Abducted 03

1171 Words
Abducted 03 Nakatulala akong nakaupo sa hapagkainan, inaasikaso ako ni Ate Myla, ang kasambahay at care taker dito sa bahay noon wala pa ako. "Ma'am busog po ba kayo?" Bakas ang pagtataka sa mukha niya ng malingunan ko. Nakatingin siya sa pagkaing nasa pinggan, nasa harapan ko ngunit hindi ko na ginalaw at tulalang pinaglalaruan ko nalang. "Ah! Oo Ate, marami kasi akong nakain kagabi kaya busog pa ako.," Pagsisinungaling ko dahil wala akong gana na kumain. Naaalala ko ang nangyari kagabi. Masyadong pang sariwa kung paano nawala ang p********e ko. "Parang ang tamlay niyo ma'am. Gusto niyo ba sumama lumabas? Bibili lang ako sa Supermarket ng mga ibang kakailanganin dito sa bahay. Titingin din ako ng mga sariwang laman at gulay sa bayan." Wala akong emosyon na nakikinig sa sinasabi niya. Parang hindi ko maproseso dahil iba ang laman ng utak ko kahit nakatingin ako sakanya. Napansin niya ang pagkakatulala ko. Kaya umupo siya sa upuan na katabi ko. "May problema po ba kayo? Pwede niyo po akong kausapin kapag may mga gusto kayong sabihin o kailangan gawin." Fifteen years yata ang tanda sakin ni Ate Myla para ko na din siyang Ate dahil siya lang din naman ang kakilala ko ngayon dito. Sixteen years old ako ng kunin ng Tita sa States. Diseotso anyos naman ako ng mangyari ang trahedya sa pamilya namin. Dinala ang mga abo nila sa States at doon ko lang nalaman ang nangyari pagkaabot sa akin ng mga abo nila. Hindi ko matanggap noong una kaya binalak ko sanang umuwi para makita sila dahil ayoko pumayag na abo nila ang dinala sa amin. Pero pinigilan ako ni Tita dahil nang mga panahon na 'yon ay hinahanap nila ang buong angkan ni papa kasama na ako. Alam nila na mayroon isa pang anak na babae si Papa pero wala silang alam kung nasaan ako. Pribado din ang pamilya ni Tita kaya hindi siya kilala bilang nakababatang kapatid ni Mama. Limang taon na ang nakalipas bago ako bumalik sa pilipinas, at sa limang araw na pananatili ko dito ay nangyari agad ang nangyari kagabi. Nagbalik ang tanaw ko kay Ate Myla dahil sa paghagod niya sa likod ko. "Namimis mo ba ang pamilya mo?" Ngumiti lang ako at tumayo, gusto ko magsumbong pero natatakot ako na balikan niya ako. "Magpapalit lang ako ng damit, sasama ako sayo sa labas." "Sige po. Hihintayin ko kayo sa sala." Dahan dahan akong umakyat ng mataas na hagdan dahil ramdam ko parin ang sakit sa pagitan ng mga hita ko sa bawat hakbang. Pagkapasok ko sa kwarto'y bumungad sa akin ang kama na mayroon tuyong pula at puting likido. Pumikit ako ng mariin at sumandal sa pintuan ng kwarto ko. Pinigilan ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata dahil sa biglaan nanaman na pandidiri sa sarili ko. Hindi ko naisara ng maayos ang pinto ng balcony ko kaya siya nakapasok, kaya ang madalas kong gawin sa umaga na magkape at magpahangin sa balkonahe ay hindi ko na ginagawa. Nakasarado nalang ang pinto nito mula pagkagising ko hanggang ngayon, at wala na akong balak na buksan pa. Balak ko din bumili ng panibago na lock para madoble ang pagkasara at bumili ng makapal na kurtina para itabing sa manipis na kurtina ng sliding door nito. Huminga ako ng malalim at kinuha ang sapin ng kama na mayroon mantsa ng nangyari kahapon. Kinuha ko ang unan para palitan ng punda. Naamoy ko ang matapang na panlalaking amoy sa unan ko. Mukhang kumapit galing sa pabango ng lalaking nagpunta dito kagabi. Kinuha ko ang buong unan na may amoy ng lalaki at itinapon sa basurahan. Nag-spray din ako ng pabango ko sa buong kwarto para mawala ng tuluyan ang panlalaking amoy niya. Habang nakaharap sa vanity mirror ay