“Hindi ka ba lalabas?” tanong sa akin ni Jeo habang nasa club room ako. Agad kong pinahiran ang aking luha at tumalikod sa kanya. Matapos ang sagutan namin ni Kyren, umalis agad ako dahil hindi ko nakayanan ang kanyang mga sinabi. How could he think that way about me? Hindi pa ba sapat lahat ng pinakita ko sa kanya? I always tell him and assure him na walang lalake sa buhay ko kundi sila lang na tatlo. Pero dahil lang sa isang picture, hinusgahan niya na agad ang buong pagkatao ko. I can’t accept that, so mas mabuting tapusin na lang kung anuman ang meron sa amin. Pero ayoko! I know in my heart na hindi ko kaya na mawala ang isa sa kanila. Naiintindihan ko naman kung bakit gano’n ang naging reaction niya, but saying that I have other men, that is too much. Hindi ako ang kanyang ex-girlfr

