LEON'S POV Nakalipas ang mabilis na panahon at isang buwan na lang at gagraduate na kami. Sobrang nahihirapan ako isipin na kakailanganin ko na ring sabihin kay Brea ang pinagkasunduan namin ni Mama. Iniisip ko nga kung sasabihin ko pa ba sa kaniya o hindi na. Ayoko na rin na umasa siya at mag-antay sa akin. Paano kung along the way. may magpakilala sa kaniya at mas higit sa akin? Masaya kami ni Brea nitong mga nakaraang buwan, ni hindi kami nag-aaway. Palagi kaming nagtutulungan sa mga gawain sa school, nagtuturuan sa mga lessons na mahihirap at lagi kaming nagbobonding. Mabuti at hindi mahigpit si Mama sa akin dahil alam niya na may pinagkasunduan kami. Balak ko pala haranahin si Brea bukas sa school. Kasalukuyan akong nagugupit ng mga colored papers at syempre nasa kwarto kami