marahan ang paraan ng paghubad ko ng damit. Napatitig ako sa ilang mga pasa sa dibdib, braso at bewang ko. Mayroon din sa singit at hita. Kitang kita dahil sa maputing balat ko kaya dress na longsleeve ang isinuot ko. Hindi ko din kayang magpants dahil masakit parin ang p********e ko. Bumaba ako na tanging cellphone at wallet lang ang dala. Napatayo si Ate Myla at sinalubong ako para sabay kaming lumabas ng sala. Sinigurado ko muna lahat ng pinto at bintana na nakasecured bago ko siya hinila palabas. Nagtaxi lang kami papunta sa mall dahil wala pa naman akong sariling sasakyan. Hindi ko alam kung bibili ako pagkatapos ng nangyari kagabi. Nilibang ko ang sarili ko sa mga pinamimili para hindi masyadong mag-isip. Tulak ni Ate Myla ang cart habang ako ang kumukuha ng mga kailangan bilhin. Pagkadampot ko ng isang fresh milk ay nilingon ko si Ate Myla sa likod ko na nakasunod kanina pa, pero wala siya. Pinasadahan ko ang buong lugar para hanapin siya't sinilip ang bawat section ng supermarket. Natanaw ko siya sa mga toiletress kaya lalapit na sana ako kung hindi ko lang nabitawan ang dala ko na fresh milk dahil sa lalaking nakatabig ng kamay ko. Yumuko siya at dinampot ang nabitawan ko. Tumayo siya ng tuwid at inabot sa akin ang gatas ko. Ngumiti ako ng maliit at handa na humingi ng paumanhin subalit naglakad na siya palayo bago ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa malapad niyang likod at nakapamulsa ang dalawang kamay. Bahagya siyang lumingon sa pwesto ko bago lumiko at matakpan ng mga item ng Supermarket. Kumunot ang noo ko at nagbaba ng tingin, tinitigan ang hawak na gatas. Napasinghap ako ng maalala na nakahood ang lalaking bumangga sa akin. Magkasingtangkad din sila at pareho ang amoy na naiwan sa kwarto ko! Nanginginig kong nabitawan ang gatas na hawak ko. Tumakbo ako papunta kay Ate Myla at hinila na siya paalis. Nagtataka man ay mabilis na siyang nagbayad para makaalis na kami. Hindi na siya natuloy mamili sa bayan dahil hindi ko siya pinaalis. Ayoko nang mag-isa sa bahay natatakot ako na muling balikan ako ng lalaki. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong tinawagan si Tita. "Tita!" Sigaw ko at hindi na napigilan ang pag-iyak dahil pinipigilan na takot ko mula kagabi at kanina sa Supermarket. "Seraphina!? Anong nangyari, bakit umiiyak ka?" Nagpapanic na ang boses ni Tita dahil sa pag-iyak ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin na dapat nakinig ako sakanya na huwag nang bumalik pa dito. "Tita, g-gusto ko na umuwi." Napaupo ako sa sahig at walang tigil ang pag-iyak. "Anong nangyari sabihin mo sa akin, Phina!" Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ko maaaring sabihin kay Tita. Kapag nalaman niya alam ko na hindi siya papayag na hindi pagbayarin kung sino ang gumawa niyon sa akin at sigurado ako na pupunta siya dito. Mapapahamak siya. Mapapahamak kami! "Gusto ko lang umuwi Tita. Ayoko dito sa bahay naaalala ko lang sila." Totoong namimis ko ang pamilya ko dito sa bahay. Pero hindi iyon ang dahilan kaya gusto ko na umuwi. Natatakot ako! Natatakot ako na maulit ang nangyari kagabi! Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni Tita sa kabilang linya. Pinilit ko ulit pakalmahin ang sarili ko. "Yes, Seraphina uuwi kana. Tatawag ako sayo bukas para makabalik kana dito. Huwag ka nang umiyak. Makakauwi ka rin dito bukas na bukas.." Tumango ako at nagtakip ng mga labi para hindi lumabas ang paghikbi, pagkababa ko sa tawag doon palang ako humagulgol sa takot at nanginginig habang nasa isang gilid at nakaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD