HINDI makapaniwala si Angela sa mga papeles na ipinadala sa kanya ni Marko sa pamamagitan ng abogado nito. Annulment papers iyon mula kay Marko at pirmado na nito ang mga iyon. Gusto na nitong ipawalang-bisa ang kasal nila. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya dahil sa mga iyon. What’s wrong, Angela? Hindi ba at `yan din mismo ang gusto mong mangyari? Hindi ba at hiniling mo kay Alexander ang tungkol sa bagay na `yan? anang isang bahagi ng kanyang isip. Isang buwan na ang nakararaan mula nang huling pumunta sa kanila ang pamilya ni Marko at mula noon ay hindi na uli ito nagpakita pa sa kanya. Dapat ay masaya siya dahil tinigilan na siya nito, pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam niya ay gustong-gusto na uli niya itong makita

