PHOTOGRAPH OF KEISHA

4187 Words
Gusto kong makita ulit yung babaeng nakita ko sa picture na lumipad papunta sa windshield ng kotse ko nung nakaraang buwan, mula ng makita ko siya di na siya nawala sa isip ko. Lagi na siyang hinahanap-hanap ng mata ko. Kaya inilagay ko ang picture na iyon sa frame at hanggang ngayon ay nandoong pa rin siya sa kuwarto ko at palagi ko lang tinitingnan. Buhay na buhay kasi ang larawan nung babae. Kung ilalarawan ko siya, para sa akin siya na ang babaeng puwedeng pagpantasyahan ng mga kalalakihan. Dahil ang mukha niya maamo na parang isang anghel, matang mapupungay, labing kaakit-akit na animo'y masarap halikan, at ngiting maaakit kang palaging tingnan. At sa tingin ko siya na ang babae para sa akin. "Hoy pre, tumigil ka na nga kaka-imagine riyan dun sa babae sa picture! Grabe ka, ikaw lang ata ang kakilala kong nagkagusto sa babaeng nasa larawan lang! Mamaya, may asawa na yang Keisha Angeles na 'yan, "sabi naman ng mayabang ko na kaibigan na si Anton Ledesma. Siya lang yung kaibigan ko na palagi kong kasama kahit saan magpunta. Pareho kasi kaming single at ready to mingle, ay ako lang pala ang ready to mingle dahil si Anton kasi ang tipo ng lalaki na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan. "Wala e, tinamaan ang kaibigan mo! Di ko nga alam kung paano at kailan pero hindi talaga siya mawala sa isip ko," maikling paliwanag ko kay Anton. Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan na isang bar sa Quezon City. Kapag Biyernes kasi dito ang puntahan namin para magliwaliw tuwing galing kami sa aming secret mission. "Hay naku, huwag ka masyadong ma-fall diyan. Hindi mo pa nga nakikita sa personal yan e! Mamaya niyan sa picture lang siya maganda tapos sa personal pangit pala! Marami na ngayong babaeng ganyan kaya mahirap na magpalinlang sa mga babae sa picture. Baka puro filter lang ang ginawa niyan para gumanda," mapang-asar na sagot naman ni Anton sa akin. "Ikaw talaga Anton, puro hugot ang alam. Lahat na lang may pinaglalabanan ka! Hayaan mo na ako pre, lilipas din 'to. Tsaka intindihin muna natin yung mission natin ngayon," pag-iwas na sagot ko sa kanya para hindi na humaba pa ang usapan. "Naku pre, para-paraan ka talaga para makaiwas sa sermon ko. Di ko alam sa'yo Lleyton Buen nagkagusto ka sa isang babae na hindi mo alam kung tao ba o hindi. Guwapo ka naman, mayaman at na sa'yo ang mga katangian na gugustuhin ng mga babae. Tulad ko, mga babae ang naghahabol sa akin! Oo nga pala, ano ang misyon natin ngayon?" Pagmamayabang na sabi ni Anton sa akin. Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko masyadong bilib sa sarili. "Iyong misyon natin ngayon ay hanapin yung nawawalang pulgas ng aso ng kapitbahay natin," seryosong sabi ko sa kanya pero biro lang talaga yun ewan kung seryosohin niya. "Naku pre, joke ba yan? Galing ng joke mo ha! Tatawa na ba ako? Ang talino mo naman, akalain mo naisipan mo na pulgas ang new mission natin! Hanep ka talaga pare! Next time pare yung makatotohanang misyon naman para mas masaya. Tutal naman tayo iyong may-ari ng Goblin's Secret Agency or GSA, bakit hindi natin hanapin yung babae sa picture?" magandang suhestiyon na sinabi ni Anton sa akin. Biglang may naisip agad akong gawin, lahat ng mga contacts ko na Private Detective ay tinext ko para ipahanap si Keisha Angeles ang babaeng hindi mawala sa isipan ko. Kinabukasan, ang ganda ng panaginip ko tungkol kay Keisha Angeles. Medyo napasarap ata tulog ko