Maaga ako gumising ngayon para iedit lahat ng videos namin kasi pasahan na nga. nagnotif ang messenger ko. (Leon Bryle Tolentino: Good morning boss.) 7:30 am. (Leon Bryle Tolentino: Ngayon mo diba ieedit ang videos natin? May assignment kasi tayo sa Physics, kung gusto mo na'ng help tutulungan kita sa Physics. Tapos na kasi ako.) 7:30 am. Wow, may pag good morning na ah? Crush kaya ako nito o nilalandi lang ako? Anyways hindi naman ganoon ang pagkatao ni Leon e. Baka concerned friend lang sa leader. (Brea Villafuente: Thank you, pwede bang paturo naman ako sa balancing equation?) 7:32 am. Gagi, seen agad. (Leon Bryle Tolentino: Ahh sige kailangan mo ba gusto? ) 7:32 am. (Brea Villafuente: Kahit mamaya, tatapusin ko muna ito.) 7:32 am. Hindi na siya nagreply, hindi niya rin sineen.

