IF YOU can only change the past, Marko… Kung hindi mo lang sana siya kadugo. Tumikhim muna si Angela bago siya magsalita. “Sit down, Marko. Yaman din lang na narito ka na, mas mabuti pa nga siguro na mag-usap na tayo,” seryosong wika niya. Naupo na rin siya sa one-seater sofa na naroon. Reluctantly, he took the seat next to hers. “I’m sorry, Marko, pero sana, huwag mo muna akong lalapitan o kakausapin. Gusto ko munang mag-isip. Naging padalos-dalos ako sa mga naging desisyon ko. Give me some space, Marko,” matatag na wika niya. Gusto niyang palakpakan ang sarili niya dahil nasabi niya ang lahat ng iyon nang deretso at hindi nauutal. Bumadha ang pagkabigla at takot sa mga mata ni Marko. Nag-iwas siya ng tingin para hindi na niya makita pa ang emosyong nagsasalimbayan sa mukha nito. Alam

