LIHIM na nangingiti na lang si Angela hanggang sa makarating sila sa clinic. Marko knew exactly what to do. Inihanda na agad nito ang mga kakailanganin niyang gamit at ini-sterilize na rin nito ang mga dapat i-sterilize. Pediatrician siya kaya natural lang na ang mga pasyenteng napapasyal sa clinic niya ay mga bata. Ilang sandali pa ay may mga bata na roon kasa-kasama ang mga nanay ng mga ito. Pulos checkups lang naman sa ubo at sipon ang naka-schedule niya para sa araw na iyon kaya mabilis ding naubos ang mga pasyente niya. Tinatapos na niya ang mga record ng mga bata nang maisipan niyang sumilip sa blinds ng pinakaopisina niya. Agad nanungaw ang tuwa sa mga mata niya sa tagpong bumulaga sa kanyang mga mata. Si Marko ay nakaupo sa rocking chair na bahagyang iniuugoy-ugoy nito habang sa d

