bc

A Home In His Arms (Completed)

book_age0+
6.6K
FOLLOW
62.2K
READ
billionaire
possessive
arrogant
CEO
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Mula ng umuwi ng Pilipinas si Angela ay palagi na siyang ginugulo ng isang masamang panaginip. Ang bangungot na iyon ang naging daan para matuklasan niya na hindi pala siya tunay na anak ng kinikilalang ina. Sa paghahanap sa kanyang tunay na katauhan, nagtagpo ang mga landas nila ni Marko. Marko had blue eyes and he was charming. Unang pagtatagpo pa lang ay agad sumikdo ang puso niya para rito.

Subalit natuklasan niya na si Marko pala ay bahagi ng kanyang madilim na nakaraan...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WELCOME TO CATALINA. Napangiti si Angela nang mabasa na niya ang landmark na nagsasabing pumapasok na siya sa Catalina—ang isa sa mauunlad na barangay ng Naujan, Mindoro. Catalina was a wonderful place. Sa entrada pa lang ay pansin na pansin na ang mayayabong na puno ng acacia na nagsisilbing lilim sa kahabaan niyon. Paglagpas ng ilang kilometrong kalsada ay ang malalawak na bukirin sa kaliwa’t kanan naman ang makikita. Pagkatapos ay ang pinakasentro na mismo ng Catalina ang makikita. “Centro” ang tawag nila roon. Matatagpuan doon ang mga tindahan tulad ng hardwares, shops, bakeshops, at grocery stores. Naroon din ang plaza, eskuwelahan, simbahan, at marami pang ibang establisimyento na palatandaan ng kaunlaran ng Catalina.    “I’m home!” hindi napigilang bulalas ni Angela. Kagagaling lamang kasi niya sa San Francisco, USA kung saan siya nag-aral ng Medisina at nagpakadalubhasa sa pediatrics. Kaga-graduate lang niya nang nakaraang buwan. Agad siyang umuwi sa Catalina dahil doon siya nagpatayo ng clinic na ngayon ay tapos na. Kaunting ayos na lang sa mga kagamitang naroon at pasisinayahan na iyon para buksan at maging operational.  Hindi niya inasam na magtrabaho sa malalaking ospital dahil kontento na siya sa Catalina. Hindi lang siya nakatanggi sa mama niya noong pilitin siya nitong sa San Francisco mag-aral. Kung siya kasi ang masusunod ay sa Naujan na lang sana siya nagkolehiyo. Pero wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa mama niya. Kunsabagay, tuwing semestral break naman ay nakakauwi rin siya ng Catalina. “Welcome home, sweetie,” natatawang wika ng guwapo niyang pinsan-s***h-driver na si Charlie. Pinatay nito ang air-conditioner ng Honda Civic at binuksan ang mga bintana ng sasakyan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at marahang sinamyo ang pamilyar na sariwang hangin ng Catalina. Ilang ulit na huminga siya nang malalim at pinuno ang kanyang baga ng amoy ng malamig na simoy ng hangin na sinasamahan ng amoy ng mga bagong aning palay. This is home… Lumampas na ang sinasakyan niyang kotse sa Centro at lalo siyang na-excite dahil natatanaw na niya ang mataas na burol sa unahan nila. Kung hindi taga-Catalina ang napapadpad doon ay aakalaing dead end o katapusan na ng Catalina ang burol. Iyon din ang nagsisilbing boundary ng maunlad na Centro at ng Hacienda Catalina. Ang hacienda ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Sa ibang bansa nakabase ang karamihan sa kanilang pamilya, ang iba naman ay nasa Maynila. Sila lang ng mama niya ang nakatira sa malaking villa na nakatayo sa gitna ng hacienda. Habang ang mga pinsan niya na nais takasan ang kaguluhan ng Kamaynilaan ay may kanya-kanyang cabin sa loob ng hacienda.   