa mukha. Kaibigan pa rin siya ng Bayaw at Ate ko kaya kahit papaano ay nirerespeto ko pa rin ang abnormal na ’to. “Anong bakit, Miss Santiago?” Kumunot ang kaniyang noo na tila ba hindi makapaniwala sa tanong ko. Sinenyasan niya si Minerva pati na ang babaeng mukhang galit sa tela na nasa tabi niya na lumabas ng opisina. “Kailan tayo ulit magkikita?” tanong ng babae sa kaniya. “This is the first and the last time, Georgina,” tugon niya sa babae pero ang tingin niya ay nasa akin pa rin. “Georgina? It’s Camille!” Nagkibit ng balikat si Dastan. “Okay, Camille kung Camille.” Bumaling siya ng tingin sa assistant niya. “Minerva, get her out.” “Yes, Sir.” Mabilis na lumapit sa akin si Minerva at hinawakan ang aking kamay ngunit nagpumiglas ako. Hindi ko pa rin nakukuha ang sagot sa tanong ko, eh. Kung bakit tinanggal na lang niya ako ng walang dahilan kaya hindi ako aalis dito. “Tara na, Siri. Sige na please,” sumamo niya sa akin. Kulang na lang ay lumuhod ito sa harap ko sumama lang ako sa kaniya. “No, not her, Minerva, may gusto pa yatang iklaro si Miss Santiago.” Tumingin siya sa babaeng kinulang sa tela sa kaniyang tabi na nakangisi sa akin. “Her,” turo niya sa babae na agad na nawala ang ngisi sa kaniyang labi. Hindi na nito hinintay pa na makalapit si Minerva sa kaniya dahil nagkusa na siya. Pero bago siya lumabas ay minura muna niya si sir Dastan. “f**k you, asshole!” turan niya sabay angat ng kamay para ipakita ang middle finger bago padabog na lumabas habang sa likod nito ay nakasunod si Minerva. Nang tuluyang makalabas ang dalawa ay agad akong binalingan ni sir Dastan. “Ano ulit ang pag-uusapan natin, Miss Santiago?” walang kangiti-ngiti niyang tanong. Parang gusto tuloy umurong ng dila ko. Hayan na naman kasi iyong boses at titig niyang nagpapawala sa katinuan ko . . . Noon. Matagal na panahon na buhat nang kinalimutan at ibinaon ko sa limot ang umusbong na pagtingin ko sa kaniya. “Bakit mo ako tinanggal ang internship ko? Wala naman akong ginawang kasalanan, ’di ba? Isang linggo pa lang ako rito tapos tinanggal mo na ako?” He raised his eyebrow. “Iyon lang ba ang ipinunta mo rito? Miss Santiago, ayoko kasi sa lahat ay iyong pabaya pagdating sa trabaho. Alam mong istrikto ako pagdating sa ganiyan.” “Pabaya? Paano ako naging pabaya? E, araw-araw na gabundok na paper works ang ibinigay n’yo sa akin kahit hindi naman dapat iyon ang gawain ko, a! Nagreklamo ba ako? ’Di ba hindi naman? Nagagawa ko naman nang maayos ang mga inuutos niyo. Tapos sasabihan mo akong pabaya? Bulag ka ba o malakas lang talaga ang tama mo sa utak?” Dumilim ang mukha niya ng dahil sa sinabi ko. He glared at me. At kung nakamamatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa ako nakabulagta sa sahig. Halatang napikon siya dahil ilang beses kong napansin ang pag-igting ng kaniyang panga at pagkuyom ng kaniyang palad na nakapatong sa mesa. Maya-maya pa’y tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa akin. Napaatras tuloy ako hanggang sa na-corner niya ako sa gilid ng kaniyang mesa. Mariin akong napalunok nang halos gadangkal na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Itinukod niya ang magkabila niyang kamay sa magkabila kong gilid kaya halos nakayakap na siya sa akin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata hanggang sa bumaba pa ang tingin niya sa aking mga labi. God, halikan ko kaya ’to nang magtino? “But you were two minutes late yesterday, Miss Santiago. At iyon ang isa sa pinakaayaw ko.” “Iyon lang? Bakit? Kasalanan ko ba kung bakit kaparehas mong may topak ang elevator dito at ayaw gumana? Kasalanan ko rin ba kung gumamit ako ng hagdan mula ground floor hanggang dito sa 10th floor?” “Kahit ano pa man ang dahilan mo, Miss Santiago, late ka pa rin. And as far as I remember, nandito ka lang naman nang dahil sa . . . recommendation?” Wow! May panunumbat. “Rekomendasyon mula sa bayaw ko na puwede mo naman sanang tanggihan pero hindi