ANGELA floated serenely over the water. Dapat ay pupunta siya ngayon sa clinic niya pero tinamad siya bigla kaya ipinasya na lang niyang maglunoy sa karagatan ng Catalina. Gayunman, pinabuksan pa rin niya ang clinic sa isang mapagkakatiwalaang tauhan at binilinan ito na itawag agad sa kanya kapag may pasyenteng nangangailangan ng atensiyon niya. Wala si Marko dahil nagkaroon diumano ng problema sa negosyo nito kaya kailangan nitong lumuwas sa Maynila. Sumabay pa ang kanyang ina kay Marko. Maging ang mga pinsan niya ay nagsiluwas na rin sa Maynila nang nagdaang araw kaya mag-isa lang siya roon, maliban sa mga security guard ng hacienda. Ang mga tauhan naman nila ay abala sa iba’t ibang trabaho sa hacienda. Nang magsawa sa paglalangoy ay ang pamumulot naman ng mga sea shell ang kanyang pin