dahil naparami ata ang inom ko kagabi. Napanaginipan ko kasing nakausap ko siya dahil lumabas siya mula sa larawan na nakalagay sa frame sa kuwarto ko. Kumurap-kurap ang mata ko dahil nakita kong unti-unting lumabas si Keisha mula sa larawang nakasabit sa kuwarto ko malapit sa kama ko. "Hala! Nanaginip ata ako, lumabas si Keisha Angeles sa picture? Grabe masyado ata akong naparami ng inom," tinapik-tapik ko pa yung pisngi ko para magising ako mula sa katotohanan. Umupo muna si Keisha sa kama ko bago nagsalita."Hindi ka nanaginip, totoong lumabas ako sa larawan. Nangyayari 'to tuwing alas-dose ng madaling araw. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero ikaw lang ang masuwerteng napuntahan ng larawan ko, sabi kasi niya sa akin na ang makakapulot at makakakita sa larawan ko na may malinis na puso ay magkakaroon ng pagkakataon na makita ako," nakangiting sabi sa akin ni Keisha. Grabe, napakahinhin at napakapino niya gumalaw. Kung panaginip lang 'to ayaw ko na magising pa. "Tao ka bang katulad ko Keisha? Ay mali pala yung tanong ko, kung tao ka katulad ko paano ka napunta sa picture? Tsaka may dapat ba akong gawin para lang makalabas ka na diyan?" naguguluhan pa ring tanong ko sa kanya. "Hindi ako tao, pero sabi niya magiging tao ako kapag..." putol niyang sabi dahil halatang nahihiya siya sa akin sabihin yung dahilan. "Kapag ano, Keisha? Bakit nahihiya kang sabihin sa akin? Sige na gusto ko kasing malaman! At sino ba yung "siya" na sinasabi mo?" Nagpupumilit na sabi ko sa kanya. Magkaharap kaming dalawa sa malaking kama ko habang magkausap kami. Ala-una na ata ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko sa aking panaginip. "Magiging tao lang ako kapag may taong nagmahal sa akin ng tapat kahit na hindi ako totoong tao at isa lang akong babae sa larawan. Yung "siya" na sinasabi ko ay si God na lumikha sa sangkatauhan at buong mundo. Ang totoo niyan isa lang akong kaluluwang pagala-gala sa mundo, hiniling ko sa kanya na sana maging tao ako ulit at makakita ng taong magmamahal sa akin ng tapat. Hindi ko akalain na kakausapin niya agad ako pagkatapos ko magdasal sa kaniya, at binigyan niya ako ng isang kondisyon para maging isang tao na kagaya mo," mahabang sabi niya sa akin. Naunawaan ko agad kung ano ang kondisyon na ibinigay sa kanya. Pero siniguro ko pa rin kung tama ang nasa isip ko. "Ang kondisyon na yun ba ay maging isa kang larawan?" "Oo, tama ka! Ginawa niya akong larawan para kapag may nakakita sa akin na isang taong may mabuting kalooban ay may pag-asang maging tao ako. At tuwang-tuwang sabi niya sa akin. " Hanggang dun lang ang natapos naming pag-uusap sa panaginip ko. Pero feeling ko hindi siya panaginip. Pero ewan ko ba, lasing kasi ako kagabi baka panaginip nga lang talaga yun. Wala naman taong lalabas sa larawan at makikipag-usap sa'yo sa dis oras ng gabi. Naku, tiyak kapag dinaldal ko 'to kay Anton baka sabihan pa akong nababaliw na. Kaya mabuti pa sarilinin ko na lang yung napanaginipan ko. Mabuti na lang Sabado na ngayon kaya dito muna ako sa bahay para naman masulit yung pagpapahinga ko ngayong araw. Bago ako tumayo sa higaan ay tiningnan ko muna si Keisha. Dahil tuwing umaga nakasanayan ko na tingnan siya para naman buong araw ko ay palaging maganda. Nagulat ako nung makita ko na wala ng tao ang larawan na nakasabit sa dingding ng kuwarto ko."Hala! Nasaan na napunta si Keisha? Bakit wala na siya dito?" Kinuha ko yung picture frame at tinitigan ito ng maige. Bali-baliktarin ko man yung larawan wala talaga akong makitang mukha niya. Anong nangyari? Parang bulang nawala yung mukha niya sa larawan. kagabi naman ay nandoon pa siya sa picture. Nasaan na kaya yung babaeng minahal ko? Kahit na nasa larawan lang siya minahal ko siya, hindi ko alam kung bakit at paano. Pero alam kong mahal ko siya. Ganoon naman diba? Magugulat ka na lang mahal mo na yung taong yun ng walang dahilan. Depende na lang kung isa kang praktikal na tao. Pati yung taong mamahalin mo kailangan pipiliin mo pa. Napagdesisyunan ko na pumunta na sa kusina dahil tanghali na at gutom na rin naman ako. Naglalakad na ako papuntang kusina pero may naririnig akong ingay mula doon. Wala naman akong ibang kasama sa bahay dahil ako lang naman mag-isa dito. Bumukod kasi ako ng bahay simula nung nagkaroon na ako ng sariling agency kasama si Anton. Kaya dali-dali akong naglakad papuntang kusina para malaman ko kung sino ang nakapasok. Baka may magnanakaw o kung anong hayop ang pumunta dito sa bahay. Ilang segundo lang ako naglakad dahil di naman gaanong kalayuan ang kuwarto ko sa kusina. Sumilip ako kung sino o ano ang nasa kusina. Pero laking gulat ko at may babaeng nagluluto sa kusina ko. Kaya para malaman niyang nandito ako ay nagsalita ako. "Si-sino ka? Bakit ka nangingialam sa mga gamit ko sa kusi..." natigilan ako ng humarap siya sa akin. Nasa may pintuan kasi ako nakatayo habang nakatingin sa kanya. Si Keisha Angeles na pinagpapantasyahan ko sa panaginip ay nandito sa bahay ko? Paano nangyari yun? At yung damit niya na suot ay katulad din nung nasa picture. Halo ang nararamdaman ko ngayon. Una, masaya dahil umpisa pa lang ng makita ko siya sa picture ay minahal ko na siya. I want her to be with me FOREVER, lahat gagawin ko para lang sa kanya. Pangalawa, malungkot dahil hanggang kailan siya magiging tao? Kung lumabas nga siya mula sa larawan. At pangatlo, natatakot dahil baka kung ano ang madiskubre ko tungkol sa kanya. "Ba't ngayon ka lang bumaba Lleyton? Kanina pa kaya kita hinihintay, napasarap ata yung tulog mo," nakangiting sabi ni Keisha sa akin. Hala bakit parang close kami? E ngayon ko pa lang naman siya nakausap. Nabibigla talaga ako sa pangyayari. "Bakit di ka makapagsalita diyan Lleyton? At parang nakakita ka ng multo? Di ba nung nakaraang gabi nakapag-usap pa tayo tungkol sa kung paano ako lumalabas sa picture? Huwag mo sabihing nakalimutan mo? Nagtaka nga rin ako bakit hanggang ngayon di pa ako pinapabalik sa picture e. Pero okay lang 'to siyempre may pagkakataon akong makasama ka pa ng matagal. Tutal parang wala ka naman atang pasok ngayon. Baka puwedeng igala mo naman ako? Kasi talagang nasasabik na ako makita ang mundo! Nakalimutan ko na kasi, matagal kasi akong naging kaluluwa lang na pagala-gala sa langit," pumapalakpak na sabi pa sa akin ni Keisha. "I-ibig sabihin totoong nakausap kita kagabi? Akala ko panaginip ko lang talaga yun dahil lasing ako. Puwedeng halikan mo ako para malaman ko kung talagang totoo kang nandiyan," hindi pa rin makapaniwala na sabi ko sa kanya. Imbes na halikan niya ako ay malakas na hampas ang naramdaman ko sa braso ko. "Iisahan mo pa ako ha! Ano, naramdaman mo na totoo talaga akong kausap mo! Gusto mo isa pa?" "Naniniwala na ako na totoo ka! Kaya okay na, di na ako uulit! Ikaw naman nagbibiro lang." May pagkaamazona pala si Keisha akala ko madali siyang utuin,hindi pala. Hanggang sa kinain na namin yung niluto niya para sa almusal. Nagkuwentuhan lang kaming dalawa tungkol sa kung saan-saan pero ang pinaka-natagalan ako sa pagsagot sa tanong niya kung sino ang babaeng napupusuan ko. Wala naman sigurong mawawala kung ipagtapat ko na diba? Pero siguro tatagalan ko na lang muna ang pag-amin, pa-hard to get muna ako siyempre. Baka mamaya umasa lang ako at masaktan. "Alam mo saka mo na ako tanungin kung sino ang mahal ko, sa ngayon gusto ko munang i-enjoy natin yung araw na kasama kita ngayon! Kaya maligo ka na muna at aalis tayo. Hindi tayo masyadong lalayo dahil dito lang din sa subdibisyon tayo maglalakad-lakad," masayang sabi ko sa kanya at nakita kong tumayo siya para maligo sa kuwarto ko. Wala na kasing ibang kuwarto dito sa bahay kung hindi yung kuwarto ko lang at mabuti na lang may bestida akong nabili para sa kapatid kong babae kaya may maipapasuot ako sa kanya. "Patay! Wala nga pala siyang panty at bra," bigla kong nasabi ng malakas. Kaya dali-dali akong naglakad papunta sa malapit na grocery sa amin. Kinapalan ko na lang mukha ko na bumili ng underwear at bra niya kahit na medyo iba iniisip ng binilhan ko ay wala akong pakialam. Dali-dali na akong naglakad papunta sa bahay namin, ay bahay ko pala. Ilang hakbang lang naman ginawa ko para makabili ng kailangan niya. Baka kasi lumabas siya ng C.R. na walang saplot at iba pa magawa ko sa kanya. "Mahal, punta ka na rito. Kain na tayo para hindi lumamig yung pagkain!" Sigaw na sabi sa akin ni Keisha . Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng maging tao ang litrato ng babaeng minahal ko kahit siya ay isang litrato lamang. "Oo mahal, pupunta na ako riyan! Aayusin ko lang yung hinigaan natin kanina," malambing na sabi ko pa sa kanya. Binilisan ko na ang kilos para pumunta sa kusina kung nasaan ang babaeng mahal ko. Buhat ng maging tao siya ay pinaramdam ko na sa kanya ang pagmamahal ko sa kanya kahit siya'y isang larawan lamang. Noong una ay hindi siya naniniwala pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Kaya araw-araw ay walang mintis kong pinararamdam ko ang pagmamahal ko sa kanya. Siya lang kasi ang unang babae na minahal ko ng todo. Kahit hindi ko pa siya nakikita noon ng personal. Tuwang-tuwa ako nung sinagot niya ako ilang linggo lang simula ng maging tao si Keisha. Natapos kaming kumain ni Keisa at hindi ko mapigilan na sabihin ang mga salitang nais kong iparating sa kanya. "Sana mahal makasama kita habambuhay. Sana maging tao ka na lang talaga at hindi ka na bumalik bilang babae sa litrato. Umpisa pa lang na makita kita kahit isang litrato ka lang nun ay minahal na kita." "Sana nga mahal, sana nga! Sana marinig niya ang hiling natin na maging tao na talaga ako at para makasama na kita!" Naiiyak na sabi ni Keisha sa akin sabay yakap. Habang magkayakap kami ay naisipan ko na tanungin siya. "Gusto mo ba magpakasal na tayo? Pero sikreto lang? Magpapatulong ako sa kaibigan kong si Anton para makasal na tayo. Para kung hindi man permanente ang pagsasama nating ito ay may maiwan kang alaala sa akin na magkasama tayo. Imposible man itong iniisip ko pero gusto kita makasama Keisha. Papayag ka bang magpakasal sa akin, mahal ko?" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at magkahawak kami ng kamay habang nakatingin sa isa't isa na puno ng pagmamahal. "Oo mahal, payag ako na magpakasal na tayo. Kahit bukas o sa susunod na bukas. Gusto kong sulitin ang mga araw na makakasama kita." Pagkatapos kong marinig ang sagot niya ay niyakap ko siya bigla at hindi ko napigilan na halikan siya sa labi. "Maraming salamat mahal, dahil minahal mo rin ako. Salamat dahil pumayag kang magpakasal tayo. Pinapangako ko sa'yo, kahit alam kong hindi kita permanenteng makakasama ay hindi yun hadlang para maging masaya tayo. Let's treasure the moment, mahal! Kaya iiwan muna kita mahal saglit. Makikipagkita muna ako kay Anton para magpatulong sa paghahanda sa kasal natin sa susunod na araw." "Mag-ingat ka mahal, bumalik ka agad ha?" "Ikaw naman mahal, ma-mi-miss mo agad ako. Saglit lang naman ako mawawala. Babalik din ako, dahil gagawa pa tayo ng baby," biro kong sabi na ikinapula ng kanyang mukha. Hinampas niya muna ako bago magsalita. "Napaka-p*****t mo talaga!" Hinalikan ko muna siya sa labi bago ako tumakbo para umalis na. Nasa biyahe na ako ngayon papunta sa mall kung saan ko kukunin yung gown na susuotin ni Keisha para sa susunod na araw. Sa totoo lang matagal ng nakahanda ang kasal namin ni Keisha. Kinausap ko na si Anton tungkol dito at suportado niya kung anuman ang gagawin ko. Alam na niya ang sitwasyon namin ni Keisha. Noong una ay hindi niya gusto pero noong makita niya siguro kung gaano namin kamahal ang isa't isa ay hindi na siya tumutol pa. Ikakasal kami sa lugar kung saan kami lang ang nakakaalam na tatlo pati ng kaibigan namin na pastor na puwedeng magkasal sa amin. Ayaw ko na malaman pa ng iba ang tungkol sa kasal ko kay Keisha Angeles. Wala na rin naman akong magulang para makasama ko sa mahalagang araw ng aking buhay. Dahil kapag nalaman nila na hindi talaga tao si Keisha at isa lang itong litrato tiyak na malaking gulo. "Makakasama na kita mahal, konting panahon na lang," sabi ko sa aking sarili habang nagmamaneho ng kotse papunta Ginger Mall. Ilang minuto mula ng bumiyahe ako papuntang mall para kunin ang gown at iba pang kailangan para sa aming kasal ay nagkita at nag-usap muna kami saglit ni Anton tungkol sa kasal namin ni Keisha sa susunod na araw. Kinabukasan, isang araw bago ang kasal namin ng babaeng mahal ko. Nag-uusap kaming dalawa habang magkatabi sa kama. Huwag kayong mag-isip ng iba ha! Wala pang nangyayari sa amin, kahit na matagal ko ng gusto ay ginagalang ko pa rin siya. "Mahal, bukas na ang kasal natin. Excited na ako, excited na ako na maging mag-asawa na tayo at gagamitin mo na ang apelyido ko. Bukas, ikaw na si Mrs. Keisha A. Buen ang asawa ko at magiging ina ng mga anak natin." Masayang sabi ko sa kanya habang mahigpit siyang yakap sa mga bisig ko. Inamoy-amoy ko ang mahaba't mabango niyang buhok. Sana God, huwag mo na po siyang kunin sa'kin!Ipinapangako ko na aalagaan at pakamamahalin ko siya habang ako'y nabubuhay. "Excited na rin siyempre, dahil sa wakas magiging Mrs. Buen mo na ako. At para hindi na rin tayo tampulan ng tsismis ng mga kapitbahay mo," masayang sabi niya sa akin at mahigpit akong niyakap. Sana bukas wala na maging problema at sa pinagbigyan niya kami na maging ganap ng tao si Keisha. Maghapon namin inasikaso ang mga gagamitin para sa kasal bukas. Gaganapin ang kasal sa opisina ng Agency na pagmamay-ari namin ni Anton. Itinaon ko na linggo ang kasal para walang ibang tao bukod sa guard na nagbabantay dito. Mamaya uuwi rin agad ako para makasama at makita si Keisha sa bahay namin. Gustong-gusto ko kasi siya palaging nakikita. Ngayong araw na ang pinakahihintay ko. Ang araw na kung saan makakasama ko na siya bilang asawa ko. Sana walang mangyari mamaya sa kasal namin. Sana matapos ang kasal namin