LEON'S POV
Papunta na ako kila Brea ngayon, may mga gagawin din ako mamaya kaya inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila.
Kinakabahan ako. Hindi gaanong bongga ang suot ko pero may dala akong bulaklak para kay Brea at sa Mama niya. Pinitas ko lang ito galing sa hardin namin. May mga tanim kasi kaming mga rosas sa taas ng bahay.
Nagchat muna ako kay Brea na papunta na ako at ang sabi niya ingat.
Sana hindi magalit sa akin ang papa niya.
"Leon, alam mo na ginagawa mo ah, bata ka pa," sabi ni Mama.
"Maaa, matanda na po ako, mukha lang bata kasi maliit ako pero alam ko na po ginagawa ko tsaka salamat po sa paalala," sabi ko kay Mama.
"Osya sige bahala ka na, at maghugas ka na'ng pinggan,"
Tumango na lang ako at kumain.
Shet, imemessage ko pa pala si Brea.
(Leon Bryle Tolentino: Boss, pakisabi sa mama at papa mo sorry kung hindi ko ata nagalaw ang pagkain na binibigay nila sa akin kanina kasi busy ako kaiinom tsaka kapapakinig sayo at sa papa mo. Baka kasi magalit sila sa akin. ) 7:30 pm
Sumubo na ulit ako at scroll scroll lang sa f*******:.
Nagnotif na.
Brea Villafuente: Hala, tinanong ko si Mama hindi naman eh tsaka nakailang dagdag ka nga eh, si Mama pa lagay daw ng lagay sa plato mo. Hindi nga daw halata na malakas ka kumain.) 7:55 pm
Nababaliw na ba ako?
Bakit hindi ko maalala.
(Leon Bryle Tolentino: Ahh ganoon ba, hindi ko maalala HAHAHAHAH, oh siya sige good night! Thank you boss <3 ) 8:15 pm
Pinatay ko na phone ko dahil low battery na.
Kumilos na ako para makapagpahinga na ako.
After ko maglinis ng kusina at na'ng katawan ko at tumalon ako sa higaan dahil sa sobrang kilig dahil naaalala ko yo'ng halik sa akin ni Brea.
"Thank you Lordddddddddddddddddddddddd!!!!!!!!" sigaw ko.
Nagtalukbong na ako na'ng kumot at natulog.
Habang naglalakad ako kay parang lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.
Matapang ako eh pero pag sa ganitong bagay, tumitiklop ako.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namamalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng bahay nila Brea.
"Brea, tao po," sabi ko.
"Uyyy, tara," nakita kong papuntang gate si Brea para pagbuksan ako.
"Para sayo nga pala," sabi ko sabay abot ng mga rosas na pinitas ko.
"Halaaa, nag-abala ka pa, maraming salamat," sabi nito.
"Nasaan sila mama mo?" pagtatanong ko.
"Nasa loob sila, tara dito," sabi ni Brea,
"Nandiyan si papa mo?" pagtatanong ko.
Sana wala..
"Oo, nandito, nagkakantahan kami e, tara,"
Sumunod lang ako kay Brea at pumasok sa bahay. Nagmano lang ako sa mama at papa niya.
"Kumain ka na ba Leon? Tara dito, kumuha ka. Brea, paghain mo," sabi na'ng mama ni Brea habang nakangiti.
"Opo,"
"Salamat po," iyan na lamang ang nasabi ko.
"Tara dito, inuman tayo," sabi ni Papa ni Brea.
"Halaaaa huwag pa," sabi ni Brea,
"Isa lang eh, oh ito iho," sabi na'ng papa niya at inabot ang baso na may alak.
Kinuha ko ito at tinignan si Brea habang nakangiti ako. Bakas sa mukha ni Brea ang pag-aalala.
"Okay lang iyan, matanda na kayo," sabi ni Papa ni Brea.
Ininom ko ito at binigay ang baso ulit.
"So gusto mo ang anak ko?" malalim na boses ang binato na'ng tatay ni Brea sa akin.
"Opo, gustong -gusto ko po kaya po ako magpapaalam kung maaari ko po siyang ligawan," dire-diretsong sabi ko.
"Paano na pag-aaral niyo niyan? Baka mapabayaan niyo?" pagtatanong ni Mama niya.
"Hindi naman po, siguro po kapag nagkolehiyo, doon mas lalong magpopokus pero ngayon, kaya pa po namin at kaya ko rin po pagsabayin," sabi ko.