mo ginawa,” nakangisi kong sagot. Nagkibit lang siya ng balikat bago lumayo sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. Feeling ko kasi kanina ay kakapusin na ako ng hininga. Pasimple akong humawak sa aking dibdib at lumanghap ng maraming hangin. “Na puwede ko ring bawiin kung kailan ko gusto dahil ako ang tumanggap sa ’yo. Kaya nga inaalis na kita, ’di ba? At parang ako yata ang may-ari ng company na ’to kaya gagawin ko ang gusto ko? My company, my rule, Miss Santiago. So kung wala ka nang ibang tanong, you may now leave my office and remember to close the door,” pinal niyang wika bago tinungo ang isang pinto at agad iyong isinara. Naiwan akong nakatanga at nakatunganga lang sa pinto na pinasukan niya. Ibang klase talaga itong kaibigan ng Bayaw ko. Kung sabagay, hindi na rin ako magtataka dahil noon pa man ay talagang mga sinto-sinto na ang mga kaibigan ni Kuya Magnus. Mabuti na nga lang at nagbago na ang isang iyon buhat nang makilala niya ang Ate Alexa ko. Pinuno ko ng maraming hangin ang aking dibdib bago ito marahas na pinakawalan. Nanggagalaiti ako sa kaniya. So gano’n na lang ba iyon? Hahayaan ko na lang siyang gawin sa akin ’to? Sa isang iglap ay nawala ang internship ko nang dahil lang sa isang late? At take note, it was just two minutes! “Bwisit ka talaga mula noon hanggang ngayon!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Punong-puno na talaga ako sa abnormal na ’yon. Wala na akong pakialam maski kaibigan man siya ng Bayaw ko dahil ang tanging gusto ko lang ngayon ay sipain siya sa balls! Pinihit ko ang doorknob ng pinto na kaniyang pinasukan. Mabuti na lamang at hindi niya ito ini-lock kaya malaya akong makakapasok. Sumilip muna ako sa loob. Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto at nang makapasok ay agad kong narinig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo na nasa kanang bahagi nitong kuwarto. Nakuha pa talaga niyang maligo matapos ang ginawa niya sa akin? Wala siyang puso! Bahagyang nakaawang pa ang pinto niyon kaya napangiti ako nang tila may bumbilyang biglang umilaw sa itaas ng aking ulo. May kung anong kademonyohan ang sumagi sa isip ko na magagamit ko laban sa kaniya. Kaya mula sa aking sling bag ay inilabas ko ang aking cell phone. Napangisi ako habang binubuksan ang camera nito. “Mayabang ka, ah. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng kayabangan mo,” kausap ko sa aking sarili habang dahan-dahan na naglakad patungo sa banyo. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay sumilip ako sa loob at nakita ang nakatalikod na si Sir Dastan. Napasinghap ako at tila ilang segundong nawalan ng hininga nang makita siya. Hubo’t hubad siya habang nasa ilalim ng dutsa. Kamuntikan ko pang malaglag ang cell phone ko nang magawi ang tingin ko sa pagitan ng mga hita niya. Ang kaliwa niyang kamay ay nakatukod sa pader habang ang kanan naman ay nakahawak sa lumalambitin niyang manoy habang paulit-ulit na umuurong-sulong doon. Mariin pang nakapikit ang kaniyang mga mata habang tila sarap na sarap sa kaniyang ginagawa. Damn! Is he masturbat*ng? Nang sandaling ma-realized ko kung ano ang ginagawa niya ay mabilis kong itinapat ang cell phone sa kaniya at kinuhanan siya ng video habang pinapaligaya niya ang kaniyang sarili. Nanginginig ang kamay ko habang paulit-ulit na linulunok pabalik sa lalamunan ko ang mga laway ko. Kamuntikan pa akong mapatili dahil sa gulat nang marinig ang pag-ungol niya habang nakahawak pa rin doon sa ano niya. “K-Kailangan mo ba ng tulong?” wala sa sariling tanong ko dahilan para biglang magmulat siya ng mata at tumigil sa kaniyang ginagawa. Gulat ang gumuhit sa kaniyang guwapong mukha nang makita ako’t mabilis na hinila ang tuwalya mula sa towel rack para takpan ang kaniyang sarili. “Miss Santiago! F*ck!” malutong niyang mura at halos magkandahulog-hulog pa ang tuwalya mula sa kaniyang baywang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook