Ayoko sanang pumunta. Nang malaman kong may kaarawan ang isa sa mga dati naming katropa noong hayskul, una kong naisip na huwag na lang dumalo. Hindi dahil ayaw kong makita ang mga kaibigan ko. Ang totoo, alam kong nandoon si Leon. At ayoko na siyang makita. Ilang araw ko na siyang iniiwasan sa paaralan. Kaya bakit ko naman boluntaryong pupunta sa isang lugar kung saan alam kong makikita ko siya? Pero bago pa ako tuluyang makatanggi, sinundo na ako ni Alexis. “Brea, tara na.” “Alexis, ayoko nga.” “Hindi puwedeng ayoko. Nandito na ako.” Napabuntong-hininga ako. Wala na rin akong nagawa. Kaya sumama na lang ako. Naka-pulang pang-itaas at pang-ibaba na magkapareho ang suot ko. May salamin ako at may sombrerong may takip na nakatakip nang bahagya sa mukha ko. Habang nasa biyahe k

