BREA'S POV
Maaga akong nagising ngayon.
ATA.
"Oh, mabuti at bumangon ka na, anong oras na, puyat pa. Hindi ka na natulog ng maayos at dito ka pa talaga nahiga sa sahig," sabi ni Mama.
Nagulat ako sa itsura ko. Nasa sahig sa kwarto ko ako nakahiga at nakasuot pa rin ako na'ng damit na sinuot ko kaninang madaling-araw.
"Shoccckks," sabi ko sabay takbo sa comfort room.
"Oh, anong gagawin mo?" pagtatanong ni Mama.
"Maliligo po," sabi ko.
"Huwag kang magsayang ng tubig, bilisan mo na rin para makakain ka na at makapamili ng mga kailangan ko sa kusina," sabi ni Mama.
"Opoooo," sabi ko.
Mabilis akong naligo at kumilos para hindi mag init ang ulo sa akin ng mama ko.
______________________
"Kamusta ang date?" pagtatanong ng kapatid kong pangalawa.
"Huh?" sabi ko.
"Date kami, huhuhu naka flowers and chocolates ka pa," sabi ng kapatid ko.
"Kinain mo yo'ng chocolate ko?" pagtatanong ko.
"Hindi ah, isa lang HAHAHAHAH," sabi niya.
"Gago ka, bakit hindi ka nagpapaaalam, nasaaan na ang balat non?" pagtatanong ko.
"Bakit hinahanap mo ang balat?" pagtatanong nito.
"Huhugasan ko tapos itatago ko, remembrance tangeks," sabi ko.
"YUCKKKK POTA KA ATE! NANDOON NA SA BASURAHAN!" sabi nito.
"Halaaaaa, pota kaaa!" sabi ko.
"Don't tell me, kukuhanin mo?" pagbabanta nito.
"HINDI NA! POTA!" sabi ko sabay alis na at ligpit ng pinagkainan ko.
"HAHAHHAHAH, akala ko kukunin mo eh, grabe naman kung umaabot sa ganoong level ng kadugyutan ka para lang itago ang remembrance," sabi nito.
"Hindi noh," sabi ko.
Pumunta na ako sa kwarto ni Mama.
"Ma, nasaan na po ang listahan ng mga bibilhin ko?" pagtatanong ko.
"Nandiyan sa ibabaw ng durabox," sabi ni Mama.
Agad ko itong kinuha at kinuha ko na rin ang cellphone ko.
1 message kay Leon.
(Leon Bryle Tolentino: Good Morning! and Good Afternoon! Late na ako nagising! Kamusta ka boss?) 1:30 pm
Typing ...
(Brea Villafuente: Hello, Good afterrnoon, late na rin ako nagising e, ito nagmamadali kasi pinamimili ako ni Mama sa palengke.) 2:45 pm
Seen 2:45 pm
Grabe ang bilis naman iseen.
(Leon Bryle Tolentino: Samahan kita, kita tayo sa may kanto ulit.) 2:45 pm
(Brea Villafuente: Sige, ikaw bahala.) 2:45 pm
(Leon Bryle Tolentino: Sige boss) 2:45 pm
Naglakad na ako papunta sa kanto kung saan kami magtatagpo ni Leon.
Naeexcite ako HAHAHAH. Anyways, naka tshirt lang ako an malaki at pajama HAHAHAHAH.
Malapit na ako sa kanto at naaaninag ko na si Leon na nakatalikod at nakacap.
Ano ba sasabihin ko para iapproach siya?
Gosh.
Kinakabahan ako bigla.
Tae,
"Hello, oyy," sabi ko HAHAHAHAHAHH.
Medyo matigas pa boses ko dahil kabado ko.
"Boss, tara na, saan ka ba mamimili?" sabi nito sabay tabi sa akin.
So naglalakad na kami.
"Konti lang bibilhin ko nakakahiya, pero salamat kasi sinamahan mo ako," sabi ko kay Leon.
"Wala iyon tsaka tinapos ko na mga gawain ko sa bahay para makabawi ako kay Mama kaya yo'ng gampanin ko sa iyo naman ang gagawin ko," sabi nito.
"Halaaa? HAHAHHAAH," awkward na sabi ko.
"Okay lang iyon,"
"Salamat," sabi ko no'ng inalalayan niya ako sa pintuan ng grocery.
Siya na rin kumuha na'ng basket.
"Ikaw magsabi kung anong kukunin ako na kukuha at magbubuhat," sabi nito.
"Sure ka?" sabi ko.
"oo," sabi nito.