"Kaya mo bang intayin na sagutin ka ni Brea kung sa graduation ng college ka pa niyan sasagutin?" pagtatanong ng papa nito.
"Opo, maghihintay ako," sabi ko.
Ininom ko lang ang mga sumunod na tagay ni Tito. Hindi naman ako mabilis malasing kaya okay lang.
Nagsimula na kumanta si Brea.
Sobrang ganda talaga na'ng boses niya.
Ang kinakanta niya ay Habambuhay by Yeng Constantino.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya.
Hindi ko na namamalayan ang oras.
"Ma, Pa, pauwiin ko na po si Leon, baka po pagalitan na siya tsaka baka napaparami na rin po siya," sabi ni Brea.
"Ahh ganoon ba? Oh, sige, mag-iingat, Leon, balik ka sa susunod dito, ingatan mo iyang anak ko," sabi ni Tito.
Hindi ko alam kung lasing na ba siya or hindi e.
"Oh, sige na gabi na mag-iingat," sabi na'ng mama ni Brea.
"Sige po, maraming salamat po," sabi ko.
"Maraming salamat din," sabi ni Tita.
Tumango na lang si Tito sa akin.
"Mauna na po ako," paalam ko.
Naglakad na kami ni Brea papalabas ng gate.
Napansin kong lumabas na din ng gate si Brea at sinara na ito.
"Oh, saan ka pupunta?" pagtatanong ko.
"Ihahatid kita malamang, nakainom ka tsaka baka mapaano ka pa sa daan," sabi ni Brea,
"Okay lang ako, nakainom pero hindi ako lasing tsaka huwag kang mag-aalala sa akin kasi sila ang dapat matakot sa akin. Ikaw? Mag-iingat dapat ikaw palagi at ngayon, gabi na, delikado, mas maiging nasa loob ka na na'ng bahay niyo, sige na, kaya ko na ito," sabi ko.
"Sure ka?" pagtatanong uli ni Brea.
"Opo boss, sige na at para makapagpahinga ka na dahil may pasok pa bukas, susunduin ulit kita," sabi ko.
"Sige, sige, good night in advance Leon," paalam ni Brea.
"Sige, good night din," sabi ko.
"Sige na, ingat," sabi ni Brea sabay senyas na lumakad na ako.
Tumango sabay ngiti na lang ako.
"Ay Leon," sambit ni Brea.
Agad akong lumingon.
"Salamat, salamat sa lakas ng loob mo," sabi nito sabay takbo papalapit sa akin at..
Hinalikan ako sa pisnge sabay ngiti at senyas na umalis na ako.
Gusto ko pang matulala sa harapan niya e.
Pakiramdam ko, sandaling tumigil ang takbo na'ng aking mundo.
Parang biglang nawalan ng gravity at lumilipad ako at ang puso ko sa ere.
Brea.
Tanginaaa kinikilig ako.
Sa paglalakad ko ay nakangiti lang ako, hindi ko na pinansin ang mga tao o ingay sa paligid ko. Basta ang alam ko, kinikilig at masaya ako. Sobrang saya.
Pabagalin mo naman sana Lord ang takbo na'ng oras, gusto ko pa siya makapiling.
________________________________________
Nakarating na rin ako sa bahay.
"Oh, Leon, kamusta ka?" pagtatanong ni Mama.
"Kamusta po?" pagtataka ko sa mga tanong ni Mama.
"Kanina ka pa namumula, kahit moreno ka, nahahalata ang pamumula mo," sabi ni Mama.
"Halaaaaa si Kuyaaa," pang-aasar ng pangalawa kong kapatid.
"Oh, tigil na at baka magsapakan na naman kayo diyan," panunuway ni Mama.
"Ma, anong ulam?" paglihis ko sa usapan.
"Hindi ka pinakain doon?" pagtatanong ni Mama.
Napaisip ako, pinakakain ako pero masyado akong nawili sa panonood kay Brea at pag-inom. Hala baka isipin ng parents niya na maarte ako sa pagkain.
Mamaya imemessage ko si Brea, Kakain muna ako.
"Kumain po, kaso nahihiya ako kaya konti lang ang kinain ko," sabi ko.
"Osya, magluto ka na lang na'ng itlog para makakain ka na," sabi ni Mama.
"Opo," sabi ko.
Nagluto na ako agad ng itlog. Sunny side up, hindi ko gusto ito dati pero napag-alaman ko na paborito ni Brea ang sunny side up type na pagluluto sa itlog.