I KNOW him, I know him… paulit-ulit na sabi ni Angela sa isip niya. Isa-isang nagsilitawan sa isip niya ang madidilim na bahagi ng kanyang nakaraan. Para iyong mga kislap ng liwanag na sumusulpot sa isip niya at pagkatapos ay agad ding mawawala. Lalong sumakit ang ulo niya sa mga tila kidlat na liwanag na dumadagsa at agad ding nawawala. It frightened her, yet she took another glance at the picture on the floor. Hanggang sa sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. “No!” she cried out loud nang tuluyang manariwa sa kanyang isip ang alaala ng nakaraan. Ang ama ni Marko ay bahagi ng kanyang nakaraan! Marahas na pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga pisngi bago nagmamadaling nagbihis. Kailangan niyang makaalis agad sa pamamahay na iyon. “Oh, God! No… No!” desperadong bulalas niya haba