Ilang saglit pa ay narating na nila ang paanan ng burol. Excited na bumaba si Angela mula sa sasakyan. Hanggang doon na lamang ang kotse dahil hindi na iyon papayagan sa loob ng hacienda. She didn’t know who made that rule. Nakagisnan na lang nilang magpipinsan na tanging kabayo lamang ang gagamiting sasakyan sa loob ng hacienda maliban na lamang kung may emergency at kung naroroon ang matatanda nilang kamag-anak. So far, the unwritten rule never failed to excite them. Agad lumapit sa kanila ang isa sa mga guwardiyang naka-duty sa guardhouse. Ibinigay rito ni Charlie ang susi ng sasakyan para maayos na mai-park iyon. Pagkatapos ay tinungo na nila ang kuwadra na naroon din malapit sa gate at kinuha ang kanya-kanyang kabayo. “Race?” nakangiting tanong nito pero naghahamon ang mga mata. Sa isang iglap lamang ay matikas na itong nakaupo sa ibabaw ng stallion nito. “What’s at stake?” balik-tanong niya. Madalas silang magkarera tuwing naroon sila sa hacienda. Sumakay na rin siya sa kabayo niya at hinawakan nang mahigpit ang renda. “Hmm, well, kapag natalo kita, tatambay ka muna sa restaurant ko sa Maynila.” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Tatambay? Ibig mong sabihin, aalilain mo muna ako ro’n at pagsusuotin mo `ko ng waitress uniform? I’m a doctor now, Charlie. Don’t forget that!” Humalakhak ito. “Yes. Kapag ako naman ang tinalo mo, well, puwede mo `kong gawing temporary assistant mo sa clinic mo sa Centro.” “And what do you know about babies?” nakaingos na tanong niya rito. “My dearest cousin, you’ll be surprised to find that the kitchen is not my only favorite place. Well, why don’t you beat me to see what I’m talking about?” “Call! Sa villa ang finishing line, ha?” She smiled cunningly and then without warning, she urged her stallion into a gallop by pulling the reigns hard. “Hiya!” “Cheater!” hiyaw ni Charlie bago nito patakbuhin nang mabilis ang kabayo. Nilingon niya ito. There was no way he could beat her. Masyadong malayo ang distansiya nila sa isa’t isa at hindi siya nagkukulang sa pagpa-practice sa pagsakay sa kabayo kahit noong nasa San Francisco siya. Nang makaakyat na sa burol ang kabayo niya ay pinahinto na niya iyon at saka siya bumaba mula roon. Si Charlie naman ay nasa likuran na niya. Following suit, he made his stallion stop and then fondly stared at her. Ah, hinding-hindi niya mapapalampas na hindi tingnan ang kabuuan ng hacienda mula sa tuktok ng burol. It was very familiar scenery yet it left her in awe every time she looked at it. Mula roon ay kitang-kita niya ang maringal na grand villa na nakatayo sa pinakagitna ng hacienda. Tanaw rin mula roon ang mga log cabin ng kanyang mga pinsan. Pagkatapos ay pulos greeneries na ang makikita tulad ng nagtatayugang mga puno, fruit farms, at vegetation. There was also an airstrip. Sa dulo ng hacienda ay naroon ang dalampasigang karugtong ng West Philippine Sea na tila mina ng diyamante ang pagkislap ng sinag ng araw sa tubig niyon. “I love it here, Charlie. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako naengganyo ng modernong pamumuhay sa Amerika. Kahit sa Maynila, I don’t see myself living there. When I think of home, Catalina is the only place that pops into my head.” Inakbayan siya nito. “You belong here, Ate Angela. This is your home.” Ilang sandali pa niyang pinagsawa ang mga mata sa tanawing iyon bago niya niyaya ang pinsan na umuwi. “Tara na. Knowing Mama, baka ipasundo pa tayo n’on dito sa burol. Alam mo naman `yon, lahat ng pumapasok sa hacienda ay naka-report agad sa kanya. Kaya hindi puwede sa kanya ang mga surprise-surprise.” Charlie laughed. “Yeah, right!”   