Brea's POV Naglalakad kami ngayon sa gilid ng ilog, magkahawak kamay sila Abby at bebe niya, magkatabi lang kami sa likod ni Leon. Maraming mga kabataan ang nagkukwentuhan habang naglalakad, ang ilan naman ay nagbibike. "Nagagalit ka ba Brea?" pagtatanong ni Leon. "Huh? Saan at bakit?" pagtatanong ko. "Kasi umamin ako, kasi gusto kita," sabi ni Leon. "Wala iyon, tsaka may gusto rin ako aminin sayo e, pero sorry, gusto ko gamitin ang awitin para masabi ko sa iyo," sabi ko. Putragis. Kinakabahan ako. "Huh? Ano iyon," sabi ni Leon. "Simula pa no'ng una, hindi na, maintindihan nararamdaman, naging magkaibigan, ngunit, hindi umabot ng magkaibigan, tanggap ko yo'n noon, kampante na ganun na lang, sapat na nakasama kita, kahit hanggang doon na alng, hindi na lang ako lalapit, hindi n

