Brea's POV Hays sa wakas, natapos na rin ang mga klase namin sa araw na ito. Whooohh, uwian na. Need ko talaga iedit na ang mga videos namin. "Brea, mamaya ah?" paniniguro ni Leon. "Oo, sige kita kits," sabi ko. "Brea, may suklay ka? Pahiram ako," pakisuyo ni Joy. "Jusko te, pasalamat ka at kaibigan kita gigil mo ko," sabi ko sabay abot ng suklay. "Brea, bukas ah? Samahan mo ko, kasama bukas sila April, Tin, Jay, Alvin at Darwin," sabi ni Abby. "Marami pala tayo e, gora lang," sabi ko. "Salamat, " sabi ni Abby. "Talagang excited si Abby noh? Guwapo ba iyong kalandian niya?" pagtatanong sa akin ni Joy. "Hindi ko nga rin alam e, bali bukas pa natin malalaman," sabi ko. "Mamaya kamukha pala iyan ni Jomar Pilay HAHAHAHAH," pang-aasar ni Joy. "Ang sama mo, huwag ka ngang ganiyan,"

