Sobrang sarap ng food na dinala para sa amin. It was the same taste sa tower restaurant na pag-aari rin ni Kyren. I am more energized now at hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na uminom. Kalmado lang naman ang tatlo kong kasama at hinayaan ako sa gusto kong gawin. I think they are doing it dahil na rin sa sama ng loob ko sa aking kapatid. Gusto ko na maging maayos ang relasyon namin, pero ito naman ang kusang lumalayo. Ayoko na maging sunud-sunuran na lang sa kanya so I figured I will stand for myself. Napatingin ako sa salamin na nasa harapan namin at nakita ang mga tao na nagsasayaw sa dancefloor. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila na magsasayaw ako sa ibaba. Natigilan sila, pero pinayagan naman ako ni Callen. Nagpasalamat ako sa kanya, binigyan ko siya ng halik sa pisngi at excite

