Abducted 04
Masakit ang ulo ko pagkagising kinaumagahan dahil sa kakulangan sa tulog. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil simpleng kaluskos lang, natatakot na ako. Kahit na nang silipin ko’y malinis ang kalsada at walang tao, hindi ako napanatag. Sa lakas ng ulan kagabi, bawat hampas ng hangin sa balkonahe ko ay nagugulantang ako. Fear, panic, and negative thoughts ate my mind.
Hinilot ko ang sentido ko at tumayo para silipin ang malaki at malakas na patak ng ulan sa labas. Gabi lumakas ang ulan at ngayong umaga’y hindi pa rin ito humihinto. Nag-iwan ako ng mensahe kay Tita para itanong kung nakapag pa-book na ba siya ng ticket ko pabalik sa States bago ako bumaba habang naghihintay sa sagot at para rin makainom ng gatas at mawala ang sakit ng ulo dahil sa puyat, ganoon ding mabawasan ang hanggang ngayo’y namamayaning takot sa katawan ko.
"Nandiyan ka na pala! Ang aga mo gumising, alas-otso pa lang nang umaga. Masarap pa naman matulog ngayon at maulan kaya akala ko’y tatanghaliin ka.”
Nasa hagdan pa lang ako, nakaramdam ako nang pagkalam ng sikmura nang maamoy ko ang niluluto ni Ate Myla. Paglitaw ko sa kusina, iyon ang agad niyang bati. Nag-init ako ng gatas at diretsong ininom iyon. Kumuha ako ng plato at pinggan at naupo sa harapan ng mesa. Kumuha ako ng garlic bread, itlog, at bacon. Nagsimula na akong kumain. Gutom na gutom ako at parang ilang araw na hindi nakakain. Dahil siguro sa nangyari nang nakaraan na gabi at ang hindi ko pagkain nang matino kahapon. I had no appetite yesterday and only ate today because I know that I will be able to go home later.
"Dahan-dahan lang at baka mabulunan ka naman." Natatawang saway ni Ate Myla dahil sa sunod-sunod na pagsubo ko.
Kinuha niya ang baso ko at sinalinan ng tubig. Naupo din siya sa mesa kaharap ko at nagsimula na din kumain para sabayan ako. Nang mabusog sa pagkain ay inubos ko ang isang baso ng tubig. Bahagyang kumalma ang pakiramdam ko at nagkaroon ng kapanatagan.
"Ate, baka bumalik na ako sa ibang bansa mamaya o bukas. Okay lang po ba na ikaw muna ang mag-asikaso rito? Mag-iiwan na lang po ako ng pera para sa mga magiging bills at para sa pang-sahod po sa inyo,"
Natigil siya sa pagkain at itinuon ang atensyon sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay niya bago nagsalita.
"Uuwi ka na? Ang bilis mo naman bumalik, Ma'am. Akala ko ay balak mo na magtagal dito dahil pinalinis mo ang buong bahay pagkarating n’yo."
Ngumiti ako ng malungkot sa kaniya at umiling.
"Akala ko rin. Pero nagbago ang isip ko. Ayaw din ni Tita na dito ako manatili kaya susundin ko kung ano ang gusto niya." Ngayon nagsisisi ako, na sana’y sinunod ko na siya una pa lang.
Umakyat ako pagkakain. Nagpaalam ako kay Ate Myla na iidlip sandali at huwag magbubukas ng mga pintuan at bintana. Pinayuhan ko rin na manatili sa sala para may tao. Tumango lang siya at prenteng naupo sa sofa para manood ng TV, hawak ang remote at naghahanap ng palabas na mapapanood. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa vanity mirror at chineck kung mayroon tawag o mensahe si Tita.
Tita:
I don't think you can come home today, sweetie. Sobrang lakas pala ng ulan diyan sa Pinas at nakansela ang karamihan na flight kasama ang papunta rito na mga eroplano.
Napaupo ako sa upuan na nakaharap sa salamin ko at muling binitawan sa ibabaw nito ang telepono. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sa harapan. Nakaladlad ang kulot at kulay ginto ko na mahabang buhok. Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri ko. Napatingin ako sa malaki at maamo na asul kong mga mata na napapalibutan ng mahahaba at malalantik na pilikmata. Mataas ang talukap ko na parang sa mga manika. Bumaba ang tingin ko sa maliit at matangos ko na ilong na bumagay sa maliit kong mukha. Maganda rin ang pagkakakurba ng manipis kong mga labi. Binasa ko ng dila ang mga labi ko at mas lalong lumitaw ang pagkapula.
Pinagmasdan ko ang tayong-tayo ko na dibdib. Marahan akong napapikit nang maalala ang gigil na pag galaw sa dibdib ko ng mga magagaspang na palad ng lalaki na iyon. Mabilis na kumalat ang kilabot na naramdaman nang lumitaw sa ala-ala ko kung paano niya haplusin ng marahas ang makurbang bewang at balakang ko. Mabilis akong napadilat at hingal na napatingin sa repleksyon ko nang maalala kung paano niya ako ilang ulit na tinutukan ng baril. Kinagat ko ang nanginginig ko na mga labi at pinagsalikop ang nanginginig din na mga kamay. May kasama ako ngayon at sarado ang lahat ng pintuan at mga bintana ngunit hindi mawala sa akin na matakot.
"Sino iyan?" Mabilis akong napatayo at napahawak sa dibdib na malakas ang pagtibok dahil sa biglaan na pagkatok nang kung sino. Kabado ang paraan ng pagtatanong ko at nakatitig nang masama sa pinto.