"Oh sige, "
So inisa-isa ko na ang pagbabanggit ng mga bibilhin at dali-dali niya itong inabot kahit maliit siya, taas tumalon.
Nakikita ko sa mga ngiti niya ang pagod. Nginingitian ko lang siya.
Noong natapos na kami ay pumila na kami.
"Leon, nanliligaw ka na ba?" parang tangang tanong ko.
"Oo, gusto ko nga pumunta sa sunday sa bahay niyo, makikisabay ako sa church kasama parents mo tapos doon ko na ipagpapaalam na pwede ka bang ligawan," sabi nito.
"Halaa, ano huwag kaya?" nag-aalangan kong sabi.
"Bakit naman boss? Ayaw mo ba sa akin?" pagtatanong nito.
"Gusto, kaso, hindi ko pa alam magiging reaction ng parents ko since laging patago ang mga relasyon ko," sabi ko.
"Hindi pwede iyon, kailangan kong ipaalam ka kasi may respeto ako sa iyo at sa kanila tsaka para makita mo at nila rin na sobrang ginagalang kita at seryoso ako sa iyo. Sa panahon kasi natin ngayon, hindi na uso ang pagbibigay respeto like pagpaaalam na manligaw ng lalaki. Ayokong mawala anag ganoong ugali," sabi nito.
"Ehh, paano kung hindi sila pumayag kasi mga bata pa tayo?" pagtatanong ko.
"Eh 'di irerespeto ko, pero hindi ko ititigil yo'ng paggalang at pagmamahal ko sa iyo kaso yo'ng ligaw at relasyon, hindi ko na itutuloy," sabi nito.
"Gaano mo ba ako kagusto?" pagtatanong ko.
"Sa sobrang pagkagusto ko sa iyo, kakayanin kong languyin ang karagatan, mahagkan at mapasa-akin ka lang," sabi nito.
"Banat iyan noh? HAHAHHAH," awkward kong sabi para maitago ang hiya at kilig.
"Ewan ko e, basta walang sagot sa kung gaano kita kagusto pero isa lang tiyak na sagot ko, kahit gaano man katagal, iibigin kita, magkalayo man tayo at pigilan ng mundo, mananatiling ikaw ang gusto ko," sabi nito.
Napatitig lang ako sa kaniya.
"May word na gaano iyon aahhahaahahhah," sabi nito.
"Eh, bata pa lang, I mean teens pa tayo ganoon, tsaka marami ka pang makikilala," sabi ko.
"Iba kami magmahal, kahalintulad ko ang papa ko, natagpuan niya at minahal ang aking ina noong sila'y nasa murang edad pa pero pinaglayo man sila na'ng tadhana, pinilit ni papa at ipinalangin niya talaga ng constant na sana si mama na at iyon, nagbunga lahat, dumating ang samu't saring pagpipilian pero si Mama ang nangibabaw sa kaniyang puso. Sabi sa akin ni papa, kung matatagpuan ko na ang babaeng karapat-dapat, ano man ang edad or estado, ipanalangin ko at maagtiwala sa Diyos para sa dulo, ipagkakaloob sa akin," sabi nito.
"Eh paano kung hindi siya ang nais ng Diyos para sa iyo? Eh 'di nasayang ang araw at taon mo kapapanalangin doon?" pagtatanong ko.
"Hindi masasayang iyon, tsaka hangga't nagtitiwala ka sa Diyos at sinusunod mo siya, ibibigay niya yo'ng regalong pinakahihintay mo na'ng maatagal na panahon," sabi nito.
Napangiti lang ako.
"Miss, kayo na po," sabi ni Ate na nasa likod,
Natawa kami parehas ni Leon.
"Ang daldal kasi natin e," sabi ko.
"Sorry na ahahhhhaha," sabi nito.
So ayon, namili na kami at nakapamalengke na, siya ang nagdala na'ng lahat.
No'ng nasa kanto na kami.
"Tara ihahatid na kita para hindi ka na mahirapan," sabi ni Leon.
"Huwag, huwag, ako na bahala tsaka may tamang oras para magpakita ka sa parents ko, naghahanap pa ako na'ng tyempo, sorry," sabi ko sa kaniya.
"Ah, ganoon ba, sige ito oh, ingat ka," sabi nito.
"Sige, salamat ulit, Leon," sabi ko.
"Wala iyon, ingat ka boss," sabi ni Leon.
"Ingat ka din," sabi ko sabay talikod na.
Nakangiti akong pumasok ng bahay.
Nasa itaas si Mama
Wala pa si Papa
Nasaan na yo'ng mga kapatid ko?
Awit.
Nilapag ko muna sa mesa ang mga dala-dala ko.
Nagulat ako dahil may isang paper bag akong nakita mula sa mga pinamili ko.
"May binili ba akong nakapaper-bag?" pagtatanong ko sa sarili ko.
Tinignan ko ang paper bag.
Pagbukas ko ay may chocolate at mga pinitas na bulaklak na iba't ibang kulay.
1 message from Leon Bryle Tolentino
(Leon Bryle Tolentino: Magic.) 6:24 pm
(Leon Bryle Tolentino: Sana nagustuhan mo) 6:24 pm
(Leon Bryle Tolentino: Pinitas ko lang iyan dahil wala pa akong mahanapan ng bilihan ng bulaklak) 6:24 pm
(Leon Bryle Tolentino: Sana hindi ako mapagalitan ng kapitbahay HAHAHAHHA) 6:24 pm
Agad-agad akong umakyat papuntang kwarto.
May bulaklak na dilaw, pink, red at white na nasa paper bag tapos isang kisses na chocolate na malaki.
You never failed to make me smile Leon.
(Brea Villafuente: Angas mo ah, hindi ko napansin iyon) 6:30 pm
(Brea Villafuente: Thank you!) 6:30 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Syempre ako pa? HAHAHHA, sige na, enjoy!) 6:31 pm
Nakangiti akong pinagmamasdan ang bulaklak at mga tsokolate sa harapan ko.
____________________________________________________________________________
Nababagabag ang isipan ko ngayon. Gusto ko na kasi unahan si Leon sa pagpaaalam sa magulang ko kung pwede niya ba ako ligawan.
Kinakabahan ako dahil alam kong hindi iyan papayag.
Bahala na.
Nakita ko si Papa na nagluluto sa kusina.
"Papa, mukhang masarap iyang niluluto mo ah," sabi ko.
"Syempre, napakagaling ko kaya magluto," sabi ni Papa.
"Niceeee naman pa," sabi ko.
"Oh, anong problema mo?" pagtatanong ni Papa.
"Wala naman akong problema papa e," sabi ko.
"Kilala kita kapag naggagaganyan ka, anong problema?" pagtatanong ni papa.
Wala talaga akong malilihim kay papa.
"Ahm, hindi naman siya problema papa e, ahm favor lang or paghingi na'ng permiso," sabi ko.
"Oh, hindi pwede," sabi ni papa.
"Halaaa papa naman e, wala pa nga," sabi ko.
"Oh ano nga iyon," sabi nito.
"May kaklase kasi akong mabait, tapos marespeto tapos--," hindi ko natapos ang sasabihin ko dahol sumabat na si papa.
"Oh, gusto mo?" sabi ni papa.
"Po?" pagtatanong ko.
"Ano mayroon sa kaklase mo na iyon aber?" pagtatanong ni papa.
"Ahm pa, pwede ba siya manligaw sa akin?" pagtatanong ko.
"Hindi, bata ka pa at mag-aral ka muna tsaka marami kapang makikilala kapag nakapagtapos ka na," sabi ni papa.
"Papa, ligaw lang naman eh," sabi ko.
Naluluha ang mata ko hindi ko alam dahil nasasaktan ako ayaw kasi ni papa pumayag.
"Hindi, mag-aral ka muna tsaka mga bata pa kayo. Papuntahin mo siya dito, kakausapin ko," sabi ni papa.
Nalungkot akong pumunta kay mama sa ibaba.
"Oh, anong mukha iyan?" pagtatanong ni Mama.
"Ma, may kaklase kasi ako, gusto niya manligaw, pwede po ba ako magpaligaw?" pagtatanong ko.
"Aba'y itanong mo sa papa mo," sabi ni Mama.
"Ayaw niya e," sabi ko.
"Bata ka pa kasi tsaka papuntahin mo dito hindi iyong iiyak-iyak ka diyan," sabi ni mama.
"Tunginang 'yan, naiinlove ka na na'ng todo ate? HAHHAHAHA" pang-aasar ng kapatid ko.
Hindi ko lang siya pinansin at pumunta na ako sa kwarto ko.
Minessage ko si Leon.
(Brea Villafuente: Punta ka bukas dito.) 9:45 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Bakit? Akala ko ba bawal pa ako pumunta diyan?) 9:46 pm.
(Brea Villafuente: Ikaw magpaalam kila mama at papa sa panliligaw mo pero alam kong hindi sila papayag kasi inunahan ko na kanina.) 9:46 pm
(Leon Bryle Tolentino: Oh sige, huwag mo kasi pangunahan tsaka kung ano man magiging desisyon nila, rerespetuhin ko. Atleast, nagpaalam ako na'ng maayos.) 9:46 pm.
