Nang sinabi ko kay Callen na siya ang inatasan na guardian ni Lola, he immediately lights up. Matagal na itong sinabi sa akin simula nang magkasakit siya. May binigay din si Lola sa akin na kopya ng original last will niya. Pinag-iingat niya nga ako at sinabi na huwag na huwag magtitiwala sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila noon at hindi ko naman pwedeng tanungin ang aking kapatid dahil alam kong wala rin namang matinong sagot sa kanya. Hindi naman close totally si Callen kay Lola, pero mas pinagkakatiwalaan niya pa ito. The guardian thing was just to secure me para hindi ako makontrol ng aking kapatid. “I will just call my lawyer.” sabi ni Callen. Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa, pero pinigilan ko siya. “What is it?” “Huwag mo munang gawin… Huwag m

