LEON'S POV Sobrang lutang ako ngayong araw, dahil sa panaginip na iyon, buong araw ko naapektuhan, sinundo ko si Brea kanina pero deep inside lutang ako, hindi ako mapakali. Lagi ko lang siyang niyayakap noong papunta pa lang kami sa school. Nagtatanong nga siya kung okay lang ako pero syempre sinabi ko na okay lang. Ayoko na muna alalahanin niya. Malapit na pala birthday namin. Oo parehas kami na'ng birthday and same hospital kami kung saan sinilang kaso ang pinagkaiba eh mas nauna siya na'ng isang taon ipanganak kaysa sa akin. Pero ang galing noh? Ang dami naming pagkakaparehas, ang dami naming mga unexpected na pagkakatulad. Nasa room na pala kami. Nakikipagdaldalan lang si Brea sa mga kaibigan niya at ako pinili ko lang manahimik sandali. Ayoko muna mag-isip, ayoko maapektuha