(Brea Villafuente: Sige. Thank you. Good night :(() 9:47 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Oh, huwag ka na malungkot ah? Ako bahala.) 9:47 pm.
(Brea Villafuente: Sige :) ) 9:48 pm.
At nag offline na muna ako para makatulog na'ng maaga.
__________________________________________________________________________________
LEON'S POV
Kasalukuyan kaming tumatambay sa akin kwarto ni Miggy. Pinapunta ko kasi siya dito kasama ang buong tropa kaso siya pa lang ang dumadating.
Sa lahat ng tropa ko, siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko.
Sinimulan ko na ikwento ang mga sinabi ni Mama noong gabing umuwi ako after the fireworks.
"Oh, talaga? Sinabi ni Tita iyon?" pagtatanong ni Miggy matapos malaman ang sinabi ni Mama sa akin kahapon noong pagkauwi ko.
"Oo, sinabi niya iyon," malungkot kong sabi.
"Hala? Alam na ba ni Brea?" pagtatanong nito ulit.
"Hindi pa nga e," sabi ko.
"Ano kayang pinakareason ng mama mo maliban doon sa magfocus ka muna sa pag-aaral? Siguro,, ayaw niya kay Brea," sabi nito sa akin.
Napaisip ako na'ng bahaagya.
Gusto naman ni Mama si Brea e, sinusuportahan naman niya ako kapag may iluluto ako para kay Brea or kapag may mga surpresa ako.
"Hindi ko alam e pero gusto naman ni Mama si Brea e," sabi ko.
"Oh, kailan mo balak sabihin kay Brea ang tungkol diyan?" pagtatanong ni Miggy.
"Hindi ko siguro sasabihin para hindi magkaroon ng ibang iisipin si Brea, ang mahalaga inaalagaan ko at pinapasaya ko pa siya habang mayroon pa akong pagkakataon na gawin iyon," sabi ko.
"Hindi ba't pagpapaasa ang ginagawa mo?" sabi ni Miggy.
"Anong magagawa ko?" sabi ko.
"Oh siya tol, susupportahan kita pero kahit anong mangyari, sana sa dulo sabihin mo ang rason sa kaniya kasi deserve niyang malaman iyon tsaka para maipaglaban niyo," sabi ni Miggy.
"Tol, naduduwag ako," sabi ko.
"Hindi ganiyan si Tolentino na kilala ko," sabi ni Miggy
Maya-maya ay naalala ko na pupunta pala ako kila Brea bukas para harapin ang parents niya.
"Tol, pupunta na ako bukas sa bahay nila Brea para makausap ang parents niya," sabi ko.
"Nice, good luck tol, sana hindi ka mapatalsik HAHAHAH," pang-aasar niya.
"Hoyyyyyyyyyy!" sigaw ng mukhang hayop kong tropa na paparating na.
Rinig na rinig ko ang mga yabag ng paa nila na paakyat.
"GAGOOOOOOO! Ninong ako ah?" pag-iingay ni Franky.
"Taena mo ang ingay ng paa mo," sabi ko.
"Oy oy oy!!" sigaw ni Dee.
"Isa ka pa," sabi ko.
"Preeeee, anong problema? Inuman ba?" pagtatanong ni Arvs.
"Tangeks hindi ah, kinakabahan lang ako kasi pupunta na ako sa bahay nila Brea bukas para makausap ang parents," sabi ko.
"Tunginaaang iyan, iinom natin iyaaan!" sigaw ni Arvs.
"Tangeks wala ngang alak dito," sabi ko.
"Sinong nagsabing wala?" pagtatanong ni Franky.
"May dala kayo?" pagtatanong ko.
"Syempreeee, ohh gin puro, juice na din, yelo pa HAHAHAHAH," sabi ni Dee sabay labas ng gin dalawa, juice dalawa at dalawang yelo mula sa backpack.
"Gago AHAHHAHAHAAH," tawa ni Miggy.
"Tangina nito, kaya siguro hindi ka nag-aaral ng mabuti kasi iyan lagi mong dala sa bag HAHAHAHAHA," sabi ko.
"Grabe naman HAHHAHAHAH," sabi ni Dee.
"Pinalagay ko lang iyan," sabi ni Arvs.
"Oh, nasaan si Kevin?" pagtatanong ko.
"Susunod daw, hinatid muna yo'ng girlfriend," sabi ni Franky.
"Aba potangina, sana all," sabi ni Miggy.
"Tara, itimpla na iyan," sabi ko.
Ibang klase talaga itong mga tropa ko, maaasahan ko lagi.