GUSTONG pagsisihan ni Angela kung bakit iniwan pa niya sa helipad si Marko. Kalahating oras na ang nakalilipas mula nang makarating siya sa beach house ngunit wala pa rin ang binata. Dapat pala ay pinaangkas na lang niya ito sa kanyang kabayo nang hindi iyong kinakain na siya ng pag-aalala rito. “O, wala pa ba si Markopolo? Baka naligaw na ang manliligaw mo at sa Centro na ang daang tinatahak niya,” wika ng kanyang ina. Napabaling siya rito. “How did you know about him?” nagtatakang tanong niya. Hindi niya ito nakita pagdating niya kanina. Inisip na lang niya na nasa library ito. Itinaas nito ang kamay nito na may hawak na cell phone. “Katatawag lang ni Alexander at sinabi sa akin ang tungkol sa manliligaw mo.” Napaawang ang bibig niya. “That brute! Inunahan pa talaga ako sa pagsasabi