"Ma'am? Ayos ka lang ba? Pakibuksan po ang pinto, may dala akong mainit na sabaw!"
Sandali kong tinitigan iyon, saka nagmamadaling binuksan ang pinto. May bitbit na tray si Ate Myla, may laman na bulalo.
"Higupin n’yo ma'am. Masarap ito lalo at malamig ang panahon ngayon.” Ngumiti siya.
Matagal akong tumitig sa kaniya bago marahan na nagbuntonghininga. Tumango ako ngunit hindi kinuha ang hawak niyang tray.
"Sasabay na ako sa 'yo sa ibaba. Doon na lang tayo kumain nang sabay."
"Ay, sige po! Ibabasta ko lang ang hapagkainan!" Natutuwang wika niya.
Nakatanaw ako habang paalis siya. Mahina kong nahampas ang noo ko ng palad bago sinarado ang pintuan ng kuwarto at sumunod pababa kay Ate Myla. Napagdesisyunan ko na manood na lang ng movie sa sala kasama siya para hindi ako masyadong nag-iisip nang kung ano-ano. Gumawa siya ng popcorn para mayroon kaming kakainin.
Ngayon araw lang ang cancel na flight ngunit mamayang madaling araw ay maaari na akong makalipad. Nakapag pa-book na din si Tita. Mabuti at nakahabol siya at maaari akong makauwi mamaya. Nakaramdam ako ng kapanatagan dahil makakabalik na ako kay Tita ilang oras na lang ang hinihintay.
Wala akong balak matulog kaya niyaya ko na si Ate Myla na samahan ako. Nasabi ko na rin sa kaniya ang pag-alis ko. Itatawag na lang daw niya ako ng maaaring masakyan mamaya dahil hindi na ako magpapahatid. Isang maliit na maleta at isang signature sling bag lang ang dala ko paalis mamaya kaya hindi ko rin naman kailangan ng maghahatid pa.
“Salamat, Ate.” Saad ko nang ibinaba na ni Ate Myla ang mga dadalhin ko na gamit habang kumakain ako ng natira na mais sa bulalo at umiinom ng gatas sa kusina. Nginitian niya ako at pinagulong ang maleta palapit sa akin.
"Sayang at hindi ka nagtagal." Malungkot na tugon niya habang nagtitipa sa telepono para maitawag ako ng masasakyan na sasakyan. "Patitirahin ko sana dito ang asawa at anak ko habang walang tao para may makasama ako, ipagpapaalam ko na sana ngayon?"
“Wala pong problema, Ate. Mas gusto ko po iyon dahil isang pamilya ang nakatira dito.” May kasamang lungkot ang aking tugon.
“Salamat, Ma’am. Ingat po kayo sa biyahe.”
Tumango ako at nagbilin ng ilang bagay bago sumakay sa itim na sasakyan na tumigil sa labas ng gate. Nakasunod si Ate Myla sa akin at pinapayungan ako para hindi mabasa sa malakas na ulan. Nagmamadali akong nagpaalam para makaalis na at hindi rin mabasa si Ate Myla. Ang malakas na ulan at malakas na hangin ay hindi pa rin tumitigil ngunit hindi naman cancel ang flight ko kaya ayos lang.
Nang umandar ang sasakyan, nagbitiw ako nang malalim na paghinga at marahan na sinandal ang likod sa malambot na sandalan ng upuan. Bagsak ang katawan ko at nakatagilid ang ulo patanaw sa labas, minamasdan ang mga tubig ulan na humahampas sa bintana ng sasakyan. Seeing raindrops sliding down the glass window evokes a calmness in me that almost lulls me to sleep.
Pinigilan kong buhayin ang takot na nadama sa nangyari. Pauwi na ako at kalilimutan ko na iyon. Huminga ako nang malalim at tumingin sa harapan ng sasakyan. Natatakpan ng suot na mask ang ilong at bibig ng driver. Naka-itim ito na sumbrero. Nagtagal ang titig ko't kalauna'y nagkibit balikat na lang, naisip na baka nilalamig o nagka-flu ang driver dahil sa sobrang sama ng panahon ngayon.
Bumalik ako sa pagkasandal sa upuan at biglang nakaramdam ng pagkahilo. Para akong maduduwal at nahihirapan huminga. Ilang beses akong napalunok dahil natutuyo ang lalamunan ko. Sinubukan kong buksan ang bintana ng sasakyan nang maramdaman ang pamamanhid ng aking leeg paakyat sa mukha ko. Pinindot ko nang ilang beses ngunit kahit anong diin at tulak ko’y ayaw nitong bumukas. Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit nakasarado din.
“Sir, can you open the window and door for a moment? I feel dizzy… and… I can’t breathe…” Sa nanlalabong mga mata ay lumingon ako sa driver para sabihin ang nararamdaman ko.
Nanlamig ang buong katawan ko at napahawak sa aking dibdib dahil sa biglaang pagkalabog nang magkatinginan kami ng driver sa rear view mirror. Madilim at malalim na mga mata. Walang emosyon at may pinipigilan na galit na nakapaloob. It was him. Siya ang lalaki na nasa labas ng bahay at pumasok sa kuwarto ko. He was the man who left a strong and dangerous masculine scent on my pillow.
Nakaawang ang mga labi ko at malalim ang paghinga na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Mga mata niya ang tumutusok sa akin ngunit tila naramdaman ko ang masakit na paraan ng pagpasok niya. Ang pagtutok niya sa akin ng baril at ang madidiin na hawak niyang nag-iwan sa akin ng takot at mga pasa. Bumagsak ang malalakas na patak ng ulan kasabay ng pagbagsak ng masasaganang luha ko bago ako nawalan nang malay.