Ilang taon ko na ring pilit na kinalimutan ang lahat. Akala ko, tuluyan ko nang naiwan sa nakaraan ang mga alaala namin ni Leon. Sa paglipas ng mga taon, natutunan kong hindi na siya hanapin sa mga taong nakakasalubong ko. Hindi ko na rin iniisip kung nasaan na siya o kung naaalala pa ba niya ako. Sanay na ako. O iyon ang akala ko. Hanggang sa isang araw, habang nasa klase ako sa Pisikal na Edukasyon, bigla kong nakita ang isang pamilyar na mukha sa loob ng himnasyo. Nakahiga ako noon habang gumagawa ng mga sit-up. Nang magpahinga ako saglit, napatingin ako sa may pintuan. May isang lalaking nakatayo roon. Naka-itim na bag. Naka-uniporme rin tulad ko. At higit sa lahat, mapupungay ang mga mata. Hindi ko maaninag nang mabuti ang mukha niya dahil malabo ang paningin ko mula sa kina

