Napaaray ako nang diniin ni Jesiah ang bulak na may disinfectant sa sugar na nasa gilid ng aking labi. Sunod niyang nilinisan ang aking pisngi at ang sugat ko na rin sa gilid ng aking noo kung saan may maliit din akong bukol. Nakaupo sa katapat kong upuan si Callen, and between us, I look the worst. Bigla na lang siyang sumulpot at sinugod ako. I lost the will to fight back since I feel that I deserve it. Mukhang sumobra ako sa mga sinabi ko. Inis na inis talaga ako dahil hindi niya nabanggit sa akin na magkasama sila ni Vastian. I told the two about it. And they express their frustration too. “Aray! Sinasadya mo ba?!” irita kong sabi. Napataas ang isa niyang kilay at mas lalo pa itong diniinan. “Obvious ba?” seryoso niyang sabi. “I want to punch you too, ayoko lang ma-inju

