“ANGELA… Angela. Angela! Honey, wake up…” Habol ang hiningang napabalikwas si Angela sa kama. Nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Marko ay agad na pumaloob siya sa mga bisig nito. Katabi lang ng silid niya ang inookupang silid ni Marko kaya marahil narinig nito ang kanyang pag-ungol. Dapat pala ay sa tabi na lang niya ito pinatulog at hindi sa guest room. Baka sakaling hindi siya binangungot kung nasa tabi niya ito. “Sshh… Don’t be afraid. Honey, panaginip lang `yon,” pag-aalo nito sa kanya nang marahil ay maramdaman ang panginginig ng katawan niya. Takot na takot talaga siya dahil nagkaroon na ng ibang bersiyon ang panaginip niya. Nakita niya mula roon ang batang Angela na pinagpipiyestahan ng mga pating. Nakita pa niya kung paanong sagpangin ng isang pating ang kanyang braso. P

