CHAPTER 60

789 Words

Pag-uwi ko sa bahay, diretso akong umakyat sa kwarto. Hindi ko na kinausap si Mama. Hindi dahil ayaw ko, pero wala talaga akong ganang magsalita. Parang kapag nagsalita ako, baka tuluyan na akong maiyak. Isinara ko ang pinto ng kwarto ko at naupo sa gilid ng kama. Tahimik. Pero sa loob ng isip ko, ang ingay. Paulit-ulit kong nakikita ang mukha ni Leon. Ang ngiti niya. Ang kamay niya na nakahawak sa kamay ng ibang babae. Ang paraan ng pagpapakilala niya sa akin. “Kaibigan ko.” Napayuko ako. “Bakit ba ako nasasaktan?” Ilang taon na. Ilang taon na mula nang matapos kami. Ilang taon na rin mula nang sabihin ko sa sarili kong nakalimutan ko na siya. Pero bakit isang tingin lang sa kanya ay parang bumalik lahat? Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi naman siya akin. Hindi na. At h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD