Chapter 7

2304 Words
Kabanata 7 Day 1.5 out of 50   “Hey, Elise! Wait up!” Mas lalo ko lang binilisan ang paglalakad papuntang canteen nang marinig kong tinatawag nito ang pangalan ko. Hindi ko na din kailangan lumingon pa para malaman ko kung sino yun. Pero nagulat nalang ako nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na sya. Muntik ko pa syang mabangga kung hindi agad ako nakahinto sa paglalakad. “Oh my gosh! Paano ka napunta dyan? Nasa likod lang kita kanina ah.” “Don’t underestimate me, eli-“. Bago nya pa ako matawag ulit sa pangalan ko. Hinila ko na sya and we occupied one of the vacant tables in the canteen. “Isa pang tawag mo sa pangalan ko, I swear I’m gonna punch you in your handsome face.” Banta ko dito. Agad naman syang natakot at hinarangan ang mukha nya. Feelingero din ang isang ito.  I just rolled my eyes at him and crossed my arms. “Napakabrutal mo naman. I’ve been calling you since lumabas tayo ng classroom but you keep ignoring me.” “Paano kasi kita papansinin kung tinatawag mo’kong Elise, right? You’re the one who told me to live my life as Llicec. So stop calling me by my real name. At isa pa, paano ka nagging transfer student? I mean, tao ka na ngayon? Kumakain? Natutulog? Saan ka titira?” Sunod-sunod na tanong ko dito. “Right. I should be calling you Llicec. Don’t worry about me, I find ways. And this is a part of our mission.” “I find ways mo mukha mo. Hindi mo man lang nasabi sa’kin? Part din ba ng mission yung magpacute at landiin ka ng mga classmates natin?” Sasagot pa sana si Joshuel kung hindi lang may biglang umupo sa tabi ko at pabalibag na tinapon ang bag at pagkain nito sa mesa. “Excuse me?” I asked in disbelief. Sya yung babaeng kinalabit ako kanina sa classroom. Galit akong tiningnan nito at si Joshuel. “Kanina pa kita hinahanap at nandito ka lang pala. Anung ginagawa mo dito kasama yang transferred student na yan?!” Sigaw nito sa’kin. Magpapaliwanag na sana ako nang bigla ako nitong yakapin. “Nakakainis ka na, huh. Kaninang umaga mo pa ako hindi pinapansin tapos makikita kita dito sa canteen na iba na ang kasama mo? Boyfriend mo na ba ‘tong gwapong ‘to? Best friend mo’ko pero naglilihim ka na sa’kin ngayon.” Mahabang sermon nito matapos akong bitawan sa mahigpit na pagkakayakap. “Ah, eh. Best friend?” Nagtataka ko itong tiningnan. Agad kong tiningnan si Joshuel na parang nanghihingi ng saklolo. Paano ba naman kasi, wala akong natatandaang pinakilala nya na best friend ni Llicec. “Nakakatampo ka na talaga. Parang hindi ikaw yung Llicec na best friend ko ah.” May pagtatampo pa rin na sabi nito. Nararamdaman kong pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi ko alam kung anung mararamdaman, sasabihin o ire-react ko sa ganitong sitwasyon. Wala naman kasi akong naging kaibigan maliban kay Sheerie at hindi naman kami ganito sa isa’t isa. Then the next thing I did ay hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at seryosong tiningnan sa mga mata. “Sorry na. Wag ka na magtampo sa’kin. Syempre, ikaw pa rin at ikaw lang ang best friend ko noh. Hindi yun magbabago, Julie. Masama lang ang pakiramdam ko kanina dahil napuyat ako sa part time job ko kahapon. At isa pa, matagal nang kaibigan ng kuya ko itong si Joshuel kaya close din kami kahit papaano.” I don’t know where did I got those lines. Mabuti nalang din at nakita ko ang ID nyakaya nabasa ko ang pangalan nito. “Talaga, Llicec? Sabi mo yan huh.” Napabunga naman kaming dalawa ni Joshuel ng hangin. Feeling relieved.   “Tapos na ba kayo sa kadramahan nyo?” Sabay-sabay naman kaming napalingon sa nagsalita. Nakasuot ito ng uniform na katulad ng suot ni Joshuel only that he’s wearing a rubber shoes instead of a black shoes, wala itong suot na cardigan at nakabukas ang ilang butones sa polo nito. Idagdag pa ang kulay pula nitong buhok na hindi ko kanina napansin nang gisingin ko sya at nang makilala ko sya sa classroom. I smirked at the thought na mukhang hindi ko na kailangan pahirapan ang sarili ko sa paglapit ditp dahil ito na ang lusang lumalapit sa’kin. Kasama pa nito ang ibang mga barkada nya. “What brings you here?” I asked Primo without avoiding his gazed. Siniko naman ako sa tagiliran ni Julie at pinandilatan. Well, I guess hindi talaga ako pwedeng maging si Llicec. “Hindi ko alam na may katapangan ka rin palang tinatago. Don’t you think kailangan mong bumawi sa’kin dahil inistorbo mo’ko sa tulog ko kanina?” At nakakaloko itong ngumiti. “Paano kung ayoko? Anong gagawin mo?” I crossed my arms at binaliwala ang panginginig  ni Julie. “If that’s the case I-“. “Primo! Primo! Pinagtutulungan nila si Dayrit sa labas!” Hindi na natuloy pa ni Primo ang gustong sabihin dahil sa balitang yun. Agad itong lumabas ng canteen kasabay ng mga kaibigan nito. Sabay-sabay naman kaming napabuga ng hangin nang umalis na ang mga ito. “Natakot ako dun ah.” I said while patting myself. Kahit naman na matapang ako at lumalaban ako, hindi naman ako kasing tapang o kasing galing tulad ng mga babaeng gangster na nababasa ko dati sa w*****d. Pinagpapalo naman ako ni Julie matapos yun. “Hey, what do you think you’re doing? It’s not funny! Masakit kaya.” Reklmo ko sa gitna ng pagpapalo nito sa’kin. “Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit pati si Primo kinakalaban mo na ngayon? Baka nakakalimutan mong pumapatol talaga yan sa mga babae. Paano nalang kung pagtripan ka nun at sabihin nya sa tatay nya na tanggalin ang scholarship mo?!” “Scholarship? What do you mean by that?” “Nakalimutan mo bang ang tatay nya ay ang Head of Director ng school natin? Kaya matapang syang gumawa ng kung anu-ano dito sa loob ng school. At bakit k aba nag-e-english? Naaalibadbaran tuloy ako sa’yo!” Nabaling naman ang tingin k okay Joshuel na tahimik na kumakain ng lunch nito. “Bakit wala kang ginawa?! Inuna mo pa talaga ang pagkain kesa ipagtanggol kami dun sa panget na yun?!” Naiinis na sigaw ko dito. “I thought you can handle yourself? At isa pa mas maganda nga yun, may connections na kayong dalawa sa isa’t isa. Mas mapapadali ang misyon mo.” “Mission my ass.”       Natapos ang lunch namin sa pakikinig sa mga kwento ni Julie tungkol kay Primo. Hindi ko alam kung dakilang tsismosa ba ito kaya alam nya o talagang kalat lang sa school ang mga kalokohan na ginagawa nya. How come I didn’t hear anything on Primo before? Ang akala ko tuloy ako lang ang kinakatakutan dito. According sa mga sinabi kanina ni Julie, Primo was a good and intelligent student before. But then his older brother got kidnapped and killed instead of him. Sinalo daw nito ang lahat ng paninisi na ginawa sa kanya ng tatay nya. Primo did everything to please his father again. Mas lalo pa syang nag-aral nang mabuti. Sinunod nya lahat ng gusto nito. Then his Mom found out that his dad was having an affair. Ilang araw daw itong pinasundan ang Ama sa isang private investigator. Then one night, his confronted his father. Nagkasigawan at nagkasakitan. That’s also the last night Primo found his Mom alive. There’s a rumor na binaril at pinatay daw ito ng sariling asawa. Meron din namang nagsasabi na nagpakamatay mismo ito sa harap ng asawa dahil sa pagtataksil nito. Walang tumayong witness at walang ebidensya na nahanap na ang Ama nito ang pumatay sa sariling asawa. Tikom ang bibig ng lahat. Even Primo. Hanggang sa na-dismiss at kinalimutan nalang ang kaso. At dito rin nag-umpisang magjbagao ang pakikitungo ni Primo sa lahat ng tao. Nung una, nagsimula lang daw ang pagrerebelde nito sa pagpasok sa school pero hindi um-attend ng mga klase nya, simpleng pagkuha lang ng mga baon ng mga estudyante ang ginagawa nito, pag-inom ng alak, paninigarilyo, pagnanakaw, at pag gamit ng ipinagbabawal na gamot. Hanggang sa tuluyan na rin itong nanakit ng mga tao. Wala itong pinipili kung babae man o lalaki. Pati ang mga teacher ay takot dito dahil ginagamit nito ang posisyon ng Tatay nya para hindi sya magalaw. Marami na rin ang nagreklamong estudyante at mga magulang dito pero wala ring nangyayari. Ang mga estudyanteng nagrereklamo pa nga ang mismong napapatanggal sa school. Ilang beses na rin itong itinapon sa rehab pero paulit-ulit na tumakas. Walang ibang nakakatiis sa ugali nito kundi ang mga barkada nya rin at ang best friend nito na si Dayrit. “Class Dismiss.”  Yan lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi ng Math teacher namin na si Mrs. Velasquez. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulala at lutang kakaisip kay Primo. Iniisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan nito. And if there’s one person who can understand him, that would be me. Kaya hindi ko masisisi ito kung nagbago sya dahil doon. “Llicec, sasabay ka ba sa’kin pauwi?” Sabay akbay sa’kin ni Julie. Naglalakad kaming tatlo ngayon kasama si Joshuel sa hallway ng eskwelahan. Nagtatanong ko namang tiningnan si Joshuel and he gestured me to say no. “Next time nalang siguro. May dadaanan pa kasi ako. Bakit kaya hindi pumasok si Primo?” Biglaan kong tanong dito. Maghapon kasi itong hindi pumasok sa mga subjects namin. Ang huling kita ko dito ay dun sa canteen. Nakangiti naman akong tiningnan nito at kinurot-kurot sa tagiliran. “May gusto ka kay Primo noh? Aminin. Hindi ko alam na badboy type na pala ang gusto mo ngayon.” Tukso nito sa’kin. “Wala noh. May gusto lang akong itanong sa kanya. Sige, mauna na kami ni Joshuel. Magkita nalang tayo bukas.” At saka hinila ko na si Joshuel paalis. Mahirap na at baka kung anu-ano pang itanong sa’kin ni Julie.   “Ano nang gagawin ko ngayon?” Tanong ko kay Joshuel habang naglalakad na kami pauwi. “Sa ngayon, dapat malaman natin kung saan naglalagi yung Primo na yun. Dapat mapalapit ka sa kanya para malaman natin kung anung pagbabago ba ang dapat gawin.” “Hindi mo naman sinabi na kailangan ko palang maging detective dito sa misyon na’to. Parang wala naman kasing naitutulong yung notebook na binigay mo. Mas malaking tulong pa nga yung pagiging tsismosa’t madaldal ni Julie.” “That is for you to learn and understand everything. That’s why you’ve given this mission. Ipapakita lang sa’yo ng notebook na yun, ang mga bagay na nalaman mo na rin tungkol sa isang tao. In thatcase, you can think what do you need to do in order for them to change.” “Yeah, right.” “Anyway, good job on your first day.” Nagulat nalang ako when Joshuel pat my head and smiled. It also lasted for seconds dahil pareho kaming natulala at napatingin sa isat-isa. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o totoo, pero uminit bigla ang pakiramdam ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Si Joshuel ang unang nagbawi ng tingin and cleared his throat. “I forgot that I need to do a report about your progress. I need to go now. Magkita nalang tayo mamaya.” And then he disappeared right before my eyes. Mabuti nalang at walang tao kaming kasabay na naglalakad ngayon. “What a careless angel.” I mumbled at myself. Nagsimula na akong maglakad ulit but I stopped when I saw a familiar face sitting across the street. “That’s Primo.” I confirmed it nang makita ko ang kulay pula nyang buhok. Sino ba naman kasing matinong tao ang magpapakulay ng pula sa buhok nya. Nagkalat sa daan ang iba nyang gamit and I can see that he’s got bruises all around his body. At hindi ko na kailangang manghula pa kung saan nya ito nakuha. Lalapitan ko na sana ito nang may humintong kotse sa harap nya at may bumaba doon na isang lalaki. I saw Primo smirked upon seeing that man. “What brings you here? Ang akala ko ba wala kang pakealam sa’kin?” Primo asked while smiling playfully. “Don’t get the wrong idea. Hindi ako nag-aalala sa’yo or anything. I just don’t want people see how messed up you are. Coz it will affect my reputation as well.” Primo’s smiling face eventually erased when he heard those. “Yeah, I almost forgot na wala namang ibang importante sa inyo kundi ang reputasyon nyo. Not me and not even Mom. I wonder how Mom fell in love with you in the first place knowing that you’re a horrible person. I wish that I’d never been born or at least that you’re not my father.” I can feel and see hatred in his eyes while Primo said those. “You’re right. I wish I’ve never been your father. Dahil ayokong magkaroon ng anak na katulad mo.”   Then that’s the first time I saw a gangster cried.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD