“THANK you for the sumptuous meal, chef,” nakangiting wika ni Angela habang pumapanaog sila ni Marko palabas sa cabin ni Charlie. Weekend noon. At tulad ng pangako sa kanya ni Marko, sa Catalina sila mananatili kapag weekends. Napagkasunduan na rin nila na hindi na ituloy ang annulment, sa halip ngayon ay magkatulong pa sila ni Marko sa preparasyon ng kanilang kasal. Nakilala na rin niya ang pamilya ni Marko, lalo na ang ama nito. Kakatwa ngunit ni hindi man lang siya nakaramdam ng takot dito nang yakapin siya nito kahit na kamukhang-kamukha ito ni Manuel. Isa lang ang ibig sabihin niyon, nakapagpatawad na talaga siya. Wala na ni katiting na galit sa puso niya. Oh, well, may isa pa palang good news. Tila nagkakaunawaan na rin ang daddy niya at ang kanyang Mama Anna. Ah, wala na siyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