One year later   ANGELA began to panic but she tried hard to keep calm. Napag-aralan na niya ang ganitong pagkakataon sa swimming lessons niya. Ang sabi ng swimming instructor niya, dapat daw ay manatiling kalmado para makapag-isip nang maayos. The water was so cold at sumisigid na iyon sa mga buto niya. Idagdag pa ang lamig na dala ng hanging-dagat. Kampay pa, Angela. Kampay… Pero hindi na kaya ng mga binti niya, namimitig na iyon. Masakit na at hindi na niya kaya pang kumampay. Gayunman, lumalaban pa rin siya at ginagawa ang lahat para hindi siya tuluyang lamunin ng kanyang takot. Nanlaki ang mga mata niya nang mula sa ilalim ng dagat ay may mga kamay na humawak sa binti niya. Pilit siyang hinihila niyon pailalim sa tubig. Nagkakawag siya ngunit malakas ang kung sino mang humahatak sa kanya, nagawa siya nitong mapailalim sa tubig. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang malademonyong pagkakangisi ng lalaking humatak sa kanya. Iisa ang ipinahihiwatig ng nag-aapoy na mga mata nito. He was going to kill her. She was at the bottom of the sea, fighting for her life. She tried so hard to push him away, pero hindi niya ito kaya. Sanay siyang huminga nang ilang minuto sa ilalim ng dagat at naituro na rin sa kanya ng swimming instructor niya ang technique kung paano pababagalin ang t***k ng puso niya nang sa gayon ay tumagal siya sa ilalim ng dagat. Pero sa pagkakataong iyon ay tila nauubusan na siya ng hangin. Puputok na ang mga baga niya at naghuhumiyaw na iyon sa paghingi ng hangin. She needed to get to the surface to breathe some air or her body would shut down in an instant. Pero tila hindi papayag ang lalaki na makaalis siya mula sa pagkakahawak nito. To her horror, he put his hands on her neck and squeezed tight. Sa sobrang higpit ay wala siyang nagawa kundi ibuka ang kanyang bibig para makahinga. Agad na pumasok ang tubig sa kanyang bibig. Patuloy sa paghigpit ang mga palad ng lalaki sa leeg niya. Pakiramdam niya ay humihina na ang katawan niya. Hanggang sa unti-unti nang nagdilim ang lahat sa kanya. The next thing she knew, her body was floating above the vast sea. She was dead. “No!” Malakas na tili ang lumabas sa lalamunan ni Angela bago humihingal na bumangon. Naramdaman niyang basang-basa siya ng pawis at nananayo ang lahat ng balahibo niya. Habol ang hiningang bumaba siya ng kama at kumuha ng isang basong tubig sa refrigerator na naroon mismo sa silid niya. Dinalaw na naman siya ng panaginip na iyon. Hindi pala panaginip kundi bangungot, ang bangungot na binubulabog ang tulog niya. It was a nightmare that always haunted her dreams and then lingered in her mind when she woke up. What was happening to her? Bakit nakikita niya sa bangungot na iyon ang isang batang Angela na lumulutang sa dagat at walang buhay? Kitang-kita niya na siya ang naroon ngunit kailanman ay hindi niya nakita ang mukha ng lalaking nais siyang patayin at hindi niya iyon maintindihan. Bakit iisa ang bersiyon ng bangungot na iyon? Natatandaan niya na nagsimula siyang guluhin ng bangungot na iyon mula nang umuwi siya sa Pilipinas nang makatapos siya ng pag-aaral sa San Francisco at mag-iisang taon na iyon. Kung gayon, isang taon na rin siyang hindi pinatatahimik ng bangungot niya. Hindi kaya may nais ipahiwatig sa kanya ang bangungot na iyon? Napapikit siya bago niyakap ang mga tuhod at pilit binubura sa kanyang isip ang bangungot. Gayunman, duda siya kung magagawa niyang burahin ang bagay na iyon. Mayamaya pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid. Kahit hindi siya dumilat ay alam niya kung sino iyon. “Angela!” anang humahangos na kanyang ina. Dumilat siya at agad na yumakap dito. Muli siyang napapikit nang maramdaman niya ang ginhawang hatid ng paghagod nito sa kanyang likod. Tila pinapawi ng mainit na palad nito ang kanyang mga takot. Ah, mabuti na lang at naririto ito ngayon sa tabi niya. Anna was the best mother in the whole world. Bata pa lamang siya nang mamatay ang papa niya at halos hindi na niya matandaan kung ano ang hitsura nito kung hindi lamang sa tulong ng mga photo album sa villa. Gayunman, lumaki man siyang walang kinikilalang ama, hindi naman nagkulang ang mama niya sa pagpapalaki sa kanya. She was loved, and she couldn’t ask for more. Bumitaw ito at pinunasan ang mukha niyang basang-basa ng pawis. “What’s happening to you, Angela? Ilang beses ko nang napapansin ang paggising mo sa kalaliman ng gabi. Hinihintay lang kita na kusang magkuwento sa akin pero heto ngayon at binabagabag ka na naman ng kung anong bagay na `yan. Tell me, what is it?” wika nito na hindi maitago ang pag-aalala. Ikinagulat niya ang bagay na iyon. Kung gayon pala ay alam ng mama niya ang tungkol sa mga bangungot niya. Ang akala niya ay maayos niyang naitatago iyon. Marahil ay naririnig nito ang mga pag-ungol niya sa gabi kapag binabangungot na siya. “Tell me, hija, ano ang gumugulo sa `yo?” “M-Mama, I’ve been having nightmares for almost a year now and I do not understand why…” hysterical na wika ni Angela sa ina. Muling bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata nang maalala niya ang bangungot na iyon kung saan ay kitang-kita niya ang paglutang ng katawan niya sa malawak na karagatan. Muling nanayo ang mga balahibo niya.  Palagi na lang siyang hinahabol ng multong iyon sa panaginip niya at hindi talaga niya malaman kung bakit. Hindi niya mahanapan ng sagot kung bakit patuloy na ginugulo siya ng mga iyon sa panaginip niya. Panaginip na palaging gumigising sa kanya sa kalaliman ng gabi at sa tuwina ay hindi na uli siya nakakatulog. “A-anong klaseng bangungot iyon, hija?” “Ang batang Angela— Sa panaginip ko, naroon siya at nakikipaglaban para sa buhay niya. May malaking lalaki, Mama. H-he’s trying to kill me!” Pakiramdam niya ay kahapon lamang nangyari ang bagay na iyon. Her body was still trembling. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pamumutla ng kanyang ina at ang pagtutop nito sa bibig nito na tila nais pigilin ang pakabigla. Nanlaki rin ang mga mata nito. Sa pagtataka niya ay biglang nag-iwas ng tingin sa kanya ang kanyang ina, pagkatapos ay tumitig sa kawalan. “`M-Ma.” “H-huh?” “Are you okay, `Ma?” “Y-yes, I’m fine. Ano ang eksaktong napapanaginipan mo, hija?” Pumikit siya. Nang muli niyang makita sa kanyang isip ang mga eksenang palaging gumugulo sa kanya ay sinabi niya iyon dito. Ikinuwento niya rito lahat ng detalye sa panaginip niya, lahat-lahat maging ang kanyang pagkamatay sa huling bahagi niyon. Her mother stared at her then spoke in a very low voice. “It’s time.” Napakunot-noo siya. “T-time? Time for what, `Ma?” naguguluhang tanong niya. Suddenly, her mind shifted from her nightmare to her mother’s ashen face. Bakit nagkaganoon ito pagkatapos nitong marinig ang detalye ng panaginip niya? May alam ba ito sa bagay na iyon? Bumuntong-hininga ito bago tumayo at tinungo ang pinto. Lumingon muna ito sa kanya bago tuluyang lumabas. “Freshen up, Angela. Meet me at the library. I have something to tell you. This could change your life—and mine,” anito, saka tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto. Naguguluhang hinabol na lang niya ng tingin ang kanyang ina. Ilang sandali muna niyang pinayapa  ang kanyang paghinga bago siya bumaba ng kama. She took a quick shower and put on some comfortable clothes. Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng pinto ng library.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A night with Mr. CEO

read
175.4K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.4K
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.5K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook