LEON'S POV That kind of kiss is what I want Brea. Thank you! Ginanahan ako, tumapang ako kasi alam kong mahal mo ko at umaasa ka sa akin. You never failed to make me smile every single moment Brea. Kaya ko ito. I just need to breath. Binibini, Ikaw ba'y lalayo sa aking tabi? O tatahan at sa tabi ko'y mananatili? Hindi ko na gustong makita pa, Ang kinabukasang nagpapatakot sa akin sinta, Pwede na ba kitang ayain, Sabay tayo, mundong ito'y lisanin, Sandaling pagkakataon lang ang hinihiling ko, Makasama ka, na parang nakatigil ang oras nito. Pwede na ba ako magalit sa mundo? Dahil hinayaan niyang pagtagpuin tayo, Sa oras at pagkakataong hindi pa pala handa, Sa konsepto ng pag-ibig na hindi pala akma. ________________________________________________________________________

