“GOOD morning,” masiglang salubong ni Angela kina Brandon, Dylan, at Marko. Naroon ang tatlong binata dahil ibinilin ng kanyang ina na doon mag-almusal ang tatlo. Alam na kasi ng mama niya ang tungkol sa kanila ni Marko dahil nasa sala ito nang maihatid siya ni Marko kagabi kaya kagabi rin mismo ay nagtapat na sila ni Marko dito. Hindi naman tumutol ang kanyang ina at tuwang-tuwa pa nga ito sa nalaman. Una niyang hinalikan sa pisngi sina Brandon at Dylan. Pagkatapos ay nilapitan niya si Marko at dinampian din ng mabilis na halik ang pisngi nito. Kinuha niya ang kamay ni Marko at pinagsalikop ang mga kamay nila bago iyon ipinakita sa mga pinsan niya. Literal na umawang ang mga labi ng dalawa bago nagpalitan ng tingin. Halos magluha naman ang mga mata niya sa kakatawa dahil doon. “When?