ng maayos. "Handa ka na ba?" Tanong ko kay Keisha na halatang kinakabahan. "O-oo mahal, kaso parang may nararamdaman akong masama e!" Kinakabahang sabi niya sa akin habang hawak niya ang aking kamay. "Walang mangyayaring masama mahal. Magtiwala ka, magiging maayos ang kasal natin. Tsaka huminahon ka lang dahil tayo lang naman nandito. Ako, ikaw, si Anton, at yung magkakasal sa atin. Nandito ako di kita bibitawan," sabi ko sa kanya habang pisil-pisil ko ang kanyang kamay. Nandito na kami ngayon sa harap ng pari habang nakaupo at nakikinig sa kanya. Nasa parte na kami kung saan nagpapalitan na kami ng vows. Mabuti na lang at may bestfriend ako na katulad ni Anton na sobrang suportado ako. "I, take thee for my lawful wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health as long as we both shall live," naiiyak kong sabi sa babaeng kaharap ko ngayon na mahal na mahal ko. Malapit na, konti na lang. Matatapos na ang kasal namin. Napakaganda niya sa wedding gown na napili ko para sa kanya. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang makasama siya habambuhay. "I, take thee for my lawful wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health as long as we both shall live," masayang sabi niya habang pinapahiran ang luha sa kanyang mga mata. Habang nagsasalita ang pari ay nakatuon lang ang atensyon ko sa aking magiging Mrs. Buen. "And now I pronounced you husband and wife you may now kiss your bride!" Masayang sabi sa amin ni Father Hermie. Hahalikan ko na sana siya ngunit bigla-biglang umilaw ang buo niyang katawan na ikinabigla naming lahat. Ito na ba ang ikinatatakot niya kanina? Bakit ngayon pa? Kung kailan ikakasal na kami, at magiging asawa ko na siya? Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay habang sinasabi ang mga katagang ito. "Bakit God? Sana naman po pagbigyan niyo na kami. Ang magkasama kami habambuhay at magkaroon ng isang masayang pamilya." Naiiyak na sabi ko habang nakikita kong unti-unti siyang hinahatak ng liwanag paakyat sa kuwarto ko. Babalik na naman ba siya sa larawan? Huwag naman sana! Lalo kong hinigpitan ang hawak ko pero malakas ang hila ng liwanag. Kaya sinigawan ko si Anton na tulungan ako. Bahala na kung ano na ang itsura ko pero hinding-hindi ko siya bibitawan. "Anton hilain mo lang ako, huwag mo akong bibitawan." Nakikita kong nahihirapan na si Keisha pero nakikita kong nilalabanan niya ang liwanag na humihila sa kanya pabalik sa litrato. "Pakiusap huwag mo ako bibitawan Lleyton. Gusto kitang makasama habambuhay. Gusto kong maging tao na katulad mo at magkaroon tayo ng mga anak," naiiyak na sabi niya sa akin habang mahigpit na nakahawak sa dalawa kong kamay. "Umisip ka Lleyton, ano ba ang puwede mong gawin para hindi na bumalik si Keisha sa picture," sigaw sa'kin ni Anton habang tinutulungan ako sa paghila kay Keisha. Parang may magnet na humihila sa kanya paakyat sa kuwarto ko kung saan ang litrato kung saan siya galing. Oo nga pala! Naalala ko na yung sinabi niya nung unang araw na lumabas siya sa picture at naging tao siya. "Hindi ako tao, pero sabi niya magiging tao ako kapag..." putol niyang sabi dahil halatang nahihiya siya sa akin sabihin yung dahilan. "Kapag ano Keisha? Bakit nahihiya kang sabihin sa akin? Sige na gusto ko kasing malaman! At sino ba yung "siya" na sinasabi mo?" Nagpupumilit na sabi ko sa kanya. Magkaharap kaming dalawa sa malaking kama ko habang magkausap kami. Ala-una na ata ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko sa aking panaginip. "Magiging tao lang ako kapag may taong nagmahal sa akin ng tapat kahit na hindi ako totoong tao at isa lang ako babae sa larawan. Yung "siya" na sinasabi ko ay si God na lumikha sa sangkatauhan at buong mundo. Ang totoo niyan isa lang akong kaluluwang pagala-gala sa mundo, hiniling ko sa kanya na sana maging tao ako ulit at makakita ng taong magmamahal sa akin ng tapat. Hindi ko akalain na kakausapin niya agad ako pagkatapos ko magdasal sa kaniya, at binigyan niya ako ng isang kondisyon para maging isang tao na kagaya mo," mahabang sabi niya sa akin. Naisip ko na kung ano ang gagawin ko para maging tao siya. Pinilit ko na abutin siya para mayakap at mahalikan siya kaya pinursige ko na makausad palapit sa kanya. Kailangan kong makalapit sa kanya at alam ko ito lang ang sagot. "Keisha, mahal na mahal kita. Gusto kitang makasama habambuhay na kasama ang ating magiging mga anak. Gagawin ko ang lahat makasama lang kita hanggang sa ating pagtanda. Kaya God, kung naririnig mo ang hiling naming dalawa. Please po, sana pagbigyan mo kaming maging tao si Keisha at makasama siya habambuhay," pagkatapos kong sabihin ang katagang iyon ay masuyo ko siyang hinalikan kahit nasa mahirap kaming sitwasyon. Pagkahalik ko kay Keisha ay biglang naging pormang tao ang liwanag na humihila sa kanya. Naging isa 'tong lalaki na parang kaedad lang namin. Noong nawala ang liwanag ay biglang yumakap sa'kin ng mahigpit si Keisha at nararamdaman ko na hindi pa rin siya panatag. Tumingin ako sa paligid at nakita kong parang walang nangyari kanina. Sina Anton at Father Hermie ay parehong nakatingin lang sa lalaking nakatayo ngayon sa harap namin. "Alam kong nagtataka kayo mga anak kung sino ako. Maraming tao ang tawag sa'kin ay Diyos, Panginoon, Allah, at marami pang iba. Lleyton, alam kong malinis ang iyong hangarin na makasama at mahalin si Keisha habambuhay. Narinig ko ang dasal mo na maging tao si Keisha kaya ibibigay ko ang hiling mo anak," nakangiting sabi niya sa akin. "Salamat po, ama," sabay na sabi naming mag-asawa. Sa wakas mag-asawa na kami at makakasama ko na si Keisha habambuhay. "Walang anuman, anak. Sinubok lang kita kung hanggang saan mo makakaya na gawin ang lahat para sa kanya. At napatunayan mo na talagang mahal mo si Keisha," nakangiting sabi niya sa akin. "At ikaw Keisha maging masaya ka sa buhay mo dahil ikaw ay magiging isa ng ganap na tao. At ikaw naman Anton, pinatunayan mo na isa kang mabuting kaibigan dahil tinulungan mo si Lleyton sa abot ng iyong makakaya," masayang sabi niya sa babaeng mahal ko at kay Anton. Bigla na rin siyang nawala pagkatapos ng sinabi niyang iyon sa amin. "Salamat po, mahal na ama!" Makakasama ko na rin ang babaeng minahal ko kahit sa larawan lang at wala na akong iisipin kung babawiin pa ba siya o hindi sa akin. Isang taon ang nakalipas at nagkaroon na rin kami ng anak ni Keisha. Ang prinsesa naming napaka-cute at walang ginawa kung hindi ang ngumiti. Katulad ni Keisha nakuha niya ang buong itsura ng kanyang ina. Alam kong lalaki siya katulad ng kanyang ina. Masasabi kong hindi ako nagsisi na minahal ko ang isang babae na dati ay sa larawan lang makikita. Isa na kami ngayong masaya at buong pamilya. Salamat sa Panginoon dahil handa siyang makinig sa mga hiling namin. From the moment I saw her picture I know right from the start we are meant for each other...forever. The end....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD